Chapter 34: Who are the leaders?

67 4 2
                                    

Felina

Ngayon ay naririto kami sa isang  malaking training room dahil inatasan na lumipat ang mga special task forces dito. Hindi lang nga ako sigurado kung training room nga ba talaga ang tawag dito.

Puti ang kulay ng silid na ito. Mayroon ding bleachers na nakapalibot.  Kung titingnan, parang maliit na stadium ang itsura nito. May stage din sa gitna na hindi kataasan pero may pagkalapad. Meron ding entrance sa magkabilang side. Yung parang pinapasukan ng mga athletes. Ang seating arrangement ay ayon sa grupo. Kaya magkakatabi kami nina Aegeus, Harley, Jack at Master Earl dito.

Lahat ay may pinagkakaabalahan. Maingay dahil marami kami dito. Ang ibang agents na hindi kabilang sa special forces ay naiwan sa gymnasium para doon naman sila hasain.

"Omg, ang dami pala ng special forces!"

"Oa, Harley ah."

"He! Wag ka ngang epal diyan, Aegeus." I rolled my eyes at them. Nagsimula na naman silang magbangayan. Ang ingay ingay na nga, dumagdag pa sila. MagMU ba talaga 'tong dalawang 'to? Psh.

Mabuti na lang at nabaling ang atensyon ng lahat nang pumunta sa stage si Ms. Dianna.

"Ehem." Panimula niya. "Agents from special task forces, siguro'y alam niyo na ang nangyayari sa SEA. May mga nawawala tayong kasamahan. Nakalulungkot isipin pero hindi tayo pwedeng magluksa lang. Naririto kayo ngayon upang sama samang maghanda hindi lamang para sa paglilitas sa inyong mga kasamahan ngunit pati na din sa paparating na pagliligtas sa mundo." Suddenly, a hologram appeared in front of each one of us.

Dr. Jung Bueno. Also known as "Dr. B". Owner of Mashamha Company. A company that produces machines and inventions throughout the world.

Wait, Bueno?

Nagkatinginan kami nina Aegeus at Harley. Mukhang pareho kami ng iniisip.

"Diba, Bueno din ang mga drug lords na nahuli natin?" Nagtatakang tanong ni Aegeus.

"Yes. Actually, they are related to each other. Dr. Bueno is the brother of Mr. Ian Bueno." Ani Master Earl.

Small world. Dami naman nilang business. Kaso buti sana kung mabubuti business nila.

"Agents, for this mission, a special task force will lead you." Nang sabihin ito ni Ms. Dianna ay nagkaroon ng bulung-bulungan. Ewan ko ba pero kinakabahan talaga ako. Parang may hindi sasang-ayon. "May I call on, Master Earl's special task force."

Pagkasabi niya noon ay pumunta kami sa stage. Naririnig ko pa din ang mga bulung-bulungan. Wala akong enhanced hearing pero may ilang akong naririnig sa malapit.

"Bakit sila? May napatunayan na ba yang mga yan?"

"Oo nga eh. Baka kasi pogi yung Master kaya ganun."

"Tanga, lahat naman ng master gwapo eh."

"Kahit na, di nila deserve."

Ilan lamang yan sa mga naririnig kong bulungan. Sinasabi ko na. May tututol. Oo nga naman kasi, kung tutuusin, maituturing na bago lang kami. Sa tatlong misyon na nagawa namin, yung isa pa doon ay hindi nagtagumpay.

Maya maya pa ay may tumayong grupo ng special force. Sa awra nila, masasabi kong matagal na sila dito at marami na silang napagtagumpayang misyon.

"Ms. Dianna, hindi po kami makakapayag na basta basta na lang kayo mag-aassign ng leader. Nirerespeto po namin ang inyong desisyon pero sana ay irespeto niyo din ang karapatan naming mamili ng mamumuno sa amin." Sabi ng isang gwapong lalaki na kulay blonde ang buhok.

Tiningnan ko si Jack. Bored lamang itong nakatingin sa lalaki. Tiningnan ko naman ang katabi kong si Master Earl. Sa pagsara niya ng kaniyang kamay ay dama ko na naiinis siya sa lalaking iyon. Tila awtomatikong hinawakan ng kamay ko ang nangagalaiti niyang kamay.

CODE: 005 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon