Kinabukasan
Nasa van na kaming lahat dahil pabalik na kami sa hotel. Tapos na ang camp/vacation namin. Babalik na ulit kami sa mga bigating missions.
"Guys tingnan niyo! Ang ganda ng mga pictures natin." Masayang wika ni Harley. "Lalo na 'to." Ipinakita niya sa amin ang picture naming lima noong nagsnorkel kami.
Napangiti ako. This vacation became a way para mas lalo naming makilala ang isa't isa. We even created unexpected happy memories.
"Ang pogi ko dito oh!" Biglang sabat ni Aegeus habang pinipindot ang camera. "Dito pa!"
"Ang kapal talaga ng mukha mo." Pagtataray ni Harley.
Ngayon, si Master Earl ang nagdadrive at nasa katabing upuan niya naman ako. Sila Aegeus, Harley at Jack naman ay nasa likod.
Sa buong tatlong oras, nagkukulitan at nagtatawanan lamang kami. Si Jack, cold pa din nang kaunti pero nagdadaldal na din siya. Siguro dahil sa pagod, nakatulog na yung tatlo sa likod. Ngayon, tanging katahimikan ang bumabalot sa aming dalawa ni Master Earl.
"Ang galing mo kumanta kagabi." Pagbasag niya sa katahimikan.
"Sus, mas magaling ka pa nga sa akin." Sagot ko naman habang nagpipigil ng tawa.
"Oo naman 'no! Ako yata ang magiging champion ng Idol Philippines."
"More like champion ng Sintunado Idol Philippines." Pang-aasar ko sakaniya. Ang weird kasi hindi naman kami nakakapag-usap nang ganito. Nakakapanibago lang.
"Ilang taon ka ng spy sa SEA?" I asked.
"10 years. Mula pa noong 10 years old ako, ipinasok na ako sa SEA. Siyempre spies din mga magulang ko kaya automatic na magiging spy din ako. Ayaw pa nga ni mama noon pero wala naman siyang nagawa dahil gusto ko din. You know, idol ko kasi si papa." Pagkukuwento niya.
"So malamang, marami ka ng alam tungkol sa SEA."
"I do but limited lang din ang mga nalalaman ko."
"Kilala mo ba ang may-ari ng SEA or kahit president man lang?" I am really curious about this ever since na ipinaalam sa amin ito ni Aegeus. For me, the owners are really cool and intelligent to create an organization like SEA. Like, how did they come up with an idea of it?
"Unfortunately, no. Kasi bukod sa mga code names nila, wala na akong ibang alam tungkol sa kanila. But I heard na napaka-influential nila." Tumango-tango ako sa sinabi niya.
I think its the most confidential information among all the informations hidden in our organization.
After the conversation we had, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
...Nagkakagulo ang mga tao. Anong nangyayari?
At sino itong babaeng umiiyak?
Naglakad ako para harapin ang tila nakaluhod na babae. At laking gulat ko na sarili ko ang aking nakita.
May kalong akong isang tao sa aking mga bisig. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha. Ngunit bakit kumikirot ang aking puso? Bakit sobrang sakit?
"No....no...please wake up..." Sabi ng babae na ako rin sa pagitan ng kaniyang mga hikbi.
Hindi ko maipaliwanag yung sakit na nararamdaman ko. Parang hindi ako makahinga. Nagulat na lang ako nang sumigaw ang babae.
"NO!"
"NO!" Sigaw ko.
Tila naghahabol ako ng hininga nang magising ako. Naramdaman ko din ang mga luhang umagos sa aking mukha.
BINABASA MO ANG
CODE: 005 (On Going)
FantasyFelina who has a good memory was kidnapped and brought to a secret organization. What will happen to her? Read and see it for yourself. NOT JUST YOUR ORDINARY SPY Highest ranking: #46 in sciencefiction, #105 in magic and #373 in fantasy ALL RIGHTS R...