Chapter 3: First day

153 19 1
                                    

"Wake up."

Napaupo agad ako dahil sa narinig kong boses. Ewan ko, pero kinalabutan ako. That voice is so authoritative to the point na awtomatikong sumunod ang katawan ko. And that reminds me of someone... The vice president.

"All newbies, proceed to the first floor." Sabi ulit ni Mr. Denzel.

Maliligo sana ako kaso narealize kong wala akong nakitang banyo kahapon. Does it mean that we can't take a bath here? No, no, no way.

Nilibot ko ang aking paningin sa kuwarto. Nagbabakasakaling may makita akong banyo. Pero wala talaga eh. Hay nako, bahala na nga.

Nagbihis na lang ako at tinanggal ko ang mga muta sa mata ko. Okay na yan. Bahala sila kung bad breath ako. Bumaba ako gamit ang upuan na nag-akyat sakin dito then I pressed the 'down' button. I thought I will experience bouncing again but I'm wrong. Dahan dahan nang bumaba yung upuan at nakarating ako hanggang first floor. Ang daming tao at sa tingin ko, halos lahat sila ay kaedad ko. May iba naman na mas bata at mas matanda.

"Uhm, hi?" Napalingon ako sa lalaking katabi ko.

"Hi." Casual kong sagot.

"Newbie ka din?" I nodded. Pagkatapos noon ay hindi na siya nagsalita pa. I don't like talking to people. Mas sanay akong mag-isa.

Though nadidisturb ako sa presence niya, hinayaan ko pa rin siyang sumunod sakin. Ayokong mating rude sa first day ko dito.

"Newbies, proceed to the gymnasium." Dahil di ko naman alam kung saan ang gymnasium, sinundan ko na lang yung mga nauuna sakin. Maya maya, nakarating kami sa isang napakalaking gymnasium. Oo, sobrang laki. Di parin ako makapaniwala na kahit underground itong building na 'to (kung building nga ba talaga) ay sobrang lawak ng sakop niya.

Dito sa gymnasium ay may wall climbing, trampoline, combat area at shooting area. Dito siguro nagtetrain ng physical strength ang mga spy.
Bigla namang nakaroon ng pool sa gitna. Wow. So dito nila kami balak paliguin?

"Good morning, everyone." Bati samin ng isang babae. She's wearing a leather turtle-neck sleeveless top, leather leggings and a black combat shoes. Her hair was untied and curled. She is so pretty but nakakatakot ang aura niya. I can feel that she is so strong. "I am Ms. Tanya Bush, and I am your training master for a week."

"In terms of physical strength, siya ang pinakamalakas na spy dito. Invulnerability kasi ang magic niya." Nagulat naman ako dahil sa nagsalita. Nakasunod pa pala sakin tong mokong na 'to. Wait, how did he know?

"Because I study this place before ako pumasok dito."

"Are you reading my mind, mister?"

"Yes." Ho- "That's my advance ability." Cool.

"How about yours?"

"I don't know." Di na siya ulit nakapagtanong dahil nagsalita na si Ms. Tanya.

"For now, you should take a bath first. Go here." She pointed the pool so we went there. Saka ko lang napagtanto na 1 feet lang ang lalim nito at wala pang tubig. "You don't need to remove your shirts. After this, you will all sleep so you can have a lot of energy for tomorrow's training. Anyway, kaya kayo sabay sabay na maliligo is because this is our way to welcome all of you. Wala naman kayong nakitang banyo sa mga kuwarto niyo diba? After all, this is already a tradition for us. Pagkabalik niyo mamaya sa mga rooms ninyo, you will see the comfort room na tinago namin kanina. Di naman kayo pwedeng sabay sabay na maligo araw-araw." Then she chuckled.

Pumalakpak siya nang isang beses at biglang may tubig na bumuhos samin. Parang nagshoshower lang din kami. Whoo! Ang sarap maligo! Nakita ko naman ang katabi ko na nag-eenjoy rin sa pagligo. Hinagod niya ang brush up niyang buhok papunta sa likod ng kaniyang ulo. Ano kayang pangalan niya?

"Aegeus Reyes." Sabi ko nga, nakakabasa siya ng isip.

"Bakit kinausap mo ako kanina?" Tanong ko sakaniya. Tahimik nga ako but my curiousity won't let me sleep.

"Gusto ko eh. Masama?" Inirapan ko na lang siya. Minsan talaga gusto mong maging mabait pero damn those people na katulad ng isang 'to. Nakakaubos ng pasensya. "Ikaw, anong pangalan mo?" This time, tumingin na siya sakin.

"Felina Nevida." We shaked hands. Kapag nagshake hands ang dalawang tao, it means they are already building a friendship. So kahit ayaw ko, I guess he will be my friend, my very first friend here.

"Okay guys, times up!" Sigaw in Ms. Tanya. Binigyan niya kami ng towel. Pinunasan ko ang aking buhok at katawan. Pagkatapos ay isinukbit ko ito sa aking balikat.

Pumunta kami sa first floor kung nasaan ang mga upuan namin. Magkatabi ang sa amin ni Aegeus. Ano bang tawag sa mga ito?

"Elevachair."

"Stop reading my mind, Aegeus."

"Sorry, can't help it." He chuckled. I rolled my eyes. Damn this guy! He reminded me of Becca. Parehas silang pasakit sa buhay ko.

"Saan banda ang room mo?" Tanong niya.

"I don't know how to explain it. Ni hindi ko nga alam kung anong itsura ng third floor, eh." I answered.

Sasakay na sana ako kaso pinigilan niya ako.

"What?"

"Do you want to take the other way? I mean, the escalator." Tinuro niya ang mga escalator na nasa pinakadulo, right side namin.

A minute after, nakarating na kami sa third floor. Hindi talaga ako binibigo ng lugar na 'to. Naaamaze parin ako.

Gilid lang ng floor na 'to ang merong tiles, which is tabi ng mga rooms. Yung width niya ay enough para sa apat na tao. Pero dahil malawak nga dito, nagmumukhang manipis. So kapag nasa taas ka, outline lang ng square ang makikita mo. Sa gitna naman ay may malaking hologram na paulit ulit na piniplay ang tungkol sa mga spy. Tinulak ako ni Aegeus papunta sa walang tiles. Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil akala ko, mamamatay na ako. Buti na lang, may naaapakan pa ako.

"Transparent glasses ang mga yan." Sinamaan ko siya ng tingin.

"You can explain it in a proper way. Bakit mo pa ako kailangang itulak?!"

"So you can feel it yourself." Casual nitong sagot sakin.

"You're annoying."

"Thank you." Sa totoo lang, gusto ko na siyang suntukin. Nakakagigil eh.

Napansin ko na may mga names sa bawat door. Sakto namang katabi ko ang pinto na may pangalan ko.

"This is my room. I'll go ahead, annoying Aegeus." Bago pa siya magsalita ay sinarahan ko na siya ng pinto.

Naligo ako sa bagong reveal na banyo. Medyo malaki at may mga gamit panghygiene na like shampoo, soaps, toothpaste and toothbrush. May bathtub pa nga eh.

Tomorrow will be a very tiring day. I'm pretty sure about that.

A/N: Guys, basahin niyo naman po ito huhuhu T_T Anyway, Si Aegeus Reyes yung nasa picture!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: Guys, basahin niyo naman po ito huhuhu T_T Anyway, Si Aegeus Reyes yung nasa picture!


CODE: 005 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon