Chapter 19: Second mission

106 9 0
                                    

"Agents, ito ang profile ng drug lords na kailangan nating i-spy." Sabi ni Harley at nagbigay siya samin ng tig-isang black folder.

Kahapon lamang kami nakabalik dito at ito kami, nag-uusap tungkol sa misyon namin.

"Mr. Ian Bueno and Mrs. Kris Bueno. Both 50 years old. 25 years na silang kasal at 20 years na ang drug business nila. May dalawa silang anak na lalaki. Isang 20 years old at isang 8 years old. Isa sila sa pinakamalaki at successful na drug lords. Marami silang kakampi at marami rin silang nakakaaway. Ayon sa impormasyong nakuha ko, mayroon na silang 50 hidden drug factories sa buong mundo. Ilang beses na silang inirereklamo pero hindi sila nahuhuli. At yun ang dapat nating gawin ngayon." Mahaba niyang explanation sa mga papel na nasa folder.

Tama nga si Ms. Tanya. Ibang klase na ang makakalaban namin ngayon. Ibang klase na rin ang kaya naming gawin. Nag-improve kami nang sobra. Sa araw-araw naming training, hindi pa ba kami lalakas?

"10 buildings away from here sila nakatira. Pinuntahan ko ang mansion nila at napakarami nilang bantay. At ayon sa scanner ko, mataas ang security system nila. Kaya panigurado, mahihirapan makapasok ang sinuman." Dagdag pa niya.

"Sus! Kaya natin 'yan no!" Saad ni Aegeus.

"Siguro nga, pero kailangan pa din nating mag-ingat." Sagot ko.

"May gaganaping party mamaya sa mansion nila. Birthday ng panganay nilang anak. Kaya madadalian lang tayo sa pagpasok."

After ng meeting namin, nagsitulog ang mga kasama ko. Samantalang ako, lumabas muna saglit para maglakad-lakad.

Napadpad ako sa isang park at naupo sa bench na katapat ng playground. Pinagmamasdan ko ang mga batang masayang naghahabulan, nagpapadulas at nagduduyan.

30 minuto din akong naka-upo doon habang nanonood sa mga bata. Pagtayo ko ay nagsalubong ang mata namin ng isang lalaking nakaupo sa bench na nasa tabi ko. Parang kanina niya pa ako tinitingnan. Matangkad, maputi, mapanga at gwapo siya. Pero iba ang pakiramdam ko.

Matagal kaming nagtitigan kaya ako na lang ang pumutol. Nagtungo ako sa mamang nagtitinda ng cotton candy. Miss ko ng kumain nito!

"Manong, magkano po iyan?"

"Anim na piso lang, ineng."

"Isa nga po, manong." Dudukot sana ako ng pera sa aking bulsa nang marealize kong wala akong nadala maski barya. Hay, malas naman oh!

"Ah, he he. Pasensya na po manong. Wala pala akong nadalang-"

"Ako na po ang magbabayad ng cotton candy niya." Sabi ng lalaki na nakatitigan ko kanina. Nag-abot siya ng pera kay manong at nakapamulsang tinalikuran ako. Hindi man lang ako nakapagpasalamat dahil nashock ako. Bahala na nga siya! Next time na lang 'pag nagkita ulit kami.

Habang naglalakad pabalik, hindi ko maiwasang isipin yung lalaki kanina. Ano kayang pangalan niya? Atsaka bakit ganoon na lang ang kilos niya? Parang matagal niya na akong kilala.

"Girl, where did you go ba? Master Earl is looking for you! Lagot ka." Bungad sakin ni Harley.

"Hayaan mo siya." Simple kong sagot at tuloy tuloy sa kama ko.

"Wag mong sabihing matutulog ka pa?!"

"Eh bakit ba?!"

"Stand now or else.." Nag-iba yung boses ng kasama ko. Naging boses lalaki. Hala! Pero imbis na tumayo ay nagmatigas ako sa pagkakadapa.

"Or else what?" Sabi ko nang nakapikit. Inantok kasi ako bigla eh.

"I'll make love to you." Napabangon ako kaagad dahil sa sinabi ni Master Earl. Oo, si Master Earl.

"Oo na, ito na!" Padabog ko siyang nilagpasan sabay bulong. "Pervert."

Ito na ang time para sumugod sa kalaban. Buti na lang, naayos na agad ni Harley ang mga gamit ko at gamit niya.

"Okay agents, may mga kanyang designations tayo. Agent Felina, backyard. Agent Harley, van. Agent Aegeus, 2 buildings away from their mansion. Sa rooftop ka pumuwesto. Agent Jack, parehas tayo sa front part ng mansion nila. Alam niyo na ang mga gagawin niyo." Sabi ni pervert.

"Oy, paanong naging pervert si Master?" Napatingin si Master Earl sa gawi namin ni Aegeus dahil sa sinabi ng kumag na 'to. Siniko ko tuloy siya.

Wag kang tsismoso. Baka gusto mo nang mamatay.

Pagka-usap ko sakaniya sa isip ko. Walangya, pahamak. Sinamaan ako ng tingin ni Master pero inirapan ko lang siya. Di ako takot sakaniya 'no!

20 minutes passed when we reached our destination. Akala ko, mansion agad ang makikita namin. Hindi pa pala. Isang napakalaking gate na may mga armadong lalaki ang bumungad sa amin. Tago ang lugar na ito at halos walang nakatira. Siyempre, medyo malayo namin pinarada ang van para di kami mahalata.

Unang lumabas si Jack at nagtransform bilang isa sa mga nagbabantay.

"Master, kailangan po kayong magsama ni Agent Felina sa pagpasok. Ito ang invitations niyo." Sabi ni Harley. Mr. and Mrs. Potter? Sino sila? "Isa sa mga kaalyado nila ang Potter family. Hindi sila close sa isa't isa but they need to be invited and attend this party because of their businesses. Hindi niyo naman kailangang magpanggap hanggang sa loob. Kailangan niyo lang makapasok. After all, its a masquarade party." Mahabang paliwanag niya.

"Okay. Let's go." Inayos ko muna ang purple dress at maskara ko bago sumunod sakaniya. Ni hindi man lang ako inantay. Bwisit talaga. Hmp! Bakit kasi naging gatherer pa namin itong si Harley. Edi sana hindi ako ang laging kasama ng lalaking menopause na nasa unahan ko.

Abala ako sa pangbabash sakaniya nang bigla niya akong higitin. Inilagay niya ang braso ko sa braso niya. Ang labas, escort ko siya.

"Wag kang sumimangot dyan. Act as a professional." Professional mo mukha mo. Psh.

Pilit akong ngumiti nang makarating kami sa gate.

"Invitation po?"

"Here." Ani Master Earl sabay abot ng invitations namin.

"Oh! Good evening po Mr. and Mrs. Potter. Kanina pa po kayo hinihintay nina Ma'am at Sir." Tumango lang kami at dire-diretsong naglakad. Aakalain mong hacienda ang lugar na ito dahil sa laki. Mahaba-haba pa ang lalakarin namin at napakarami pang bantay.

"Wala namang mga CCTV dito. Puro bantay lang. You know what to do." Utos ni Master. Kakalimutan ko munang naiinis ako sakaniya at magtatrabaho muna ako. I nodded as an answer.

"Jack, where are you?" Tawag ko kay Jack gamit ang earpiece ko.

"Look at your right side." Sagot niya. May isang panget pero malaki ang katawan na lalaki doon. Tumango siya sakin.

"Ikaw ba yung nakikita ko?"

"Yes." Nagsilbing senyales yun sakin para bumitiw kay Master Earl. "Go inside first." At iniwan niya na ako.

I checked if someone is watching us. Good thing, its negative. Unti-unti akong lumapit kay Jack at nagtransform bilang yung lalaki na ginagaya niya. Samantalang siya ay gumaya ng isang waiter. Wala siyang pasabi na umalis.

Kung natatandaan niyo, kaya kong iadapt ang advanced ability ng isang tao dahil sa ability ko. Hindi ko magagawang makapasok sa backyard kung mananatili akong si Mrs. Potter.

"Iyang papalapit sayo ay nakadestino sa backyard. Makipagpalit ka." Tama nga si Harley, may papalapit sakin. "At tandaan mo, ikaw si Roldan at siya si Kris." Nang makalapit na yung Kris sa akin ay agad ko siyang kina-usap.

"Kris, pwede bang palit tayo? Najijingle na kasi ako, pre." Pagpapalusot ko.

"Dyan ka na jumingle."

"Ayoko pre. Baka makita ako ng mga guests. Mapagalitan pa ako nina Ma'am." Ayon kay Harley, walang nagpaparty sa backyard nila at nakacover ang pinto palabas ng backyard dahil nga sa loob lamang ang party.

"Hay, sige na nga. Osiya, pumunta ka na doon."

"Sige salamat, pre." Tumakbo kaagad ako para kunyari ihing-ihi na talaga ako. I smirked.

Let the spying begins.

A/N: UPDATEEEE! Masaya ako kasi dumami yung reads so sana dumami pa lalo. READ.VOTE.COMMENT.

CODE: 005 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon