Chapter 21: Bullets everywhere

84 5 0
                                    

"The problem is walang galang ang tauhan niyong iyan." Sagot ko na tila'y naiinis. Makakakuha pa ata ako ng Best Actress Award, ah?

"Eh ma'am kakapkapan ko lang naman po-"

"Sa private part ko?" Putol ko sa sinasabi nung lalaki.

"Okay, fine. Ako na ang magkakapkap sayo kung ayaw mong kapkapan ka niya. Kung ayaw mo pa din, siguro may tinatago ka?" Mrs. Bueno said. Tumingin ako kay Master at tumango lamang siya. I let a heavy sigh and said, "okay."

Nagsimula siya sa may balikat, tyan hanggang sa umabot sa may puson ko. Akmang hahawakan niya na ito nang pigilan ko ang kamay niya at ipinilipit ito.

"Ouch!" Paghuhumiyaw niya.

Lumipat ako sa kabilang gilid niya at isinakal ko ang braso niya sa kaniyang leeg. Nang dahil sa ginawa kong iyon ay nagpaputok ang mga tauhan nito. Binunot ko kaagad ang isa kong baril at tuloy-tuloy na nagpaputok. Thanks to the Technology Department for the unlimited bullets.

Dahil sa takot na madamay, nagsitakbuhan yung ibang guests pero may iba namang nakipagputukan na rin.

Nilingon ko si Master na busy makipaglaban. Walang palya niyang natatamaan ang mga kalaban gamit ang umaapoy niyang bow and arrow.

"Get your hands off me, bitch!" Ang ingay naman ng matanda na 'to. Nakakarindi.

"Shut up." Mabuti na lang, mas malakas ako sakaniya kaya't hindi siya makawala.

"Sa likod mo, Felina!" Sigaw ni Jack sa kabilang linya. Itinapat ko ang aking baril sa likod at pinaputok ito. Tumingin ako sa likod at nadatnan na natamaan ko ang lalaki sa kaniyang tiyan. I smirked. As usual, perfect pa din ang mga ginagawa ko.

Ngunit nagulat ako nang lapitan ako ni Harley bitbit ang whip niya. Dapat nasa van lang siya.

"Masyadong maraming kalaban kaya tumulong na din ako. At isa pa, sakin din nakasalalay ang buhay niyo kaya di ko kayo pwedeng pabayaan. Ako na bahala kay Mrs. Bueno."  Matapos niya iyong sabihin ay pasakal niya itong dinala sa van. Ibinigay ko na rin sakaniya ang folder dahil baka makuha pa ito mula sa akin. Ako naman ay binunot na rin ang isa ko pang baril at pinapaputukan lahat ng magtatangkang lumapit kay Harley.

Nang masiguradong nakalayo na sina Harley ay agad kong pinuntahan ang pwesto ni Jack. Napakarami niyang kalaban at hindi sasapat ang dagger niya na ngayon ay isang katana na.

Nagpagulong-gulong ako habang nagpapa-ulan ng mga bala. Asintadong asintado ko ang mga ito. Nagpalinga-linga ako at kumokonti na ang mga kalaban. Ngunit nadistract ako sa pulang ilaw na nakikita ko. Oh shit! May sniper sila.

Tumakbo ako nang mabilis upang hindi niya ako maabutan. Walang tigil ang bala na pinapaputok sakin. Walangya 'to, papatayin pa ako. Pasalamat siya, madilim. Hindi ko siya makita.

Ilang saglit pa ay nawala ang pulang ilaw na nangagaling sa itaas.

"Thank me, Felina." Pagmamayabang ni Aegeus. Psh. Buti nga siya nasa building lang eh. Pero malaki nga naman ang maitutulong ng pagiging long range attacker niya.

"Thank your ass." I said then I heard him chuckle. Crazy jerk.

Bumalik ang focus ko nang makita si Jack na pumasok ng mansion. Mukhang huhulihin niya si Mr. Bueno. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at sumunod sakaniya. Kailangan niya ng tulong.

I searched for him at nakita ko naman siya. Wala silang gamit na armas maliban sa kanilang mga kamao. I'm just watching at them because I know, Jack can win this fight. Pero bigla siyang tumalsik. Nakita ko na may binubunot si Mr. Bueno sa kaniyang likuran—isang kutsilyo. Dahil hirap makatayo, maaaring masaksak niya si Jack.

"Jack!" Sigaw ko nang tumatakbo na palapit sakaniya si Mr. Bueno. Walang pag-aalinlangan akong tumakbo sa kanilang puwesto at mabilis na pinaputukan sa kamay si Mr. Bueno, dahilan upang mahulog ang hawak niyang kutsilyo. Hinampas ko rin siya sa kaniyang batok para mawalan siya ng malay.

"Guys, I need your help!" Tawag ko sakanila habang hawak-hawak ang aking earpiece.

Tinulungan kong makatayo si Jack at inalalayan siya sa paglalakad. Ilang segundo pa at dumating na si Master at si Aegeus. Si Aegeus ang nag-alalay kay Jack samantalang si Master naman ang kumuha kay Mr. Bueno.

"Are you okay?" Aegeus asked.

"Yeah, I'm fine." I replied.

Papaalis na sana kami nang makarinig ako ng iyak. Hindi ko na sinabi sakanila ang naririnig ko at sinundan na lamang ang tunog. Papalakas nang papalakas ang pag-iyak nang tumapat ako sa isang pinto. I opened it slowly and I was shocked when I saw a little boy crying. Siya siguro ang isa pang anak ng mag-asawang Bueno. Pero nasaan ang kuya niya?

Lumapit ako sakaniya nang dahan dahan. Pero lumalayo siya. Kitang kita ko ang takot na namumutawi sa kaniyang mukha.

Nang wala na siyang aatrasan, agad akong lumuhod para magkasing-level na kami. Takot na takot talaga siya. Ni hindi niya nga ako matingnan, eh.

"Don't worry, I won't hurt you." Paninigurado ko. He is still crying. Minsan, ibinubuka niya ang bibig niya na parang magsasalita pero walang lumalabas na tunog mula dito. Pipi ba siya? Poor little boy.

"Its okay. I am not a bad girl. I can be your friend. Promise, I won't hurt you." Maya maya pa ay unti-unti na siyang tumatahan. "That's good. Now, can you look at me, baby?" At humarap nga siya sa akin.

"Isasama ka ni ate ah?" Umiling-iling siya. "I can't leave you here. Mamaya biglang magkaroon ng monsters tapos kainin ka." Tas bigla na lang sumama ang tingin niya sakin. Tila sinasabi niya na kami ang mga monsters.

"We are not the monsters, baby. We are just doing our job which is to capture criminals. Your mom and dad are okay. Kailangan lang nilang pagbayaran ang mga kasalanan nila. Please, let's go. I'll protect you." I smiled and offered my hand. Gladly, he accepted it.

Masyado pa siyang bata para maintindihan ang lahat ng mga ito. I pity him. Haist.

Nang makarating kami sa van ay agad akong pinuntahan ni Harley. Tumingin muna siya sa akin at tumingin siya sa bata. Mukhang natakot ang bata kaya nagtago siya sa likod ko.

"Sino 'yan?" Tanong ni Harley.

"Anak nina Mr. and Mrs. Bueno. I saw him crying so I brought him here." Tumango tango lamang siya at pumasok na kami sa van. Kahit mabigat, kinandong ko na lang ang bata dahil masikip na kami. Buti at hindi lumingon ang bata sa likod. Dahil kung oo, malamang iiyak ulit siya. Wala kasing malay ang mom and dad niya sa likod. Pinatulog ata.

Buong biyahe ay nakatingin lang sa kawalan ang bata hanggang sa makatulog siya.

"Anong plano mo sa batang iyan?" Biglang sambit ni Master.

"Doon muna siya sa SEA. We will bring him to a specialist. Mukhang natrauma siya." Wala na akong narinig na sagot kay Master kaya tiningnan ko na lamang ang bata na mahimbing na natutulog. Nakatagilid siya at nakasandal ang kaniyang ulo sa aking balikat. Inaalalayan ko na lamang dahil baka mangawit siya. Hinaplos ko nang marahan ang buhok niya.

Sa murang edad ay nakasaksi na siya ng mga ganitong pangyayari. Nalulungkot din ako para sakaniya. Ang mga magulang niya ay makukulong samantalang hindi ko alam kung san matatagpuan ang kuya niya. Hay, I'm sorry kid if you have to experience this kind of shit.

A/N: Pasensya na guys if matagal akong nakapag-update. And I want to say na last update ko na ito, for now. Masyadong maraming gawain sa school kaya di na ako makapag-isip ng new chapters. So yun nga, sorry and I hope suportahan niyo pa rin ang story na ito. 😊😘

CODE: 005 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon