Chapter 14: Vallegas Entertainment Industry

92 13 0
                                    

"Rise and shine!" Tinakpan ko ng unan ang tenga ko para di ko marinig ang maagang pambubulabog ng kasama ko.

"Huy, gumising ka na dyan! Hinihintay na tayo ng mga lalaki sa baba." Sabi niya habang niyuyugyog ako. Aish!

"Oo na! Oo na!" Padabog akong tumayo at naghilamos. Nagpalit ako ng desenteng damit at sinuklay ko lang ng kamay ko ang aking buhok. Mamaya na ako maliligo. Tinatamad pa ako. Ang sarap sarap pa naman ng tulog ko. Nakakainis naman.

Walang gana akong bumaba kasama si Harley na sobrang energetic. Ganito ba talaga 'to kapag umaga?

"Oh? Bakit nakabusangot ka dyan?" Imbis na sagutin, hindi ko na lang pinansin si Aegeus. Dahil sakanila 'to eh. 6:00 am palang kaya ! Ang aga nilang manggising. Tss.

"We will have our breakfast sa may cafe sa tapat nito. Kaya kayo maagang ginising dahil kailangan na nating gawin ang misyon natin. Kaya wag kayong magrereklamo kung ginising kayo nang maaga." Kumulo bigla ang dugo ko dahil sa narinig. Ako ba yung sinasabi niya?!

"So what kung nagrereklamo ako?!Dagdag ka lang sa pagkabadtrip ko eh!" Hinawakan ako ni Harley sa braso.

"A-ah hehe... Badtrip talaga siya. Pagpasensyahan niyo na. Sorry master."

"Ayusin mo yang mga pananalita mo Ms. Nevida." I rolled my eyes at him. Kala niya naman natatakot ako sakaniya. Mas mataas nga ang rango niya pero magkasing-edad lang kami.

As in tapat lang ng hotel na ito ang cafe na sinasabi nila. Seriously? Pwede namang mag-order at kumain na lang sa loob.  Naghanap kami ng table at saktong may bakante para sa lima. Umupo kami doon kasabay ng pagdating ng waiter para ibigay ang menu.

"Cappuccino, fried rice and chicken lang yung akin." Sabi ko sa waiter at kaagad sinulat ang order ko. Ganoon din ang ginawa niya sa mga order ng kasama ko pagkatapos ay umalis na siya.

"Okay, mamaya sisimulan na nating mag-espiya. Kailangang may mag-apply doon. Sino sa inyong dalawa?" Tiningnan niya kami ni Harley. Babae kasi ang kailangang mag-apply since babae lang ang tinatanggap nila.

"Si Felina." Sagot ni Harley.

"Teka? Bakit ako?"

"Di ako pwede. Gatherer niyo ako so meaning, di ako pwedeng sumabak sa laban unless kailangan."

"Sige. Felina, ikaw na ang mag-aapply. Kasama mo si Jack bilang isang staff at si Aegeus bilang isang customer. Ako ang magsisilbing long range attack at si Harley ang gatherer, understand?" We all nodded. Argh! I really hate this day.

Maya maya pa, dumating na ang mga inorder namin at kinain ito. Matapos kumain ay bumalik muli kami sa kaniya-kaniya naming kwarto para maligo at maghanda. Nagsuot ako ng maong shorts at crop top. Itinali ko din ang wavy kong buhok para di mainit.

"Ewan ko lang kung di ka pa tanggapin niyan." Hindi ko alam kung compliment ba yung sinabi ni Harley o insulto. Kaya di ko na lang siya pinansin at isinuot ang mga high-tech accessories na binigay samin ni Dr. Yuki like the earpiece, relo at hidden camera sa kwintas ko. Si Harley naman ay dinala ang laptop niya at ang whip niyang naging sinturon.

Nang masiguradong handa na ang lahat, bumaba na kami para makaalis na. Magkasama kami ni Jack sa kotse niya. Si Aegeus naman ay mag-isa samantalang sina Master Earl at Harley ay magkasama sa kotse ni Master Earl.

Sumakay na si Jack sa driver's seat. Naghintay pa naman ako na pagbuksan niya ako. What a gentlemen. Padabog kong binuksan ang pinto at padabog din itong sinara.

"What?" Nakatingin lang kasi siya sakin with the same blank expression. Problema nito? Hindi niya ako sinagot at pinaandar na ang kotse.

Mabilis ang pagpapa-andar niya kaya within 10 minutes, nakarating na agad kami sa Vallegas Entertainment Industry. Siyempre, in-on ko muna ang aking hidden camera at naunang pumasok. More on girls ang nakikita ko dito. Kung may lalaki man, siya ay isang staff.

"Excuse me, san po ba dito yung pag-aaudition-an? Gusto ko po kasing mag-artista eh. Tapos nirekomenda po sakin ito ng kaibigan ko." Tanong ko sa guard.

"Diretso ka lang tapos may elevator kang makikita. Sumakay ka doon para makaakyat ka sa 4th floor. Pagkalabas mo, kumaliwa ka. Kapag nasa dulo ka na, kumanan ka. Sa pinaka-unang office ka pumasok." Turo sakin ni Manong Guard with hand gestures pa.

"Thank you po." Umalis na ako at sinunod ang direksyong inilahad niya. Mukhang mababait naman ang mga tao dito. Hindi halatang may tinatago silang baho sa loob ng gusaling ito. Feeling ko naman, hindi lahat ng empleyado dito ay alam ang kalakaran sa pinapasukan nila kaya di rin sila maaaring sisihin.

Habang tinutungo ko ang dulo ng kaliwang bahagi ng 4th floor, may nakasalubong akong matandang lalaki. Mayaman siya batay na rin sa kaniyang kasuotan ngunit mukha siyang manyak.

"Good morning po." I greeted as a sign of respect. I can't do anything bad here. So I must behave. As a reply, he just smiled at me pero nakikita ko ang pagnanasa sa kaniyang mga mata. Yuck! After nun, nilagpasan ko nalang siya at patuloy na naglakad.

"Kamusta? May nakita ka na bang kakaiba?" Nagulat ako dahil may babaeng biglang sumulpot sa gilid ko. Sino 'to? "Si Jack 'to." Oo nga pala, duplication ang advanced ability niya.

"Pupunta palang ako doon sa office."

"Sige, sabay na tayo." Malamig niyang sabi.

"Sino bang ginaya mo?"

"Yung secretary na magha-hire sainyo." Napatango na lang ako. Paano niya naman mapapalitan ang pwesto nung secretary? Saka lang nasagot ang tanong ko nang malaman na wala ang secretary pero naghihintay ang mga babae na mag-aaudition din.

"Nasan yung secretary?" Pasimple kong bulong kay Jack.

"Inutusan ko." Simple niyang sagot at pumasok na sa office. Marahil nagpanggap siya bilang isang mataas na tao dito at inutusan niya yung secretary para siya ang pumalit. Tiningnan ko ang mga kasama ko na naghihintay na matawag sila. Masyadong revealing ang mga damit nila na halos kita na ang kanilang kaluluwa. Alam kaya nila na nag-aaudution sila bilang isang prostitute?

"Excuse me, required ba talagang magsuot nang ganyan?" Tanong ko sa katabi ko na tila hindi kumportable sa damit niya. Ibinaba niya kasi ang short niya na sobrang ikli.

"Oo. Bakit? Hindi mo ba nabasa ang mga requirements nila?"

"Nakakatamad kasing basahin."

"Eh bakit ganyan ang suot mo kung hindi mo alam?"

"Ito na kasi ang porma ko." Sagot ko sakaniya. Hindi sila pwedeng magtaka sa amin. Alam ko namang required talagang magsuot ng maikli pero I want an assurance. Gusto kong marinig mismo sakanila. After 45 minutes, natawag na din ako. Career na career nga si Jack sa pagiging secretary eh. Lalaki siya pero babae ang ginagaya niya. Nakakatawang isipin.

"Tanggap ka na." Pinanlakihan ko siya ng mata. Baka mahalata kami sa ginagawa niya. Hindi pwedeng basta-basta tumanggap ang secretary.

"Maganda ka. Sexy ka. Kaya tanggap ka na. Pwede ka nang pumasok sa kwartong nasa likod." Nakasmirk niyang sabi.

Wait. Ano daw?!

A/N: New update! May phone na ulit ako hihi. Vote and comment!



















CODE: 005 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon