"We are gathered to start the undercover mission. For almost 2 months, we have gathered the information we can get and created our plan of saving our fellow spies. Unfortunately, masyado tayong natagalan. Pero hindi na iyon ang importante ngayon. Agents, get ready."
Pagkatapos ng speech ni Master Earl, ang team namin, kasama ng apat pang special forces, ay agad na kumilos upang isagawa ang aming misyon.
Lahat kami ay sumakay sa kaniya-kaniya naming sasakyan at nagtungo sa hide-out ng kalaban. Gaya ng napagplanuhan, kami munang team ang papasok at sesenyasan na lang namin ang iba kapag oras na.
Ayon sa aming impormasyon, ang mga spies na kinikidnap ay pinag-aaralan dahil sa kanilang advanced ability. Si Dr. Moller ang head scientist sa study na ito. Matagal na siyang interesado sa mga spies ng SEA at ngayon lamang niya naisagawa ang kaniyang plano. Kada may special force na lumalabas para sa isang misyon, agad silang humahanap ng pagkakataon para makuha ang mga ito.
Ilang oras pa ang lumipas at nakarating na kami sa isang liblib na lugar. Walang gaanong mga bahay rito. Sa gitna ng mga puno, ay matatagpuan ang warehouse nina Dr. Moller.
Kagaya ng napagplanuhan, kami nina Aegeus, Jack, Kim, at Master Earl ay agad na palihim na lumapit sa warehouse. Mukha namang simpleng warehouse lang ito na walang tao. Pero sa tagal namin sa SEA, paniguradong nakatago lang sa loob ang mismong laboratory.
"Kim, move." Utos ni Master Earl habang kami ay nakatago sa isang malaking puno. Agad naman na kumilos si Kim at nagpalit-anyo bilang isang kabayo.
Parang kahapon lang nang makalaban ko siya at ng kaniyang team sa battle to be the leaders. Samantalang ngayon, malaki ang gampanin niya dahil magpapalit siya ng anyo bilang isang hayop para guluhin ang mga guard.
Gaya ng inaasahan, nagulat sila dahil sa kabayong bigla lamang sumulpot.
"Hoy, ilayo mo nga 'yan dito. Kabilin-bilinan ni boss na walang palalapiting tao miski hayop dito." Utos ng isang guard sa kaniyang kasama.
Sumunod naman ang isang guard at ginabayan ang kabayo palayo sa warehouse. Nang makalayo ay agad na ginaya ni Jack ang anyo ng umalis na guard. Naghintay lamang siya ng ilang minuto bago pumasok.
Third person POV
"Sigurado kang nailayo mo na 'yung kabayo?"
"Oo, 'di na 'yun maliligaw rito."
"Jack, 'yung pintuan sa may bandang likuran mo, naroroon 'yung CCTV room. Isa lang ang tao sa loob. Pagkapasok mo roon ay isaksak mo 'yung device na binigay ko sa'yo." Sambit ni Harley sa kabilang linya.
So ito lang pala ang problema ko. Sabi ni Jack sa kaniyang isip habang nakatingin sa guard na kasama niya.
"Hoy, bakit ka ganyan makatingin sa'kin?" Puna nito.
"Sleep well." Pagkasabi ni Jack ng katagang iyon ay agad niyang sinuntok ang guard na siya namang ikinaknockout nito.
Mabilis na pumunta si Jack sa CCTV room at sakto namang nakasalubong niya ang kalalabas pa lamang na bantay nito.
"Anong nangyayari?! Bakit kayo nag-aaway?!" Taranta nitong tanong.
"Secret." Maikling sagot ni Jack sabay suntok sa lalaki. "Sleep well."
Pagkapasok ni Jack sa CCTV room ay mga iba't ibang anggulo ng laboratory at mga scientists ang bumungad sa kaniya. Ngunit hindi niya ito pinansin at agad na isinaksak ang device na ibinigay sa kaniya ni Harley.
Sa oras na ito, hindi sila pwedeng mag-aksaya ng oras dahil dalawang buwan na ang lumipas. Kailangan na nilang mailigtas ang ibang agents.
"Hacked. Alisin mo na 'yung device." Sambit ni Harley. Binunot ni Jack ang device at chineck ang paligid.
BINABASA MO ANG
CODE: 005 (On Going)
FantasyFelina who has a good memory was kidnapped and brought to a secret organization. What will happen to her? Read and see it for yourself. NOT JUST YOUR ORDINARY SPY Highest ranking: #46 in sciencefiction, #105 in magic and #373 in fantasy ALL RIGHTS R...