Nakabilog kami dito sa combat area. Sabi ni Ms. Tanya, tuturuan niya kami ng martial arts.
"Being a spy is not always about pretending, observing or unlocking mysteries. Your job is dangerous so if you still value your life, you need to learn how to defend yourself from your enemies without weapons." Panimula ni Ms. Tanya. "Kaya tuturuan ko kayo ngayon ng basics."
"You." Tinuro niya si Aegeus. "Come here." Pumunta naman si Aegeus doon at pumwesto. Mukhang maglalaban sila.
"Suntukin mo ako." Walang pag-aalinlangang utos ni Ms. Tanya. Samantalang si Aegeus, nagdadalawang isip pa. "Go on or I'll punch your handsome face."
Nagulat ako nang bigla niyang suntukin si Ms. Tanya. Natakot pa ako na baka matamaan niya talaga but Ms. Tanya is so fast. Nahawakan niya agad yung kamay ni Aegeus at binaliktad ito. Kita sa mukha ni Aegeus na nasaktan siya kaya binitiwan agad ni Ms. Tanya ang kamay niya.
"Atakihin mo ako." Mabilis kumilos si Aegeus kaya di namalayan ni Ms. Tanya na nasa likod na pala ito. Sinakal niya si Ms. Tanya ngunit nagawang makatakas nito. Sumipa si Aegeus ngunit nahuli ni Ms. Tanya ang paa nito. Sa pagkakataong ito, si Ms. Tanya naman ang sumipa. Yumuko si Aegeus pero bumagsak siya dahil dinaganan siya ni Ms. Tanya.
"Nice job." Tumayo na si Ms. Tanya at nagoffer ng tulong kay Aegeus. "Now, pick your partners."
Since partner na ni Ms. Tanya si Aegeus, naghanap na lang ako ng iba.
"Tara, tayo na lang ang partner." Hinatak ako ng isang pamilyar na babae. Sino nga ba ito? Ah! Si Harley. Pumwesto kami sa may harapan.
"Bakit dito tayo?" Tanong ko out of nowhere.
"Para mas kita." She winked. What's going on with this lady?
After two hours, knock out kaming lahat. Ang sakit ng katawan ko sa kakabagsak at sa kakapilipit. Samantalang si Harley, parang di man lang pinagpawisan.
"You look horrible. Haha! Let's eat." Akmang hahatakin niya na ako pero hinatak din ako ni Aegeus sa kabilang side ko.
"No. Sa akin ka sasama." Sabi naman ni Aegeus.
"Hindi! Sa akin!"
"No! She will join ME."
"Sakin!"
"Akin!"
"Hey! Stop it, can you?! Pwede naman tayong kumain nang sabay sabay eh. Kaya tara na." Ako naman ang humatak sa kanilang dalawa. Kaso napahinto ako kasi di ko pala alam kung nasaan ang kainan.
"Uhm, san ba tayo kakain?" Tanong ko sakanila.
"Ayan kasi, nagmamagaling." Inirapan ko lang si Aegeus dahil umiiral na naman ang pagkahangin niya.
Nakarating kami sa isang high-tech na kainan. As in high-tech!
"This is kitcheneria."
"How did he know this?" Harley asked.
"He said, he studied this place." Nagtango tango lang siya.
Mayroong mga buttons with speaker sa bawat sulok na katulad sa kwarto ko. Pinuntahan namin ang isa doon sa pangunguna ni Harley.
"This is a command activator." Sabi niya.
"Paano mo nalaman?"
"I love technology and I can modify gadget or high-tech things because technopath is my advanced ability. Anyway, what do you want?"
"Chicken cordon bleu and one rice." Sabi ko.
"Yun na lang din ang sa akin."
"Same as mine."
Pare-parehas kami ng inorder at may lumabas na robotic hand sa gilid ng command activator, dala-dala ang order namin. Humanap muna kami ng mauupuan. Saktong merong bakante malapit sa pintuan.
Tahimik lang kaming kumakain nang naisipan kong magtanong. Ang awkward kasi ng atmosphere.
"Hmm, paano kayo napunta dito?"
"Pinasok ako nina papa at mama dito simula noong nakita nila ang kakaibang kakayahan ko." Aegeus answered and take a sip in his drink.
"By force." Bigla akong naging interesado. Baka kasi makaparehas ang way ng pagkakadala namin dito.
"How?"
"Blackmail. Sabi nila, kapag hindi ako sasama sakanila, sasabihin nila kay tita ang mga kabalastugang pinaggagawa ko sa school. You know, I love making weapons or gadgets. Kung trip ko, tinatry ko yun paganahin sa school." Ibang klase ang babaeng 'to. Pero asan ang mga magulang niya?
"Where are your parents?" Maski ako, nabigla din sa tanong ni Aegeus. I felt guilty when I saw Harley's sad face.
"Nasa heaven na sila." Ngumiti siya at tumingin sa bintana sa gilid namin. "They are also spies, same association as ours. They died because of a mission. Tita knew about it. Kaya ayaw niyang gamitin ko ang abilidad na namana ko sa mga magulang ko na both technopaths because she is afraid that she might lose me too. I have a brother and I really love him. Siya na ang tumayong ama ko hanggang sa lumaki ako. Tita loves us as much as she loves her own children, though she does not have one." Nakita kong may tumulong luha sa mukha niya kahit na nakatingin parin siya sa may bintana. Pinunasan niya ito at muling humarap samin nang nakangiti.
"Ano ba yan! Nakita niyo tuloy akong umiyak. Sorry, ang drama ko."
"It's okay. Crying is better than pretending that you're okay. Magkakaibigan naman tayo dito." Sabi ko.
"Huh? Kaibigan na natin yan?!" Binatukan ko naman si Aegeus dahil sa inasta niya.
"Shut the fvck up, Aegeus. Kung ayaw mo, edi wag. Pero wala ka pa ding magagawa." Nagbuntong hininga na lang siya at di na tumutol. Hindi ko alam kung bakit inis na inis siya dito kay Harley. Sabagay, the more you hate, the more you love.
Napabaling ako kay Aegeus na binalaukan. Baka nabasa niya yung iniisip ko. Tinap ko siya sa likod at pinainom ng tubig.
"Karma." Pang-aasar ni Harley kaya sinamaan siya ng tingin ni Aegeus. These two, I know darating ang araw na magkakasundo din sila.
A/N: Another update! Grabe pasok agad sa ranking itong story ko. Sana magkaroon pa ako ng loud readers. Vote and comment!
BINABASA MO ANG
CODE: 005 (On Going)
FantasyFelina who has a good memory was kidnapped and brought to a secret organization. What will happen to her? Read and see it for yourself. NOT JUST YOUR ORDINARY SPY Highest ranking: #46 in sciencefiction, #105 in magic and #373 in fantasy ALL RIGHTS R...