Chapter 11: The Special Force II

112 14 0
                                    

"From now on, official spies na kayo ng SEA. You will now be called, Agents." Medyo 'di nagsink-in sakin ang sinabi ni Ms. Mendes. Agent Felina na ang itatawag sakin simula ngayon. Ang weird pero ang cool pakinggan.

One week na rin ang nakakalipas simula ng buuin kami as a special force. Sa buong linggo na 'yun, puro trainings lang kami. Kaya ngayon, sa office ni Ms. Mendes, we were declared as official spies of Secret Eye Association. Parang kahapon lang, newbies lang kami but time flies so fast. Ngayon, mga agents na kami.

"Get your weapons at the Technology Department. Earl, bahala ka na sakanila." Sinundan namin si Master Earl papunta sa Technology Department. Hindi niya kami kinikibo o kinakausap man lang maliban na lang kung magbibigay siya ng feedback o may tinatanong sakaniya. Bagay sila ni Jack. Ang cold nila. Minsan nga, napapaisip ako kung bakit kailangan namin ng Master na kasama sa grupo. Kaya naman siguro namin kahit kami kami lang. Kaysa naman ganyan yung ugali ng kasama namin. Akala mo, walang nakikita sa paligid niya. Atsaka 'di ko pa nakakalimutan 'yung ginawa niya noong una kaming nagkita, 'no!

Inenter niya ang code. Hindi ko masyadong nakita kasi nakaharang si Aegeus sa harap ko. Psh.

Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang isang maikling hallway. Masyadong secured ang lugar na ito to the point na may code ka pa ulit na iieenter. Pagkabukas ng second door, napanganga na lang kaming lahat except kay Master Earl.

Spacious ang kwartong ito. May mga machineries, flying objects, weapons, devices and anything related to technology ang nandirito. Ang mga tao na in charge dito ay nakasuot ng lab gowns. Science na science talaga ang dating. Astig.

"Oh, Earl. Nandito ba kayo para kunin ang weapons at gadgets niyo?" Salubong samin ng isang matandang lalaki na nakalab gown. Tumango lamang si Master Earl bilang pagsang-ayon. Saglit na umalis yung lalaki at pagbalik niya, may mga dala na siyang gamit.

"Siyempre, kailangan niyo ng mga earpiece para mapanatili ang communication niyo sa isa't-isa. Nagbleblend yan sa katawan kaya malabong makita. Itong mga sapatos naman, ginawa para makaakyat sa mga pader o kisame. Ang glasses na ito ay may built-in camera na gagamitin niyo kung may kailangan kayong picture-an na maaari niyong isend sa isa't isa. Pwede niyo ring makita dito ang mga informations na isesend sainyo ng gatherer niyo."

"Eh ano naman po ang silbi nito?" Tanong ni Harley habang sinusuri ang isang lipstick.

"Ah, yan? Baril yan, iha. Ang bala na 'yan ay napakaliit pero malaki ang epekto nito sa matatamaan. Hindi nga lang iyan nakapapatay ngunit nakakaparalisa ng katawan." Manghang-mangha kami sa mga gadgets na binigay niya. Nakakaexcite tuloy gamitin.

"Ito naman ang mga weapons niyo. Agent Harley, ang whip na ito ay maaari niyong gamitin bilang lubid. Mas pinatibay namin 'yan at mas pinahaba. Pwede mong pindutin ang button sa may handle para maging sinturon. Naglagay din kami ng lason upang mas mapadali ang pagpapatumba sa kalaban." Tuwang-tuwa namang tinanggap ni Harley ang whip niya.

"Agent Jack, ang dagger naman na iyan ay humahaba na parang isang espada. Kahit anong uri ng espada ay kaya nitong itransform. Agent Aegeus, pinalawak namin ang range ng sniper gun mo. Bale ang range na ng weapon ay within 1 to 5 kilometers na. Pinalakas din namin ang epekto ng mga bala niyan. Ang twin guns mo naman Agent Felina ay mayroong unlimited na bala na kayang makapagpatay ng tao sa loob lamang ng isang segundo. At sayo Agent Earl, itong bow and arrow. Umaapoy ang mga arrows na iyan at may range na 1 to 5 kilometers din. Nabigay ko na ata lahat ng kailangan niyo. O siya, maiwan ko na kayo."

"Salamat, Dr. Yuki." Pagkasabi nun ni Master Earl ay umalis na si Dr. Yuki. Muli kong tiningnan ang mga twin guns ko. Kung titingnan, napakasimple nitong tingnan pero sobrang delikado.

CODE: 005 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon