Chapter 20: Let the spying begins

101 7 0
                                    

Nang makarating ako sa backyard ng mansion ay agad akong nagpalinga linga kung may tao. Good thing na wala kaya agad kong binalik ang aking anyo. Nakamaskara naman ako kaya walang makakakilala sa identity ko.

I immediately throw my grappling hook at the balcony of their mansion's third floor. Then hinila ako ng aking grappling hook paakyat sa balcony. Agad ko itong kinuha at pinaikot sa legs ko. Five inches below the knee at medyo palobo naman ang dress na ito kaya't di halata kung may isukbit man ako sa legs ko. May nakaikot ding gun holder sa aking legs para sa twin guns ko.

I tried to open the door but its locked so I used our universal key. It opened and I silently went inside.

Malaki at malinis ang kwartong ito. I can also see some boyish stuffs so obviously, this is a male bedroom. Hindi ako pwedeng mag-aksaya ng oras kaya't naghanap agad ako sa buong kwarto habang dala-dala ang flashlight ko. Walang drug-related files akong nahanap at marahil kwarto ito ng isa sa mga anak nila.

"Did you find anything?" Tanong ni Harley sa kabilang linya.

"Negative. This is their son's room." I answered.

"Well then, lumabas ka na dyan."

"Roger."

Akmang pipihitin ko na sana ang doorknob nang makarinig ako ng mga yabag papalapit sa pinto. Shit naman! Kung minamalas ka nga naman.

Agad-agad kong pinatay ang aking flashlight at nagtago sa ilalim ng kama dahil ito ang unang-una kong nakita na pwede pagtaguan. There's a high probability na makita niya ako kaya kinakapa-kapa ko na ang twin guns ko in case na mangyari nga iyon.

"What's happening there, Agent Felina?" Master Earl asked.

"May papasok sa kwarto kung saan ako ngayon."

"Relax lang." Malumanay niyang sabi na may bahid ng pag-aalala. Sus, I can do it naman 'no! No need to worry.

Maya maya pa'y nagbukas na ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki. Mula katawan hanggang paa lamang ang nakikita ko. Nakaformal attire siya at ayon sa pangangatawan niya, siya siguro ang panganay na anak ng mag-asawang Bueno at ang may birthday.

Naghubad siya ng coat at unti- unting tinanggal ang polo niya. May anim na pandesal akong nakikita. Oh my! Nagtakip na ako ng mga mata nang naghubad na siya ng pantalon. Naramdaman ko ang mga yabag niyang pumunta sa may right side. Kahit kinakabahan, dahan-dahan kong tinanggal ang mga kamay ko mula sa mukha ko. Wala na siya nang muli kong linungin ang kinatatayuan niya kanina.

May part sakin na nanghihinayang sa sana'y nakita ko yung kanina. Teka, ano daw? Damn, Felina. Stop your pervert mind.

Sinamantala ko na ang pagkakataon upang maingat na lumabas sa kwarto pero bad timing dahil may papadaang mga bantay. Nag-uusap sila at medyo malayo pa kaya hindi nila ako makikita kaagad. Saktong may kwarto sa tapat ko kaya binuksan ko ito at pumasok sa loob. Pinakiramdaman ko ang paligid at mukha namang walang tao. Nang marinig ko ang mga boses nilang palayo na mula sa akin ay nakahinga ako nang maayos. Whoo! Action kung action talaga.

I turned on my flashlight and looked around. I saw a painting of a couple. I suddenly smiled because I already found the room I am looking for.

Maingat akong naghanap ng mga files pero walang mga nakatago dito. And then I noticed a door na hindi naman mukhang banyo. Bumungad sakin ang isang office room. I immediately look for the files I need. Saktong may nakita akong folder na naglalaman ng mga transactions ng drug business nila sa iba pang drug lords. Jackpot! Isinuksok ko ang folder sa may short ko. Medyo mahirap lang gumalaw pero di naman halata. Inayos ko sa dating pagkakaayos ang mga ginulo ko. I have a good memory kaya tandang tanda ko pa kung anong ayos ng mga ito. Maingat akong lumabas ng kwarto at nagmasid sa paligid. Kitang kita ko ang party sa ibaba at sure akong makikita rin nila agad ako kung foforward pa ako ng sampung steps.

Nakakita ako ng elevator at payukong nagtungo doon. Hindi nila ako pwedeng makita. Mabubulalyaso ang mission namin. Agad akong sumakay at naghintay makababa sa second floor. Mahirap kung sa first floor ako bababa. Magtataka ang mga tao.

Nang tumunog ang elevator ay lumayo ako kaagad at kunyari'y may hinahanap. Nilapitan ako ng isang bantay na parang nagtataka sa inaasal ko.

"Ma'am, san po kayo pupunta?"

"Asan ba yung CR niyo dito? Sorry, naliligaw kasi ako. Masyadong maraming tao sa baba." Pagdadahilan ko.

"Ah. May isa pa po kaming CR diyan sa may dulo. Diretso lang po kayo tas kanan."

"Okay, thank you." I smiled at tumungo sa CR. Buti na lang, may mga nagsi-CR din na mga guests. Crowded na nga ata talaga yung CR sa baba. Inayos ko lang ang buhok ko at nakisabay na lang sa pagbaba ng ibang babae na tapos nang magretouch.

Nakita ko kaagad ang lalaking may menopause. Pinulupot ko ang braso ko kay Master. Nagulat pa siya pero hinayaan niya na lamang ako. Like duh?! Mag-asawa kaya ang disguise namin dito. Psh. Ayaw ko rin naman na ipulupot ang braso ko sakaniya 'no! Over my dead sexy body.

"Kamusta?"

"Found it." Mahina kong sabi dahil baka may makarinig.

Naghintay pa kami na matapos ang party. Ilang saglit lang ay pinalabas na lahat ng mga guests. Ngunit ang pinagtataka ko ay nakapila ang mga ito. Bigla akong kinabahan. Sigurado akong tama ang pagkaka-arrange ko ng mga gamit sa desk nila. Kaya imposibleng malaman nila na may pumasok sa kanilang kwarto.

Hinawakan ni Master ang pader ng bahay at inilibot ang kaniyang paningin. Siguro'y tinitingnan niya kung anong nangyayari sa loob. Remember? X-ray vision ang advanced ability niya.

"They are talking with each other and they also look worried. Kukunin siguro sana nila ang folder pero wala na ito." Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Pero mas lalo itong lumakas nang hawakan ni Master Earl ang kamay ko. "Kalma, Felina. Wag kang magpapadala sa emosyon mo. Just go with the flow, okay?" I nodded as an answer. Medyo nabawasan naman yung kaba ko. Magkahawak-kamay pa rin kami nang tuluyang makatapat ang nagbabantay sa gate. Marami na rin ang naka-uwi at kaunti na lamang ang natitira.

"Ma'am at sir, kakapkapan lang po namin kayo." I tried to relax habang kinakapkapan niya ako pero napa-atras ako nang malapit na siya sa pinagtaguan ko.

"Its a private part, mister. Don't you dare touch it." Giit ko. Tapos na palang kapkapan si Master at nag-aabang na lamang sa mga susunod na mangyayari.

"Pero ma'am, mahigpit pong inutos samin na kailangan na lahat ay makakapkapan." paliwanag ng lalaki.

"No, you can't! You should respect your guests! Not like this!"

"Pero ma'a—"

"I said, NO!" Pagmamatigas ko.

"What's happening here?" Tanong ng isang papalapit na matandang babae—si Mrs. Bueno.

Lumakas na naman ang pagtibok ng aking puso. Naramdaman ko na lang na muling hinawakan ni Master Earl ang kamay ko. Ngunit sa pagkakataong ito ay mas hinigpitan niya pa.

Patay na talaga kami nito. Mali, makakapatay talaga kami nito. 

A/N: Update! Read. Vote. Comment.

CODE: 005 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon