"Maganda ka. Sexy ka. Kaya tanggap ka na. Pwede ka nang pumasok sa kwartong nasa likod."
Pinuri niya ba talaga ako? Si Jack na once in a blue moon lang mag-express ng emotions ay pinuri ako? I know I'm sexy and pretty but its kinda different hearing those compliments from this cold man. Alam kong ginagawa niya lang ang trabaho niya pero si Jack pa din ang kaharap ko na nag-iba lang ng anyo. Aish! Bakit ko ba ginagawang big deal 'yun?
Katulad ng sinabi niya, pumasok ako sa kwartong nasa likod. Kulay black ito na may glass na window. Para kaming nasa recording studio. Naabutan ko din ang mga babaeng naunang tinanggap. Yung iba naman ay matagal nang nagtatrabaho dito. Nakalinya kami na tila mga pagpipilian.
Ang tactic kasi ng kumpanyang ito, kukuha sila ng mga client na tila mga bahagi ng entertainment industry na tutulungan kuno ang mga mag-aaudition sa kanila. Ito ang alam ng mga first timers, pero kapag nakasign na sila ng contract, o pinagbantaan ng client nila, hindi na nila magawang umatras. Sa mga matagal na rito, alam na nila ang kalakaran.
Maya-maya, dalawang lalaki ang pumasok. Si Aegeus ang isa samantalang nasa mid-30s naman ang isa. Base on our research, yung nasa mid-30s ay si Mr. Arthur Grey, ang tumatayong CEO ng V.E.I. Most of the time, siya mismo ang nag-aasikaso sa mga customer dahil perfectionist siya. Ayaw niya ng may pumapalpak.
Pasimple kong in-on ang aking earpiece para marinig ang usapan nila Aegeus at ni Mr. Grey. Soundproof kasi ang kwartong ito.
"So Mr. Delavine, sinong pipiliin mo diyan?" Rinig kong tanong ni Mr. Grey kay Aegeus. Ang get-up kasi ni Aegeus ay anak ng isang millionare at kailangan niyang magpalit ng apelyido as a part of his disguise.
"Siya." Itinuro niya yung babaeng nasa pinakadulo na ngumunguya ng chewing gum. Maikli lamang ang buhok nito ngunit maputi at maganda. Her name is Kimmy Chung. She was a friend of Min Lee who was murdered. Siya talaga ang target namin ngayon dahil matagal na siya dito. Kailangan namin siya para makakuha ng mas maraming impormasyon. Kung paano? Bahala na si Aegeus doon.
Lumabas si Kimmy ng kwarto at ganoon din si Aegeus. Paniguradong aalis na sila. Sunod-sunod ang mga customers at paubos na din kami dito sa loob. Hanggang sa may matandang lalaki na pumasok. My eyes grew wide when I recognized him. Siya yung manyak na nakasalubong ko. Inilibot niya ang paningin niya samin. Nang nakita niya ako ay napangisi siya. Nag-usap sila ni Mr. Grey. Dahil nga soundproof at wala na si Aegeus, hindi ko sila marinig. But one thing is for sure. That old man chose me. Oh no. This is bad.
Sinensyasan ako ni Mr. Grey na lumabas na. Wala na akong nagawa dahil baka mas lalo pa akong mapahamak kung hindi ko sila susundin. Nagkita kami ng matanda sa labas ng office.
"Tara na, iha." Hinawakan niya ang bewang ko at inilapit sakaniya. Kinikilabutan ako. Argh, I hate this pervert old man. Isinakay niya ako sa limousine niya pero di niya pa din ako binibitawan. "Saan mo ba gustong pumunta?" Gusto ko nang umalis, yun yung gusto ko.
"I want to eat." Casual kong sagot.
"Berto, to the restaurant please." Utos niya sa kaniyang driver.
In reality, magtataka ako kung bakit ganito ang trato sa akin ng matandang ito na tutulungan lang naman akong maging artista. Pero dahil spy ako, at mukhang wala naman siyang alam na bago lang ako, hindi ko na kailangan pang magpanggap na nagtataka sa mga kilos niya.
After a few minutes, nakarating na din kami sa isang elite restaurant. Pinaghila niya pa ako ng upuan atsaka kami umorder.
"So, what's your name?"
"Alexis."
"Oooh. What a lovely name." Napairap na lang ako sa loob-loob ko. Bakit kasi siya pa ang nakapili sakin? Choosy na kung choosy pero sana naman yung mas bata, diba? Nakakadiri kasi eh.
"Here's your order ma'am and sir. Enjoy your food." Inilapag ng waiter ang pagkain namin at umalis na. Then I started eating without looking at the man in front of me.
"Hindi mo ba tatanungin ang pangalan ko?" Napahinto ako sa pagkain.
"What's your name?" Wala kong ganang tanong. Do I look like I care about him?
"Hindi maganda 'yan, iha. Rumespeto ka sa nakakatanda sa iyo." Big word. Sila nga, hindi nila nirerespeto ang karapatan ng mga inosenteng kababaihan na ang nais lang naman ay maabot ang pangarap nilang mag-artista. "Anyway, I am Mr. Hanz Forte."
Natapos kaming kumain nang hindi ko sinasagot ang mga tanong niya. I should be nice but my 'maldita' mode was automatically turned on.
"Should I bring you home?" Tanong niya sakin pagkalabas namin sa restaurant. Muntik na akong masuka dahil puno ng pagnanasa ang boses niya.
"No. I need to go. Bukas na lang tayo magkita."
"Okay. I'll wait for you tomorrow. Wag mo akong bibiguin, okay? Kaya kitang patayin anytime and anywhere I want." Ni hindi man lang ako nakaramdam ng takot sa pagbabanta niya. Baka siya pa ang una kong mapatay. "By the way, binayaran na kita. Kung anong sasabihin ko, gagawin mo. Kiss me, iha." Tuluyan na akong naubo. Gosh, kinikilabutan na talaga ako.
"May problema ba?" Nakakunot niyang tanong.
"Ah, wala. S-sige. Pikit ka muna." Pumikit naman agad siya. Kailangan kong makahanap ng paraan para hindi ko siya mahalikan. There's no way na magiging first kiss ko siya. Luminga-linga ako sa paligid at saktong may nakita akong tuta kasama ng amo niya. Tumakbo agad ako sa diresyon nila at kinausap ang babae.
"Miss, pwede ko po bang mahiram ang aso mo? Saglit lang po talaga, please?"
"Sige." Kinarga ko kaagad ang tuta at hinabol ang aking hininga pagkabalik ko kay Mr. Forte.
"Alexis, ang tagal mo naman." Sabi niya nang nakanguso.
"Oo, ito na." Inilapit ko ang tuta sa mukha niya kaya dinilaan siya nito. Hindi ko alam kung matatawa ako o mandidiri dahil hinahalikan niya din yung aso. Gosh, this is priceless!
Pagkatapos noon ay ibinaba ko na ang aso at pinapunta sa amo niya. I mouthed 'thank you' sa babae. Hay, buti na lang.
"Ang sarap mong humalik, ah. Let's do it some other time." Pilit kong pinipigil ang aking tawa. Mahirap na, baka mabulyaso pa.
"Sure. Sige, see you tomorrow." He went inside of his limousine. Nagwave pa siya sakin at umalis na. Sakto namang dumating si Master Earl sakay ng kotse niya.
"Sakay." Ngayon lang ako nakapasok ng kotse niya. Masasabi kong alagang-alaga ito dahil sa sobrang linis. Swerte ni Harley dahil siya ang mas naunang nakasakay dito sa grupo namin. Speaking of Harley, nasaan siya? Hindi na ako nag-abalang tanungin pa si Master Earl dahil susungitan niya lang ako kaya in-on ko na lang ang earpiece ko para sana contac-in si Harley kaso naunahan niya na ako.
"Oh my gosh, Felina! Are you okay?" Tanong ni Harley sa kabilang linya. Oo nga pala, kanina pa nakabukas ang hidden camera ko kaya namomonitor niya ang kung anong nangyayari sakin.
"Yes but staying with that old man makes me sick. Palit na lang kaya tayo?" Napatingin sa gawi ko si Master Earl ngunit ibinalik din ang tingin sa daan. Siguro'y narealize niyang may kausap ako sa kabilang linya.
"Mas lalong di ko naman kakayanin, 'yan. Bahala ka na doon. Anyway, alam mo bang kanina nung magkasama kami ni Master Earl at nakita namin kung paano ka bastusin ng Mr. Forte na 'yun, sumugod agad siya dyan para kunin ka?" Ako naman ang napatingin kay Master Earl.
"Huh? Bakit naman?"
"Aba malay ko! Baka nag-aalala siya sayo. Sige, ingat na lang kayo ah? Bye." Tuluyan nang nawala ang tunog sa kabilang linya.
Bakit niya naman gagawin 'yun? Alam niya naman siguro na kung sumugod siya kanina ay papalpak kami, diba? Siguro nga nag-alala lang siya bilang team leader namin. Pero kung sakaling dumating agad siya ay ang laki na ng utang na loob ko sakaniya. Nailigtas niya sana ako sa maniyak na matandang iyon. Pero hindi, eh. Oh well, I can handle myself.
A/N: Vote and comment guys!
BINABASA MO ANG
CODE: 005 (On Going)
FantasyFelina who has a good memory was kidnapped and brought to a secret organization. What will happen to her? Read and see it for yourself. NOT JUST YOUR ORDINARY SPY Highest ranking: #46 in sciencefiction, #105 in magic and #373 in fantasy ALL RIGHTS R...