Chapter 24: Bye for now, SEA

103 7 1
                                    

I dedicate this chapter to Mitsuki_Takashi for the support and motivation that she/he gave me. Thank you so much. 😊😘

"C-Can you repeat that, Andy?" Mangha kong tanong sakaniya. Gusto ko pang marinig ang boses niya. He cleared his throat first bago magsalita ulit.

"T-thank you..p-po sa inyong da..dalawa." Hirap pa rin siyang magsalita pero kahit papaano'y nakabigkas siya ng mga kataga.

Dahil sa sobra kong saya ay nayakap ko ang bata. I am so thankful that he's already recovering from his trauma.

Nang makarating kami sa SEA ay agad kong hinanap sina Harley at Aegeus para masabi sakanila ang good news. Wala akong pake kung naiwan namin si Master Earl. May atraso pa siya sakin.

Sakto namang nadatnan ko sila na kumakain sa kitcheneria. Himala, hindi sila nagbabangayan ngayon.

"Where did you go, Felina? And bakit ganyan ang suot mo?" Pambungad na tanong sakin ni Aegeus nang makalapit ako sa table nila.

"I requested the VP na maipasyal ko si Andy sa labas bago tayo umalis." I explained. Hindi ko din binanggit ang pangalan ni Master dahil baka asarin lang nila ako.

"Andy? Who's Andy?" Tanong ni Harley. Oo nga pala, hindi ko pa pala nasasabi sakanila ang pangalan nitong bata.

"His name is Andy. And guess what? Nagsalita siya kanina." Masaya kong sabi sakanila. Sumigla din ang mga mukha nila at dinumog ang bata.

"Really? OMG! Andy can you say my name? My name is Harley. H-A-R-L-E-Y. Ate Harley."

"A-Ate Ha..H-harley.." Nagpapalakpak naman si Harley sa tuwa.

"Ako naman, ang pangalan ko ay Aegeus. You can call me Kuya Aegeus."

"K-kuya.. A-egu..gues.." Aegeus smiled and pat Andy's head.

And then I remembered na nasabi ko na sakaniya ang pangalan ko pero hindi pa niya ito nasasambit.

"Anong pangalan ko, Andy?" I asked him.

"A..Ate F-felina.." He said. I smiled. Medyo nahihirapan pa siyang magsalita pero okay na rin yun kesa tuluyan na siyang maging pipi.

Maya maya ay dumating bigla si Master Earl. I rolled my eyes at him dahil naiinis pa rin ako sakaniya. Maybe he doesn't know or he knows that I am afraid of snakes but the fact that he didn't stop the employee from putting that snake in my lap earlier and let me escape make my blood boil whenever I see him. If he is really concern about his members like what he told me in the clinic when Aegeus and I trained, he will do something when he saw me terrified, but he didn't.

"Agents, aalis na tayo mamaya. Same location. And for you," Lumuhod siya para maging magkasing-level sila ni Andy. "You will stay with Master Tanya. Aalagaan ka niya at sisiguraduhing hindi ka maiistress para magtuloy-tuloy na ang recovery mo. By the way, I'm Master Earl but you can call me Kuya Earl if you want to." He said and left us.

Since di pa kami kumakain ni Andy, nagvolunteer na si Aegeus na kumuha ng pagkain para samin. Tapos na rin naman daw sila pero hihintayin nila kami.

"What if hindi mo siya kinuha?" Sabi ni Harley, referring to Andy.
"I don't know. Maybe kinuha siya ng kuya niya but I don't think that will happen. Masyadong delikado kung babalikan pa siya ng kuya niya. Maaring mahuli siya." Hindi ko alam kung may alam ang kuya niya sa business ng kanilang mga magulang pero katulad ng mga may inaalagang generations, maaaring siya ang magmana ng lahat ng mga ito. Kaya di imposibleng may alam siya. "Anyway, let's not talk about this. Baka makasama sa bata." I said at sakto namang dating ni Aegeus dala ang mga pagkain namin.

Pagkatapos namin kumain ay umakyat kami sa kaniya kaniya naming kwarto para mag-impake.

Nagtira ako ng kaunting gamit dito. Hindi kasi kasya lahat sa backpack ko. Napansin kong kanina pa ako pinapanood ni Andy habang nag-iimpake. Nakaupo lamang siya sa kama. He seems sad.

