Chapter 26: The Bidding

92 7 4
                                    

"Kailangan mo ba talaga akong ayusan nang sobra?"

"Wag ka ngang malikot diyan. You need to look elegant and gorgeous. Hindi lang simpleng party ang pupuntahan niyo."

Wala na akong nagawa kundi hayaan si Harley na make-up-an ako. Inutos kasi yun ni Master Earl.

"Onti na lang at... Done! You're all set!" Sabi ni Harley at iniharap ako sa salamin. I look prettier. In fairness naman kay Harley, magaling nga siya. "Oh siya, tapos na ako sayo. Iwan na kita ah? Aayusin ko lang mga kakailanganin mamaya." I nodded at umalis na siya.

Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin. I am wearing an elegant 2 piece white dress. Kita pa ang tyan ko. Simple lang ang make-up sakin ni Harley. Samantalang nakabrush naman palikod ang buhok ko na ginamitan niya ng napakaraming hairspray.

Matapos pagsawaan sa harapan ng salamin ang itsura ko, ay isinuot ko na ang necklace ko na may spy camera at hikaw ko na earpiece din. Inayos ko din ang lagay ng twin guns ko sa may hita ko. I sighed and went outside of the room.

Pagkababa ko ay napatigil ang tatlong lalaki sa ginagawa nila. Si Harley naman ay tuwang tuwa sa kinalabasan ng pag-aayos niya. Psh. Bumalik lang ulit sa lahat nang nagsalita ako.

"Ehem. Tara na." At sumakay na kami sa van.

Nandito na kami sa lugar ng event. Nakapuwesto na din sina Harley, Aegeus at Jack sa kaniya-kaniya nilang designated place. Kami naman ni Master ay papasok na sa magarbong hotel na ito.

Sa rooftop magaganap ang bidding. May mini stage sa gitna at may mga tables and chairs sa gilid at harap nito. May mga palamuting ilaw at mga halamang nakapalibot. Marami na rin ang mga tao kaya magsisimula na siguro ito maya maya lang.

Umupo kami ni Master malapit sa stage. Meron na din palang pagkaing nakahanda sa bawat mesa. Mukhang pinaghandaan talaga ito.

"Magmasid ka lang." Mahinang sabi ni Master.

"Ladies and Gentlemen, Good evening! To formally welcome you all and to give his message, may I call Mr. Jong oh. Give him a round of applause!" Nakangiting tinanggap ni Mr. Oh ang mic mula sa host. Tinapik tapik niya muna ito bago nagsalita.

"A pleasant evening to gorgeous ladies and handsome men that are here tonight. I am so happy to see you all. As part of our company's 52nd anniversary and as an exchange for your support, I will give you a very valuable treasure tonight. Goodluck to all of you." Nagsipalakpakan ang lahat nang natapos ang speech niya.

"Let's start the bidding!" May inilabas na malaking bagay na natatakpan ng pulang tela. Inilapag nila ito sa matangkad na lamesang nasa stage na nakalaan para dito. Nang alisin ang takip nito ay nagbulung-bulungan ang mga tao. Lahat ay interasado.

"I will give 1 million pesos for that jar." Sabi ng isang lalaki habang nakataas ang numero niya.

"1 million!" Ulit ng host.

"20 million for that jar." Sigaw naman nung isang babae sa likod na may hawak hawak na number 10.

"20 million!"

"1 Billion for that treasure." Sabi ng isang matandang lalaki na ikinalula ko. Kulang na lang ay ibigay nila ang buhay nila para sa jar na iyan. 

Pinandilatan ko ng mata si Master Earl. Bakit nakatingin lamang siya at hindi nagbibid? Ang mission namin ay makuha ang jar na iyan at maibalik sa museum pero parang wala siyang pake sa mga nangyayari.

"Just trust him." Sambit ni Aegeus mula sa kabilang linya. Yeah, K fine.

"1 billion! Who else has a higher bid?" Ilang segundo ang lumipas pero wala pa ding nagtataas ng number nila. "Anyon—" Naputol ang sinasabi ng host nang may sumigaw ulit.

"50 billion." Simpleng sabi ni Master Earl. Woah. That's a lot of money.

"Sabi sayo eh, trust him."

"Shut up, Aegeus. Mind your own business." Ingay kasi eh. Di na lang magfocus.

"50 Billion! What a huge bid! Should I give it to him? Anyone who has a higher bid?" Nagbulung-bulungan ang mga tao. I saw Master Earl smirked.

"Okay, so—" Naputol muli ang sinasabi ng host nang may tumayong lalaki sa gilid na may hawak ng number 21. He looks familiar.

"100 billion." Parang nakita ko na siya somewhere.

"100 billion! Higher bid, anyone?" Ilang segundo ang lumipas nang wala nang nagtangkang magsalita ulit. "Okay, I guess Mr. Number 21 got this Mystic Jar! Congratulations!" Announce ng winner na ikinalumo ko. 100 billion is such a very very very huge amount of money and we can't give a higher bid. Meaning, this mission can be a failure.

Nakangiting nagtungo si Mr. Number 21 sa stage. Nakipagkamay siya kay Mr. Oh at hinawakan nila parehas ang Mystic Jar habang nagpapakuha ng litrato.

Pamilyar talaga ang mukha ng lalaking ito. Saan ko ba siya nakita?

Pagtayo ko ay nagsalubong ang mata namin ng isang lalaking nakaupo sa bench na nasa tabi ko. Parang kanina niya pa ako tinitingnan. Matangkad, maputi, mapanga at gwapo siya.

"Ako na po ang magbabayad ng cotton candy niya." Sabi ng lalaki na nakatitigan ko kanina.

Tama! Siya iyon! Yung nakatitigan ko sa park at nagbayad ng cotton candy na binili ko. Pero bakit siya nandito?

"I don't know how but I can't get any information about the one who got the treasure. Not even a name." Sabi ni Harley sa kabilang linya.

"Let's go. We need to follow that guy." Master Earl said at hinatak na ako palabas ng event.

Pinuntahan namin ang isang kotse na sa tingin ko ay kotse ni Master Earl. Sa loob ay naroon si Jack na naghihintay samin. Siya kasi ang nakatoka na dalhin ang kotse ni Master Earl at magmasid mula sa labas.

"Lumabas na ba siya?" Tanong ni Master Earl habang pumapasok kami sa kotse. Lumabas sa kotse si Jack at pumwesto si Master sa driver's seat. Samantalang ako ay umupo sa tabi niya.

"Oo. Ayun siya." Sagot naman ni Earl while pointing at the unnamed guy's direction. May kasama itong 2 body guards.

"We need to get the mystic jar no matter what happens, or else, our mission will fail. Jack, drive the van. Harley and Aegeus, join Jack. Follow us as we follow that man. Understand?" Master Earl said.

"Roger." Sabay sabay naming sagot. 

Tumakbo na si Jack at inistart na ni Master Earl ang kotse. Papaalis na si unnamed guy kaya sinundan na namin ito.

It looks like we will have a fight with this unnamed man I met in the park.

A/N: Hey guys, give me an inspiration to continue this story!!! Xoxo









CODE: 005 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon