A/N: Dinededicate ko ang chapter na ito kay allblackarmor sa wala niyang sawang pagsuporta sa akin. Thank you!
"All trainees, proceed to the computer laboratory." Tawag ng isang boses ng babae mula sa command activator.
Mabuti na lang, nakaligo na ako kaya sinundo ko na lang si Harley. Nasa gilid lamang ng room ko ang room niya. Sa kabilang side naman ang kay Aegeus.
"Harley?" Kinatok ko ang kanyang pinto pero wala akong nakuhang sagot.
"Harley?" Muli kong tawag sakaniya pero wala pa ring bumubukas. Isa na lang ang paraang naiisip ko— ang sipain ang pinto niya.
Sinipa ko iyon pero di ito nabuksan o nasira man lang. I am aware of that. Matibay ang pagkakagawa ng lugar na ito. Dahil sa pagsipa ko, narinig kong tumunog ang alarm sa loob ng kwarto niya. Kapag kasi may nagtangkang pumasok nang sapilitan sa kwarto mo, tutunog ang built-in alarm katabi ng kama mo. Kaya I'm sure magigising na talaga 'yang si Harley.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at akmang susuntukin na ako ni Harley pero napigilan ko siya.
"O-oh? Ikaw pala, Felina." Binawi niya ang kamay niya at nagtanggal ng muta. "Anong meron? Bakit ka nandito? At bakit mo sinipa yung pinto?"
"Huwag ka nang magtanong. Pinapapunta tayo sa computer laboratory. Tara na!" Hinatak ko siya pero humawak siya sa may pintuan.
"Eh! Hindi pa ako naliligo!"
"Kasalanan mo 'yan! Di ka nagising nang maaga. Tulog mantika."
"Ayoko pa sabi eh!"
"Don't be a hard-headed brat!"
"Hey, what are you doing?" Tumigil kami sa paghihilahan nang biglang sumulpot si Aegeus sa likuran ko.
"Paano ba naman kasi, late na bumangon itong babaeng 'to. Tapos maliligo pa daw. Malelate tayo niyan, eh!" Napakunot ang noo niya habang tinitingnan si Harley. Nakanight dress pa kasi ito at gulo-gulo ang buhok.
"Hayaan mo siya. Let's go." Tumingin ako kay Harley na binelatan ako. Tila isang batang nanalo sa laro. Pagkatapos ay iniwan na namin siya.
"Susunod ako!" Sigaw niya.
After few minutes, nakarating kami sa computer lab. As usual, madaming computers ang nakahilera dito. But unlike the ordinary computer laboratories, ang mga monitor dito ay nasa ere. I mean, parang hologram. Then tinatouch lang siya, though may keyboard pa din.
This place has a really high technology. Masasabi mo na mga experts talaga ang nagtatrabaho sa Technology Department ng lugar na ito. Bigla akong nagkaroon ng interest na makita ang mga gadgets at weapons na ginagawa nila. I think they are well-made.
"Shit. Nagsisimula na ba?!" Agaw atensyon na sigaw ng isang babae. Tumawa ito nang pilit dahil sa kahihiyan. "A-ay. H-ehehe. Sorry."
"Ganda ng eksenang 'yun ah?" Pang-aasar ko sakaniya.
"Shut up."
"Iyan kasi eh, late nagigising." Harley rolled her eyes at me. Maya maya pa, biglang tumahimik ang buong lab. A man which I think is in the mid 20s with a clean cut, eyeglasses that really suits him, white polo shirt and black pants came just 5 seconds after Harley. Sa unang tingin, mukha siyang nerd. Pero kung titingnang mabuti, matalinong gwapo talaga ang tamang description sakaniya. Wala bang panget na tao dito? 'Di katulad ng iba, hindi ko idodown ang sarili ko. I am pretty. I am sure of that.
"Good morning, everyone." Gwapo pero di man lang marunong ngumiti.
"Call me Mr. Jones Gabriel. I am your Master for this training."Inassign niya kami sa bawat computer. Napahiwalay si Aegeus samin ngunit mabuti na lang, katabi ko si Harley.
"Ano naman kayang pag-aaralan natin ngayon?" Tanong ng katabi ko. I shrugged. Hindi ko rin naman kasi alam ang sagot.
"Nandito kayo ngayon para sa isang intelligence training. Dito hahasain ang bilis at galing niyong mag-isip. Because as a spy, you need to think fast specially in emergency situations. Hindi lang 'yun. Kailangan niyo ring matutunang mag-unlock ng codes at magsolve ng puzzles." Pagkasabi niya 'nun, biglang nag-appear sa hologram screen ang 20 sets ng puzzles and codes.
Pinapakita muna ang buong puzzle and codes nang 10 seconds. Sa dami ng mga kailangang sagutan, imposibleng matandaan mo ito sa loob ng sampung segundo. Mayroon kang 5 seconds para sagutan ang bawat isa. Pahirapan sa pag-iisip. You need to answer as fast as you can.
"Your time starts now."
Sampung pictures ang ipinakita sa akin nang tuloy tuloy. Aakalain mong nanonood ka ng slideshow. Tell me, how the hell will I remember this?! Nagfocus lang ako sa ginagawa at hindi na pinansin kung gaano kaikli ang oras na ibinigay niya. After 43 seconds, I managed to solve the puzzles. Iba't ibang tanawin, tao, bagay at hayop ang laman ng mga litrato. Ang nagpapahirap lang sa pagbuo ng mga puzzles ay ang katotohanan na mayroon itong 16 pieces. But still, nagawa ko parin. Nastress masyado ang utak ko kaya nagmedidate muna ako saglit. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.
Bumuntong hininga ako bago muling magsimula. Same as the first sets, pinatandaan muna ang mga codes. Kadalasan, numbers and letters lang ang mga ito. 46 seconds passed pero nastuck pa din ako sa last code na ito. Nakalimutan ko kasi, shit.
H_ _ 7_
I tried to search deep in my memories. Sobrang dami kong tinandaan in just a snap kaya nahihirapan na rin akong alalahanin ang dapat kong alalahanin. Ganito na talaga ako, kapag nasosobrahan sa pagtatanda ng mga bagay bagay ang utak ko, para itong nalolowbat. One time nga, inatake pa ako. As in sobrang sakit ng ulo ko that time.
"Aha! Alam ko na!" Pabulong kong sigaw dahil baka maistorbo ko sila.
Tinype ko ang 3, 7 at 0. Code unlocked. Yes! Saktong 50 seconds.
"Very nice job, Ms. Nevida." How did he know my name? "Oh, I forgot to tell you. I can gather informations about something or someone by just looking at them. Maliban na lang kung masyado itong sinecured. Since madali ka lang naman basahin, nakakuha ako ng ibang informations about you. And based on what I saw, you are Ms. Felina Nevida. 18 years old. Went here weeks ago." Woah. His advanced ability is awesome.
"Anong advanced ability mo?"
"Hindi ko po alam." I answered. Totoo naman. Hanggang ngayon, di ko parin alam kung anong kaya kong gawin. Nakakacurious pero binabalewala ko na lang ito.
"Let's see. You finished the training for 1 minute and 33 seconds out of 1 minute and 40 seconds. Maliit lang ang pagitan pero mabilis na iyon. I can see that you really have a good memory. You learn quickly."
"So ano pong ibig niyong sabihin?"
"You have the advanced ability of Intelligence. One of the perfect ability for a spy."
A/N: Vote and comment!
BINABASA MO ANG
CODE: 005 (On Going)
FantasyFelina who has a good memory was kidnapped and brought to a secret organization. What will happen to her? Read and see it for yourself. NOT JUST YOUR ORDINARY SPY Highest ranking: #46 in sciencefiction, #105 in magic and #373 in fantasy ALL RIGHTS R...