Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking balat.
"Good morning, Felina!" Masiglang bati sa akin ni Harley.
"Magandang umaga din."
"Maghanda ka na. Kakain na tayo ng breakfast." Masiglang sabi niya.
Tumayo na ako at naligo. Pagkatapos ay lumabas na din kami para pumunta sa cafe. Nadatnan namin sila na may nakahain nang almusal sa lamesa.
"Felina! Harley!" Tawag sa amin ni Aegeus habang malaki ang ngiti. Nagsalubong ang tingin namin ni Master Earl. Oh god, ito na naman si heart.
Nang makaupo na kami ay nagsimula na rin kami kumain. Tahimik. Kaya naisipan ko na lang tanungin si Jack.
"Okay na ba 'yang sugat mo, Jack?"
"Oo." Maikli niyang sagot. Katahimikan ulit. Sabi ko nga, cold pala 'tong isang 'to. Wrong move.
Maya-maya pa ay nagring ang phone ko.
"Excuse me." Sabi ko at lumabas para sagutin ang tawag.
"Hello?"
"Hello. Agent Felina, this is Ms. Tanya. I called you because of the information I need."
"Ah. Oo nga po pala. Alin po ba kailangan niyo?"
"Plate numbers. Can you send it through email?"
"Sure po."
"Okay good. Thank you. And oh, anyway, I know na nadown ka because of your mission pero sana wag niyong isipin na binigay namin sa iba ang mission dahil hindi kayo magaling. Magaling kayo kaya nga special force kayo eh. So please, cheer up."
"Thank you, Ms. Tanya."
"You're always welcome. Bye." Then I hanged up.
Okay na naman ako. Naintindihan ko na. Siyempre di naman talaga maiiwasan yung malungkot ako. Bumalik ako sa loob.
"Si Ms. Tanya 'yun 'no?" Tanong ni Aegeus.
"Yeah."
"Anyways, team. Speaking of Ms. Tanya, I have an announcement. She called me yesterday. She said, we will go to a camp." Pagsingit ni Master Earl.
"Camp? What for?" Tanong ni Jack. Pakiramdam ko talaga, 'pag nagsasalita si Jack, nagkakaroon ng himala.
"Actually, lahat ng special forces ay nagcacamp. Hindi lang sabay sabay because it depends on the schedule and the situation. And since we have no mission to do yet, Ms. Tanya said that maybe this is the right time to go camping." Mahaba nitong explanation.
Siguro ay iniisip din niya ang disappointment na naramdaman namin kaya't naisipan niyang pagcamp-inin kami. Well, it sounds exciting.
"Saan naman tayo magcacamp?" Harley asked Master Earl.
"Mahabang Buhangin, Calaguas Island in Bicol."
"Wait, you mean this camping is actually uhm like an outing? Because based on what I know about that place, its a beach with white sand!"
"Yes, Harley. This activity is for us to enjoy, relax and free ourselves from stress. Though 1 day lang tayo doon."
"Waaaaah! I'm so excited!!!!" Patiling sambit ni Harley. Psh, ito talagang babae na ito.
"Hoy, wag ka ngang maingay! Tingnan mo oh, pinagtitinginan ka na ng mga tao." Saway ni Aegeus sakaniya pero inirapan lamang siya nito.
Tama naman si Aegeus, pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Nakakahiya.
"Pero bakit 1 day lang tayo?" Panghihinayang tanong ni Aegeus.
"Because we still have so many things to do. Isa pa, pinagcamping like tayo due to our failed mission and walang patid na tasks." Paliwanag ni Master.
"Kailan ang alis?" I asked.
"Ngayon."
After our breakfast, nagsibalikan na kami sa aming mga room para maghanda ng mga gamit. Habang naghahalungkat ako ng mga dadalhin ko, si Harley naman ay halatang excited sa pag-iimpake.
"Pagkakataon ko na ito para masuot ang bikini ko!"
"Huh? May bikini kang dala?"
"Oo naman 'no! Why not?"
"Harley, SEA is a spy association. What made you think to bring a bikini knowing kung anong gagawin natin?"
"Eh! Hayaan mo na 'no. Atleast, magagamit ko ito ngayon. Kahit naman puro gadgets ang ginagawa ko, di naman ako ganoon kanerdy 'no." Sabi niya habang binubusisi ang bikini niya na kulay blue. I rolled my eyes.
Naalala kong dinala siya dito thru blackmailing pero nagawa niya pa ding magdala ng bikini. Hays.
Pagkatapos naming mag-impake, sumakay na kami sa van at umalis na.
I wore a stripe sleeveless dress and a black sandals.(A/N: Felina's outfit above.)
Magkatabi kami ni Harley. Si Jack naman ang nagdadrive. Nasa tabi niya si Master Earl at nasa likod namin ni Harley si Aegeus kasama ng mga pagkain.
"Matagal-tagal pa ang biyahe. You can sleep if you want." Sabi ni Master Earl.
Nag-earphone na lang ako at nagpatugtog.
🎵 I close my eyes and I can see
The world that's waiting up for me
That I call my own
Through the dark, through the door
Through where no one's been before
But it feels like home 🎵Marami nang nangyari. Tama si Ms. Tanya na pagbakasyunin muna kami saglit. You know, para mawala ang stress. Namimiss ko na rin ang beach. Matagal na akong di nakakaligo sa dagat.
Bigla ko tuloy naalala si Andy. Kung kasama lang sana namin siya ngayon. Paniguradong mag-eenjoy yun sa paglalaro sa dagat at buhangin. Kamusta na kaya siya?
Pagbalik talaga namin sa SEA, siya agad ang pupuntahan ko.
Habang busy kong tinitingnan ang labas, bigla na lang may bumagsak sa balikat ko. Nang tingnan ko, si Harley pala. Ang excited kanina tapos matutulog lang pala sa biyahe. Ineexpect ko kasing di siya titigil kakadaldal.
Tiningnan ko ang mga kasama ko. Si Aegeus, tulog na din. Si Jack, busy pa din magdrive. Si Master Earl naman, nakatingin lang din sa labas.
Nang mapansin ako ni Jack na nakatingin sakanila, agad niya akong kinausap.
"Di ka din ba matutulog?" Tanong niya.
"Ah, oo. Matutulog na din ako."
Pagkasabi ko nun ay nakatulog nga ako.
A/N: Sorry if maikli lang ang chapter na 'to. Anw, good news! I have 2 new drafts ng chapters. Medyo malapit na din 'tong matapos. Continue reading! Vote and comment!
BINABASA MO ANG
CODE: 005 (On Going)
FantasyFelina who has a good memory was kidnapped and brought to a secret organization. What will happen to her? Read and see it for yourself. NOT JUST YOUR ORDINARY SPY Highest ranking: #46 in sciencefiction, #105 in magic and #373 in fantasy ALL RIGHTS R...