Nagising ako na parang may mabigat sa aking tyan. Laking gulat ko nang nakayakap pala sakin ang bata. Napangiti ako. Such a sweet boy.
Maingat kong tinanggal ang kamay niya at naligo. Mamaya pa ang balik namin sa outside world para doon na manatili. Mamimiss ko 'tong lugar na 'to.
Since hindi namin pwedeng isama sa labas si Andy at patirahin sa hotel namin, may naisip akong plano. Agad akong pumunta kay Mr. Denzel.
"Mr. Denzel?" Sabi ko habang kumakatok.
"Come in." At pumasok naman ako. "Oh Felina, ano ang kailangan mo?"
"Can I request something?"
"Basta kaya ko." Huminga muna ako nang malalim bago magsalita.
"Pwede ba kaming pumunta ni Andy sa labas? Gusto ko siyang makabonding." Humawak si Mr. Denzel sa chin niya. Tila malalim ang iniisip.
"Uhm, but may isang kondisyon."
"Ano 'yun?" Ano namang kondisyon 'yun? Sana lang ay hindi ako mapapahamak sa kondisyon na sinasabi niya.
"Kailangang may isama kang Master for your safety."
"Si Master Tanya." I immediately said.
"No. She's busy." Sayang naman.
"Mr. Jones?" Masungit 'yun pero bahala na nga.
"Hindi din pwede. Nasa mission siya." Ano ba 'yan!
"Uhm, Ms. Dianna?" Sana naman pwede na si Ms. Dianna. Wala na akong ibang maisip.
"Hindi rin pwede. Officer siya, hindi master." Oo nga pala. Nakalimutan ko. So paano na 'yan?
"Hindi ba talaga kami pwedeng lumabas nang walang kasamang Master?" Pagmamaktol ko. Kaya ko naman eh. Para san pa ang pagiging spy ko.
"Hindi pwede. Bakit hindi na lang si Master Earl? Tutal nasa special force naman kayo parehas." That man? No freakin' way.
"No thanks na lang." I said at akmang lalabas na.
"Alam kong gusto mong pasayahin ang bata. So bakit mo pinapairal ang pride mo? At isa pa, bakit parang ang init ng dugo mo kay Master Earl?"
"Eh ba't ang dami mong tanong?" Bigla kong natanong. Sumeryoso tuloy ang mukha niya. Oh no.
"Don't talk to me like that, Agent Felina. Sa ayaw at gusto mo, si Master Earl ang makakasama mo. Sabihin mo sakaniya ang plano mo at nang makaalis na kayo ngayon." Hindi ko nakontrol ang katawan ko na lumalabas at tinutungo ang office ni Master Earl. Curse his ability! Argh! I really hate his magic. Napaka-unfair.
Binuksan ko ang pinto at dinatnan ko si Master Earl na nagbabasa ng mga files niya sa kaniyang table.
"Bakit ka naparito, Agent Felina?"
"Kailangan mong sumama samin ng bata mamaya." Napatakip ako sa bibig ko. I didn't mean to say those words. Nakakaasar talaga! Hindi ko mapigilan ang sarili ko na gawin ang inutos ng matandang 'yun.
"Where?"
"Sa outside world." Muli kong tinakpan ang bibig ko. Damn mouth. Mukhang nagtataka na siya sa kinikilos ko.
"Why?"
"Para mapasyal ang bata." Kahit ano talagang takip ang gawin ko, hindi ko talaga mapigilan ang magic ni Mr. Denzel.
"Okay. I'll see you later at the parking lot." Pagkasabi niya 'nun ay bigla na lang bumalik ang control ko sa aking katawan.
Babawiin ko na sana ang mga sinabi ko kanina pero narealize ko na para naman ito sa bata. Kaya hindi ko dapat pinapagana ang pride ko. Pero... pero... makikita ng menopause na 'yan ang pinakatatago kong side. Bwisit.
BINABASA MO ANG
CODE: 005 (On Going)
FantasyFelina who has a good memory was kidnapped and brought to a secret organization. What will happen to her? Read and see it for yourself. NOT JUST YOUR ORDINARY SPY Highest ranking: #46 in sciencefiction, #105 in magic and #373 in fantasy ALL RIGHTS R...