Sa wakas ay nakarating na din kami sa Mahabang Buhangin, Calaguas Island. Actually gabi na. Matagal ang biyahe.
Magmula nang makarating kami sa Bicol ay naging gising na gising na sina Harley at Aegeus. Para bang naramdaman talaga nila na nasa Bicol na kami.
"OMG! I'm really excited na!" Pagtili ni Harley.
"Sshh! 'Wag ka ngang maingay. Baka matuyo yung dagat nang dahil sa'yo." Saway naman sakaniya ni Aegeus.
Napa-iling na lang ako at kinuha ang mga gamit ko. Pero kinuha din ito sakin ni Jack.
"Ako na."
Wala naman akong magagawa kaya hinayaan ko na lang din. Samantalang sina Aegeus at Harley naman ay nag-aaway sa likod. Pinipilit kasi ni Harley si Aegeus na buhatin ang bagahe niya.
Kahit kailan talaga.
Makaraan ang ilang minuto ng paglalakad, sa wakas ay nakarating na din kami sa mismong beach.
Sobrang ganda ng lugar. Mapusyaw ang buhangin na unti-unting sumasakop sa aking talampakan. Ang dagat ay napakagandang tingnan.
"The association rented a hotel for us. 5 rooms so exact lang 'yun para sa ating lahat. No need to share. And the hotel staffs doesn't know about SEA so for our sake, please don't mention anything regarding our work."
"Okay, master." Sabay naming sagot. Siyempre, except kay Jack na tumango lang.
"Good morning ladies and gentlemen, welcome to For Life Hotel. Kayo po yung nagpareserve ng 5 rooms?" Bungad sa aming nung nasa desk.
"Yes, that's us." Master Earl answered.
"Then please leave all your baggages here. This is all your keys. If you need anything, you can use the telephones in your rooms. Enjoy your stay!" Then the staff gave the keys to us.
Itong hotel na ito ay hindi katulad ng pinagstastay-an namin. Well, except sa fact na hindi ito building ng SEA, iba rin ang disenyo nito. Pangbeach talaga. Refreshing and light ambiance.
Nasa 3rd floor ang room namin. And there's an elevator naman so walang problema sa pag-akyat at pagbaba.
Habang tahimik kami sa elevator, nagsalita bigla si Master Earl.
"You can rest dahil gabi na. Mag-order na lang kayo ng pagkain niyo. Tomorrow, You can do all you want. Just don't leave this place. And be back whenever its already time to eat. Enjoy yourselves."
Parang ang boring naman 'nun. Magkakaniya-kaniya? Psh. Hilig talaga nitong mag-isa.
"Oo nga eh." Bulong sakin ni Aegeus kaya nagulat ako. Pinatahimik ko na lang siya dahil binabasa niya na naman ang isip ko.
Agad kaming naghiwa-hiwalay para pumunta sa kaniya-kaniya naming rooms. Pagpasok palang, balcony na agad ang makikita mo. Sa balcony, makikita mo naman ang view ng dagat. Pwede kang mag-abang ng sunset dito. Kaso gabi na eh. Wala ka nang makikitang sunset. Sayang.
May kwarto din na may malaking kama, may mini living room, at may banyo sa loob ng kwarto. Di naman kalakihan itong room pero sakto na para maging maluwag sa isang tao.
Lumabas ako para puntahan ang rooms nina Aegeus at Harley. Una kong pinuntahan ang kay Aegeus. Nagdoorbell ako at agad niya namang binuksan.
"Sabi na nga ba, ikaw 'yan Felina eh."
"Paano mo namang di malalaman? Hello? Nakakabasa ka kaya ng isip."
"Hehe. Sabi ko nga. Tuloy ka."
"Tutuloy talaga ako kahit di mo sabihin."
Same lang kami ng room ni Aegeus. I think, same ata lahat kami since nasa iisang category ang mga rooms namin which is 'Angel'. Di ko rin alam kung bakit yun yung tawag pero whatever the reason is, I don't care. Lol.
"Anong plano mo bukas?" He asked.
"Ewa—" Sasagot palang sana ako nang may nagdoorbell.
"Bakit ka papasok? Bawal ka dito!"
Mukhang alam ko na kung sino yun.
"Pag di mo ako pinapasok, sisirain ko 'tong pinto mo!"
"As if namang kaya mo! And kung kaya mo man, ikaw ang magbayad sa sinira mo!"
"Aegeus, papasukin mo na. Kundi, ako yung sisira sa ulo mo." At ayun, pinagbuksan niya nga si Harley kahut labag sa loob niya.
"Papapasukin mo din naman pala ako, pinatagal mo pa. I really hate you."
"I really hate you too. Bleh!"
Hays, bakit ba ako nagkaroon ng mga kaibigan na ganito? Ang abnormal. Parang mga bata.
"Felina, anong balak natin bukas?" Tanong ni Harley sabay tabi niya sa akin.
"Hoy! Anong balak niyo? Ako ang unang nagtanong! Sakin siya sasama!" Palag naman ni Harley.
"Pag hindi kayo tumigil sa pagbabangayan, gagawa ako ng paraan para magkiss kayo." Pagbabanta ko.
"EEW!" Sabay nilang sigaw.
"Papalag ba kayo? You know me, once I said it, I will do it." Tumahimik sila after ng line ko. Ha! Akala niyo ah. Tototohanin ko talaga yan pag hindi pa sila tumigil sa pagiging isip bata.
"Wala akong plano bukas. Pero kung gusto niyong umalis, sasama ko. Di ako mamimili between the two of you. Its either, the three of us will be with each other or I will be alone." Naglakad ako papunta sa pintuan at akma nang aalis.
"And oh! One more thing. Just admit your feelings for each other. Gusto niyo ang isa't isa."
"W-wag ka ngang imbento dyan, Felina! Di ko gusto 'to no."
"I-I don't like you, either! Eew!"
"What's my advanced ability?" I asked them.
"Intelligence." They answered.
"What about that?"
"You can analyze, memorize, and all the other functions that include thinking and intelligence." Sagot naman ni Aegeus.
"Exactly. Analyze, observe, interpret or conclude with an exact and right conclusion. Good night."
Sabi ko at iniwan na sila doon nang tahimik. Akala ba nila, maloloko nila ako sa palihim lihim na yan? Alam kong alam na ni Aegeus na gusto siya ni Harley. I know he can read her mind. So I really don't understand why hide his feelings to the girl he likes? Mutual naman sila ng pakiramdam. Hay, bahala na nga sila dyan.
A/N: New update ulit!!!!
BINABASA MO ANG
CODE: 005 (On Going)
FantasyFelina who has a good memory was kidnapped and brought to a secret organization. What will happen to her? Read and see it for yourself. NOT JUST YOUR ORDINARY SPY Highest ranking: #46 in sciencefiction, #105 in magic and #373 in fantasy ALL RIGHTS R...