Chapter 22: The Kid

105 8 1
                                    

"Congratulations, agents. Nagtagumpay na naman kayo sa misyon niyo." Bati sa amin ni Mr. Denzel. "Expect for more missions. Harder and more complicated than the previous ones. That's why from now on, you won't have to stay here. Sa hotel na kayo mananatili para sa mga susunod niyo pang misyon."

"Oh my goodness! I will miss this place." Pagdadrama ni Harley.

"Edi magpa-iwan ka." Sabi ko naman.

"Hindi pwede 'no. Mas okay na sa labas. Finally, we're free!" Natawa na lang si Mr. Denzel sa inasta ni Harley.

"Babalik pa din naman kayo dito. May annual ball na nagaganap tuwing October." Sambit ni Mr. Denzel. May mga party din pala sila dito? In fairness naman pala. Naalala ko tuloy yung dati kong school.

"Another Oh my G! I'm so excited!" Impit na tili ni Harley.

"Ang childish mo talaga." Puna sakaniya ni Aegeus.

"Shut up."

"Shut up mo mukha mo."

"Argh! I hate you!"

"Sino bang nagsabi na love kita?" Ayan na naman, magtatalo na naman sila.

"Agent Harley and Agent Aegeus, umayos kayo. Nasa harap niyo ang Vice President." Saway sakanila ni Master Earl.

"Sorry." They both said. Mukhang hindi na ako ang magiging referee nila. Mabuti naman kung gano'n.

"Anyway, pwede na kayong lumabas. Pumunta na lang kayo kay Master Tanya mamaya para malaman niyo ang susunod niyong misyon." Tumango lamang kami at lumabas na. As usual, kami lang nina Aegeus at Harley ang magkakasabay samantalang humiwalay ng landas sina Master at Jack.

Sina Mr. and Mrs. Bueno ay natake-over na sa Alliance of Detectives. Yung panganay na anak nila ay hindi pa nakikita samantalang yung bata na natagpuan ko ay nandito. Since bata pa nga siya at wala namang nakareserve na room para sakaniya, sa kwarto ko siya nagstastay.

"By the way, kamusta na pala yung bata?" Harley asked.

"Natutulog siya kanina nang iwan ko." I answered.

"Kawawa naman siya. Sobra talaga siyang natrauma." Sabi naman ni Aegeus.

Nang makabalik kasi kami dito kagabi ay agad naming dinala ang bata sa clinic. Sabi ng doctor, natrauma daw talaga ang bata. At hindi mapapagaling ng healing ability niya ang nararamdaman nito.

"Bye, see you later." Paalam namin sa isa't isa.

Dahan dahan kong binuksan ang aking pinto at nadatnan kong natutulog pa din ang bata. Ang ginawa ko na lang ay umupo sa tabi ng bata habang pinagmamasdan siyang matulog.

Life is cruel. Wala itong pinipiling edad. Maski bata ka man o matanda, mararanasan mo ang hagupit ng buhay. Unfortunately, kasalukuyan itong nararanasan ng batang ito.

"Uhmmm.." Ungol nito. Gising na siya. Unti-unti niyang dinilat ang kanyang mga mata. Nang makita niya ako ay agad siyang napaupo at umatras.

"Hey, don't be scared. Remember my promise? Hindi kita sasaktan." Malumanay kong pagkakasabi. I never thought na pati pala pag-aalaga ng bata ay mararanasan ko dito.

Nilibot niya ang kaniyang paningin. Tapos bigla na lang siyang natulala. Nagulat ako nang umiyak siya. Shit. Ito na naman tayo.

"Sshhh. Stop crying na. Ano bang gusto mo?" Pero hindi niya ako sinagot. I hate babysitting. Bakit ba naman kasi naawa ako at dinala 'to? Aish, bahala na nga.

Patuloy pa din siyang umiiyak at hindi ko na alam ang gagawin ko. Dahil sa pagkataranta, niyakap ko na lamang ang bata habang hinahagod ang likod niya.

"Gusto mo bang makita yung mom and dad mo?" I asked. Tumango lamang siya. Oo nga pala, sabi din ng doktor ay hindi siya nakakapagsalita dulot nga ng trauma pero himdi siya pipi. "Edi dapat kumain ka." Maya maya pa ay tumahan na din siya. Buti na lang talaga, wala pang nakakakita sa side kong ganito. Yung malumanay at soft-hearted. Opposite side ko kasi ang karaniwan kong pinapakita.

Nag-order ako sa command activator ng rice, fried chicken at juice. Sinamahan ko na din ng ice cream. Namangha pa nga ang bata nang makita ang robotic hand na nag-abot ng pagkaing inorder ko. Inabot ko ito sakaniya at nagsimula na siyang kumain. Para siyang hindi nakakain ng isang araw sa inaasta niya ngayon. Sabagay, may pagkachubby din naman siya.

Pinagmamasdan ko lang siyang kumain nang tiningnan niya ako. Inalok niya ako ng fried chicken na hawak hawak niya. Umiling na lang ako kaya kumain ulit siya.

I pressed the 'Needs' button of the command activator. and said, "I need tissues, a paper and a pen." Agad naman itong ibinigay sa akin.

"Do you mind if you write your name here?" Sabi ko sa bata at ibinigay sakaniya ang papel at ballpen. Itinabi niya muna ang kinakain at nagsulat. Pagkatapos ay ibinalik niya ulit sakin ang papel at ballpen. Samantalang bumalik naman siya sa kaniyang pagkain.

Di ko muna ito binasa at ipinatong ito sa computer desk. Binuksan ko ang TV. Inilipat ko ito sa cartoons para matuwa lalo ang bata. And I'm right, tutok na tutok ang bata  sa pinapanood na Spongebob Squarepants habang sumusubo ng kanin. Naalala ko tuloy yung childhood ko. Favorite ko dating panoorin ang Spongebob.

Bigla na lang umubo ang bata kaya dali dali ko siyang pinainom ng juice.

"Ayan kasi eh, dahan dahan lang. Nasamid ka tuloy."

After a few minutes, natapos din siyang kumain. Kinuha ko ang tissue at ipinunas ito sa kaniyang bibig. Ang kalat niyang kumain.

"Anyway, my name is Felina. You can call me Ate Felina." Pagpapakilala ko sakaniya. Tumango lamang siya at pinagpatuloy ang pagkain.

Sunod niyang kinain ang ice cream. Ako naman ay lumabas muna at hinayaan siyang manood sa loob. Maglalakad-lakad muna ako.

Sa paglalakad ko ay nasalubong ko si Master Earl. Hindi ko sana siya papansinin nang bigla siyang nagsalita.

"How's the kid?"

"He's doing well." Simple kong sagot. Ayokong makipag-usap sa lalaking may menopause. Tss.

"Di pa rin siya nagsasalita?" Tanong niya ulit. Teka, ba't ba ako kinakausap nito? Close kami?

"Hindi pa rin. I didn't know na may pake ka sa bata. Gotta go bye." Then iniwan ko na siya doon.

Tinamad na akong maglibot kaya bumalik na din ako sa kwarto. I saw the kid sleeping again. Hindi ko alam kung makakabuti ba sakaniya ang pagtulog o hindi. Paniguradong napapanaginipan niya ang mga magulang niya.

I turned off the TV at kinuha ang papel na ipinatong ko sa computer desk kanina. Tahimik akong umupo sa tabi niya. Hinaplos-haplos ko ang buhok niya. Paglaki nito, guwapo magiging kalabasan.

Tiningnan ko ang papel at binasa ang nakasulat dito. So he's Andy. Andy Bueno.

I smiled while looking at his face.
"Sleep well, Andy."

A/N: Happy 1k followers sakin! At dahil happy ako, ito ang update. Pero ito lang muna. ENJOY!

CODE: 005 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon