Chapter 6: Facts

147 13 1
                                    

Sabado ngayon at nandito kami ni Harley sa room ni Aegeus. First time ko dito pero it feels like my own room. Parehas na parehas kasi.

"Hay! Ang boring naman!" Paghihimutok ni Harley na nakahiga sa kama ni Aegeus.

"Hep, hep, hep! Wag kang humiga dyan!" Pag-awat sakaniya ni Aegeus.

"Eh bakit ba?"

"Anong bakit? Eh kama ko yan eh."

"So?"

Ito na naman sila. Parang mga aso't pusa. Mahigit isang linggo ko palang sila kasama pero ang gaan na ng pakiramdam ko sakanila. Childish sila kapag magkasama pero 'pag seryosong usapan, lalo na kung training, ang mature nilang mag-isip. Ang weird nila, seriously.

"Ano ba? Mag-aaway na naman ba kayo?" Ako naman ang referee, ang tagasaway nila. Kawawa na nga ang tenga ko sa kakabangayan nila eh. Nagkaroon ng saglit na katahimikan ngunit biglang nagsalita si Aegeus.

"Tara, labas tayo."

"Saan naman tayo pupunta?"

"I'll give you a short history about this place." Sabi niya at tuluyan na kaming lumabas ng pinto.

"So you really study this place, huh?"

"Yep."

Una kaming naglibot sa first floor. Nasa first floor ang gymnasium, kitcheneria, special training rooms at computer laboratory. In short, first floor is all about the facilities for the trainees like us. So far, gymnasium at kitcheneria palang ang napupuntahan ko.

"Ang special training rooms ay ginagamit lang kapag may importante at confidential missions. Dito nagtetraining ang mga special force na gagawa ng mission. Sa computer laboratory naman tinetrain ang mga spy para matuto silang mag-unlock ng codes o maghack ng iba pang computer-based devices. But there are some who have that as an advanced ability so ini-enhance lang ang skills nila doon."

Sa second floor naman ang mga office ng staffs dito. Nalaman ko na nahahati ito sa apat na parte— Technology Department, Keepers' Room, Faculty at ang Board of Directors.

Ayon kay Aegeus, sa Technology Department daw ginagawa ang mga high-tech weapons, gadgets and devices na ginagamit ng mga spy. Bawal pumunta doon unless may important matter. They should not be disturb because of their work. One wrong function of their invention, the whole mission will be a failure.

Ang Keepers' Room ang pinakarestricted area. Madami kasing nakatagong mahahalagang impormasyon dito. Sila din ang sinasabihan ng nakakataas ng mga misyon na kailangang matapos pagkatapos ay ibinabalita nila ito sa Faculty.

Katulad sa school, ang Faculty ay binubuo ng mga teachers dito. But they are not called 'Teachers', they are the 'Masters'. Sila ang assign sa training ng mga spy. They are called Masters dahil sa galing at dami ng experiences nila sa spying. Ms. Tanya is one of them.

Lastly, the Board of Directors. Sila ang namumuno sa asosasyong ito. Kabilang dito ang may-ari, president, vice president, secretary, treasurer and peace & order officer. Si Mr. Denzel palang ang nakikita ko sakanila.

"Hindi nagpapakita ang may-ari at presidente sa mga trainees. Tanging ang Faculty at Board of Directors palang ang nakakakita sakanila. They said that they were related. We don't know their real names but they have code names. Mrs. Step is the owner together with Mr. Mix, her husband. While Ms. Pink is the president."

Hindi na namin pinuntahan ang third floor dahil rooms lang naman ng mga spy ang nandoon.

"I'm tired. Let's rest."

"Ang weak mo naman, Harley."

"Shut up, Aegeus." Napailing na lang ako. These two can be the cause of my deafness.

Bigla akong nacurious, nakakalabas pa ba ang mga spy dito? How about their families?

"Yes. Tuwing December, pinauuwi ang mga spy sa kani-kanilang bahay para magcelebrate ng pasko at new year. Then babalik na lang sila 5 days after new year para makabonding pa nila ang mga pamilya nila." Binasa na naman ni Aegeus ang nasa isip ko. I think that's better. I don't need to talk and waste my saliva just to ask him. "Its not better. Mapapanis lang ang laway mo." I rolled my eyes. Habang naglalakad kami, nabunggo ako ng tumatakbong lalaki.

"Ouch! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"

Tinulungan niya akong makatayo. Hinihingal siya at tumatagaktak ang kaniyang pawis. Pero hindi yun ang dahilan ng pagkatikom ng bibig ko.

"Are you okay?" Bumalik naman ako sa reyalidad nang nagtanong siya. I composed myself and answer his question.

"Do I look okay?!"

"Uh, yes?" What the?!

"Well if that's what you think, you're wrong. For Pete's sake! Tumama ang pwet ko sa sahig dahil sa pagkabunggo mo tapos tatanungin mo akong okay lang? Ang sakit kaya!" Pagrereklamo ko sakaniya.

"Sure kang masakit?" Ha! Ano bang pinagsasasabi ng lalaking 'to? Malamang masakit!

"Of course! Ikaw kaya ang bunggu—" Oh my Goodness. "Pervert! Maniac!" Hinampas hampas ko siya dahil hinawakan niya ang pwet ko. Well not really hinawakan. Parang hinaplos niya lang pero dumampi parin ang palad niya sa pwet ko!

"H-hey! Stop it!" Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko na binubugbog ang dibdib niya. "Look, I don't have time to stay here and argue with you. I have an important thing to do. Pasensya na kung nabunggo kita. Nagmamadali na kasi talaga ako. But I will not ask for forgiveness sa ginawa ko sa butt mo. You should be thankful. Wala na ang sakit diba? Okay na ba, miss? Gotta go! Bye!" Atsaka siya tumakbo ulit. Napaisip ako sa tanong niya. He is right. Di na kumikirot ang pwet ko. Bigla akong namula nang maalala ko na naman yung paghaplos niya dito. Shit.

"He is so handsome! His eyes! I love his eyes! Ang swerte mo, Felina!"

"Swerte bang may humawak sa pwet mo, Harley?"

"Okay lang kung siya din naman." Nakangiting sagot ni Harley sakin. Really? Di kaya swerte yun! Ang malas ko nga eh. Nagpasiya na kaming umakyat sa third floor.

Palaisipan pa din kung anong ginawa niya sakin at kung sino siya. Maputi siya, messy ang kaniyang buhok, matangkad, matangos ang ilong at ang kaniyang mga mata. They were so fascinating. Masyadong maganda. 

"He has the advanced ability of x-ray vision. Kaya niyang makakita sa pagitan ng mga pader or even inside our body kapag nahahawakan niya ito. Kaya niya ring pagalingin ang nainjured o damaged parts ng ating katawan. That's the reason why he touched your butt. He healed you." Aegeus explained. Kung ganoon, sino ba siya?

"That blue-eyed man is Earl Tilden. Ka-age lang natin siya but he is a Master."

A/N: Si Earl Tilden yung nasa taas! Gwapo niya 'no? Hihi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: Si Earl Tilden yung nasa taas! Gwapo niya 'no? Hihi. Vote and comment, readers! Pasok agad ang CODE:005 sa ranking! #506 sa fantasy. Support lang guys!

CODE: 005 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon