Chapter 31: Bonfire

58 3 2
                                    

Felina

Everything is all set. The bonfire, our marshmallows, the barbeque and the view.

There's something came in me after that talk with Master Earl. He is a nice guy naman pala. Kung ganun siya palagi, maybe maging matuwa na talaga ako sakaniya.

"Uy, san kayo galing ni Master? Nagsolo kayo ah. Yieeee." Asar sa akin ni Harley habang tinutulak tulak ako.

"Nagsolo din naman kayo." Panlaban ko na naging dahilan para magblush ang gaga. "So what's the real score between the two of you?"

Hindi nila ako sinagot. Nahihiyang yumuko lang sila na para bang di nila ako kaibigan.
Ako pa ang tataguan niyo?

"M-mutual understanding. Meron kami nun." Aegeus answered. Mabuti na lang at sinagot niya dahil kung hindi, baka nasapok ko na siya.

"Sasagutin niyo naman pala pinatagal niyo pa. I'm not asking you to tell me everything about the two of you. I just want you to be honest and don't forget me as your friend. I'll support you no matter what." I said.

Totoo naman kasi. They are my first friends dito sa SEA or actually only friends sa tanang buhay ko (except kay Becca) dahil ayaw ko ngang nakikipagsocialize.

"Sus! We will never do that 'no. Atsaka don't speak as if ikakasal na agad kami. Ni hindi pa nga kami magjowa." Maarteng sabi ni Harley na siyang pinagtawanan namin.

"Bakit gusto mo na ba?" Pang-aasar ni Aegeus.

"Gusto mo mukha mo!" Ganti naman ni Harley.

Masaya ako to have them. I never thought na lalalim nang ganito ang friendship naming tatlo. These people are for keeps.

Maya maya pa'y nakisama na din samin si Master Earl na di ko alam kung san nanggaling at si Jack na may kinuha daw pero wala namang dala.

Kinuha na din namin ang mga marshmallow on stick namin at niroast ito.

"Master Earl, I'm just curious. How old are you?" Harley asked.

"20." Simple naman nitong sagot.

"Talaga? 2 years lang pagitan mo samin." Magkakasing-edad lang kasi kaming tatlo or baka apat? Di ko pa kasi alam kung anong age ni Jack. Basta 18 years old pa lang kami.

"Ikaw Jack?" Baling na tanong ni Aegeus sa nananahimik na si Jack.

"19." Oh. 1 year ang tanda niya sa amin.

"Paano ka naging spy, Master?" Tanong ulit ni Harley.

"Simple lang. Anak ako ng vice president." Halos maluwa namin ang mga marshmallow namin dahil sa sinabi niya. Talaga ba?! "Mga spy pa naman kayo naturingan pero mga uto-uto kayo." Dugtong niya.

Parang bulang nawala ang gulat namin nang sabihin niya iyon at napalitan ang akin ng inis. Dahil una, corny ang joke niya at pangalawa, di  nakatutuwa yung joke niya. Kinabahan ako. Akala ko katapusan ko na talaga. Lagi ko pa man din siyang inaaway.

Kaunting katahimikan muna ang bumalot samin nang muli itong basagin ni Master.

"Hindi ako anak ng vice president pero anak ako ng treasurer. My mom is Ms. Diana Dela Vega." Muling nanlaki ang mga mata namin. Totoo na ba 'yan?

"Di ka na ba nagjojoke?" Paniniguradong tanong ko.

"No. I'm serious." Okay, katapusan ko na nga.

"Eh bakit magkaiba kayo ng apelyido?"

"Apelyido yun ni mama noong dalaga pa siya."

"How about your father?"

Silence covered us after Harley asked the question.

"He died. And he was also a spy before." Sagot ni Master Earl na may halong lungkot.

"Sorry."

"Its okay, Harley."

Muli na namang nabalot ng katahimikan ang lugar. Ang awkward. Ang lungkot.

*cough*

"Uy h-hehe nandito para mafree from stress. Do you want to do something?" Pagbasag ko sa katahimikan. Last night na namin dito. Sayang naman kung mauuuwi lang sa kalungkutan.

"Tama si Felina. Diba Felina, kumakanta ka?"

"Really? You can sing?" Akmang di makapaniwalang pagsambit ni Master.

"Yes, master. She can also play a guitar and ang ganda ng boses niya." Sinamaan ko ng tingin sina Harley at Aegeus. How dare them?!

"May guitar akong nakita doon. Kunin ko lang." Sabi ni Jack at tumayo. Aba't pati ba naman 'tong cold guys na ito ay nakisakay na din.

So ako yung napagtripan, ganun?

After few seconds, bumalik si Jack na may dalang gitara. Ibinigay niya sa akin ito habang ako nama'y hindi malaman ang gagawin.

Sabi ko naman sa kanila na bihira lang ako kumanta eh.

"Dali na Felina. Kantahan mo na kami. Minsan lang 'to oh." Pangugulit ni Aegeus.

"Oo nga, agent Felina. Sing for us." Gatong ni Master Earl at parang naghihintay na kumanta ako.

*dugdug dug dug*

Napahawak ako sa dibdib ko dahil bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Di lang ako sure kung bakit. Kung dahil ba sa kakanta ko o dahil sa taong ito.

I erased my thoughts at nagsimulang magstrum. Tama naman sila. Minsan lang 'to and in fact, I treat our group as special friends.

"Bakit kaya nangangamba? Sa tuwing ika'y nakikita? Sana nama'y magpakilala. Ilang ulit nang nagkabangga. Aklat kong dala'y pinulot mo pa. Di ka pa din nagpakilala." They all started clapping na para bang sinusundan nila ang beat ng kanta.

"Bawat araw sinusundan, di ka naman tumitingin. Anong aking dapat gawin? Kailan?..."

"Kailan..." Pagsecond voice nila.

"Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim. Kahit anong gawing lambing di mo pinapansin. Kailan?..."

"Kailan..."

"Kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin. Kahit anong gawing lambing. Di mo pa rin pansin." I strummed one last time dahil tapos na ang kanta. Nagpalakpakan naman sila at tuwang tuwa.

"Oh diba? Sabi sainyo eh." Pagmamayabang ni Aegeus. Kung alam mo lang na gusto kitang patayin kanina, baka nagtago ka na sa ilalim ng malamig na tubig.

"Isa pa!" Hirit nila.

"Ha? Tama na. Abusado kayo ah." Pagbibiro ko. "Bakit di na lang si Jack? Malakas ang pakiramdam ko na magaling din siya kumanta."

Noong una'y ayaw pa ni Jack na kumanta. Pero napilit din namin siya.

He started the what-you-called 'fingerstyle'. Ang galing.

"Its amazing how you speak through my heart. Without saying a word you can light up the dark. Try as I may I could never explain. When I'm here and you don't say a thing." Ang lamig ng boses niya. Omg.

"The smile on your face let me know that you need me. There's a truth in your eyes saying you'll never leave me. The touch of your hand says you'll catch me whenever I fall. You say its best. When you say nothing at all."

"Master ikaw naman!" Sigaw ni Harley. Patuloy lang sa paggitara si Jack at si Master Earl naman ay handa nang kumanta.

"The smile on your face let me know that you need me." Unang linya pa lang ay halos humagalpak na kaming lahat sa tawa. Papaano kasi, sintunado siya at feel na feel pa ang pagkanta. Pero nakijoin na lang din kami sa kaniya.

"There's a truth in your eyes saying you'll never leave me. The touch of your hand says you'll catch me whenever I fall. You say its best. When you say nothing at all..."

Buong gabi kami nagkantahan at nagsayahan hanggang sa natapos ito nang maligaya.

A/N: Waaaaaah onting chapters na lang guys!! matatapos na 'to!! Don't forget to vote and comment!

CODE: 005 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon