Dalawang araw na ang nakalilipas nang muli kaming makabalik sa underground headquarters ng SEA. Ibinigay namin sa Alliance of Detectives si tanda at ang mga nakalap naming impormasyon upang maproseso ang kaso. Bahala na sila kung anong gagawin nila. Basta, nagawa na namin ang aming parte sa misyon.
Sa pagtatapos ng una naming misyon ay siya ring pagbalik ng aming grupo sa dati. Yung tila hindi namin kilala ang isa't isa. Well except saming tatlo nina Harley at Aegeus dahil matagal na kaming magkakaibigan. Hindi din naman big deal kung hindi kami pansinin nung dalawang abnormal na lalaki dahil minsan lang naman sila makipag-usap samin kahit pa noong nasa labas kami.
"Hay, sana magkamisyon ulit tayo." Wika ni Harley habang nakapangalumbaba sa lamesa. "Para di tayo nabubulok dito."
I totally agree with her. But I am sure that we will still have a lot of missions to accomplished. We just have to wait.
"Here's your food." Dating ni Aegeus na dala-dala ang mga pagkaing inorder niya sa command activator. Kumain kami nang taimtim at nang matapos ay umakyat na kami sa kaniya-kaniya naming kwarto.
Kahit papaano'y namiss ko din naman ang lugar na ito. Kung gaano ito kahigh-tech at kung gaano kahayahay ang buhay dito. I let a heavy sigh.
Lumabas ako at nagtungo sa mini gym kung saan ako nag-exercise dati. Naging habit ko na din siguro ang magpapawis kapag maraming naiisip. Hindi ko inaasahan na maaabutan ko si Jack na nag-eexercise din. At ang malala? Ayun, topless siya. Kitang kita ko ang walong pandesal sa katawan niya. Oo, WALO.
"What are you doing here?" Cold niyang saad.
"Mag-eexercise. Obvious ba?" Hinubad ko ang aking t-shirt at itinira ang sports bra ko. Nakatingin lamang siya sa akin habang ginagawa ko iyon. "What?" Takang tanong ko sakaniya.
"Don't you know that I'm here?"
"Of course, I know." May biglang pumasok sa isip ko. Nasesexyhan ata siya sakin. Maasar nga. "Why? Naaakit ka ba?" Unti-unti akong lumapit sakaniya habang nakangisi. Siya naman ay paatras nang paatras.
"Do I look hot in front of you?" Mapang-akit kong tanong nang dumikit na ang likod niya sa pader. Huh! What a weakling.
Tatalikod na sana ako nang hilahin niya ako at cinorner using his muscular arms. Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Oh no.
"Are you trying to tease me, Agent Felina? If yes, then stop. I am a monster in bed. Do you want to be my prey?" Napatigalgal ako sa mga iniwan niyang kataga. He smirked then left me shocked. Nag-iinit tuloy ako. Buwisit! Ako ata yung naging weakling eh.
Hindi ko na itinuloy ang pagpapawis ko dahil tumatagaktak na ang pawis sa buo kong katawan. Ililigo ko na lang ito. Nang matapos akong maligo ay may nagsalita sa command activator.
"Agents, please go to Master Tanya's office ASAP."
Agad kong tinapos ang pagsusuklay at nagpunta sa office ni Master Tanya. Naabutan ko sila na nakaupo na. Pansin ko lang, lagi silang nauuna kaysa sakin. Ang labas tuloy, para akong late. Kahit hindi naman dahil sakto lang ako sa oras.
"Grand entrance ka na naman." Asar sakin ni Aegeus. Inismidan ko lang siya at nakinig na kay Master Tanya.
"I would like to congratulate you agents for the success of your first mission. Now, the keepers have just accepted a mission given by the board of directors. Mas complicated at mas mahirap ito kaysa sa nauna niyong task so I am expecting that you will train again. But this time, together." Napalingon ako kay Jack na tahimik ding nakikinig. I blushed when I remembered the scene earlier. Napabaling muli ang atensyon ko nang magsalita ulit si Master Tanya. "Your next mission is to spy on drug lords. Nakaschedule itong simulan next week. Train harder agents. Dismiss." Lumabas na kaming lahat and as usual, yung dalawang kumag ay may sariling landas na tinahak.
"Oh, ayan na ang hinihiling mo." Aegeus told Harley who looks so excited.
"Yeah! Naeexcite na ulit akong lumabas. Sa susunod talaga mamasyal na ako at mamimili para sulit." Napailing na lang ako sa childish act niya.
Inakbayan ako ni Aegeus at nagsalita. "Ikaw? Di ka ba excited?"
"Slight." Ewan ko ba pero hindi na ako masyadong naeexcite lumabas. Siguro ay dahil sa wala naman kaming ibang gagawin kundi ang makipagbarilan at magespiya. Buti sana kung mabibisita ko sina mom and dad eh.
Nagstay kami sa kwarto ko para magmovie marathon. Unlike the first time we watched a movie, hindi na horror ang pinapanood namin kundi action na. Mukhang pabor naman sa aming tatlo ang genre ng movie dahil nakafocus kami sa panonood. Nang matapos ang movie ay kinuha ko ang aking gitara na nasa loob ng closet ko.
"You play guitar?" I just smiled at Harley and started strumming.
"Cause if one day you wake up and find that you're missing me. And your heart start to wonder where on this earth I could be. Thinking maybe you'll come back into the place where we meet. And you'll see me waiting for you on the corner of the street so I'm not moving... I'm not moving...yeah." Kanta ko sa chorus ng The man who can't be moved.
"A-and you sing?" Asked Aegeus. Bahagya akong napatawa sa mga reaksyon nila. Iniisip ba nila na wala man lang ako katalent-talent?
"No, not that way. Nakakagulat lang. This is the first time we hear you sing and play guitar." Sagot ni Aegeus. As usual, he's reading my mind.
"Ang daya naman! You guys should talk! Hindi ko kayang magbasa ng isip." Natawa kami sa pagtatampo ni Harley. Psh, para talagang bata.
"Well then, you two are lucky for seeing me perform." I laid on my bed. Yes, hindi ako kumakanta sa harap ng tao. Anti-social nga ako diba? Si Becca lang ang kinakausap ko sa school at so far, silang dalawa pa lang ang maituturing kong mga bagong kaibigan. Kaya masuwerte sila na marinig ang boses ng isang Felina Nevida.
Maya maya pa ay isang tinig ng pamilyar na lalaki ang narinig namin sa command activator — ang tinig ni Master Earl.
"Agents, our training will start tomorrow. Prepare."
A/N: Updateeeeee! Read. Vote. Comment.
BINABASA MO ANG
CODE: 005 (On Going)
FantasyFelina who has a good memory was kidnapped and brought to a secret organization. What will happen to her? Read and see it for yourself. NOT JUST YOUR ORDINARY SPY Highest ranking: #46 in sciencefiction, #105 in magic and #373 in fantasy ALL RIGHTS R...