Tumabi ako sakaniya at hinawakan ang kaniyang kamay.

"We don't want to leave you here pero kailangan naming umalis. But don't worry, pagbalik na pagbalik namin, maybe a month from now, bibisitahin natin ang mom and dad mo. Okay ba yun?" He nodded then I smiled.

Hinatid ko si Andy kay Master Tanya. At kung minamalas ka nga naman, nandun din ang lalaking menopause.

"Excuse me, Master Tanya." I said.

"Oh? Pasok ka, Agent Felina." Napatingin sakin si Master Earl habang pumapasok ako. Hindi ko na lang siya pinansin at tuloy-tuloy na lumapit kay Master Tanya. Hawak hawak ko naman si Andy sa right side ko.

"Siya na ba si Andy?" Tanong ni Master Tanya. Natakot ata si Andy dahil humigpit ang pagkakahawak niya sakin. Nginitian ko na lamang siya na tila sinasabi ko na hindi niya kailangang matakot.

"Yes, Master Tanya. Sana po'y alagaan niyo siya ng mabuti. I'm hoping na pagdating po namin dito ay fully recovered niya siya sa kaniyang trauma." Master Tanya smiled and offered a hand to Andy. Sa una ay ayaw niya pa itong tanggapin pero tinanguan ko siya kaya tinanggap niya rin ito.

"Of course. I will make sure of that. And please, keep safe."

"We will. Mauuna na kami." Biglang singit ni Master Earl. Pero bago kami umalis ay lumuhod ako sa harap ni Andy para maging magkasing tangkad kami.

"Papakabait ka dito ah? Hindi sila bad guys kaya wag kang matatakot. Alagaan mo ang sarili mo para gumaling ka na. Mamimiss kita." I said and hugged him. Kumaway muna ako sakaniya bago kami tuluyang umalis.

Magkasabay kaming naglalakad ni Master Earl. Patungo kami sa parking lot dahil iyon ang meeting place namin.

"Sorry for what happened earlier. Hindi ko alam na ganun ka katakot sa mga ahas. But you can't just scream or escape. You need to conquer your fears. Pa'no na lang kapag may biglang sumulpot na ahas habang may mission tayo? Edi nagtatatakbo ka at pumalpak tayo." Pagbasag niya sa katahimikang bumabalot sa amin kanina. He has a point. Kailangan kong malagpasan ang takot ko sa mga ahas.

"First time mong magsalita ng ganyan, Master Earl. Anyway, apology accepted." Wala namang mabuting maidudulot ang pagmamatigas ko kung ipagpapatuloy ko pa yun.

"Pero hindi ito ang first time na nagsorry ako sayo. Remember that?" He smirked at nauna sakin sa parking lot. Naalala ko na naman ang first meeting namin. Shit. Feeling ko sobrang pula na ng mukha ko. Bakit kailangan niya pang ipaalala yun? Psh.

Nauna na pala sina Harley, Jack at Aegeus na naghihintay na samin. Harley gave me a meaningful look nang makalapit ako sakanila.

"Ano yun, ah? Pansin ko parang napapalapit na kayo ni Master Earl. Ayieeee!" Sabi niya at sinundot-sundot pa ang tagiliran ko.

"Stop that. Nagkataon lang na nandun din siya sa office ni Master Tanya nang ihatid ko si Andy." Paliwanag ko.

"Eh bat namula ka kanina? Anong sinabi niya sayo?"

"Para kang timang. Tumigil ka na nga." Kahit tumahimik ay nakangiting aso pa din sa Harley. Crazy girl.

"Hindi ka na naiinis sakaniya?" Tanong naman ni Aegeus. And how did he—?! Oh, his mind reading ability.

"Shut up and stop reading my mind. Privacy, dude. Privacy."

"Okay agents, let's go." Sabi ni Master Earl na naging hudyat para pumasok sa kaniya-kaniya naming kotse. Nagagamit lang naman namin ito kapag bumabalik at aalis kami ng SEA. Sa mga mission ay van na ang gamit namin. I started the engine and play some music.

Bye for now, SEA.

A/N: Ito na, after 123562038473929237373727272 light years, nakapag-update na din ako omg whooo! 😍😍 Read, vote and comment! And, mukhang matatagalan pa ulit bago ako makapag-update ulit but I hope basahin niyo pa din 'to.

CODE: 005 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon