Chapter 38: The Annual Ball

20 1 0
                                    

Felina's POV

Halos isang linggo na rin ang lumipas matapos namin isagawa ang aming mission na pagsagip sa kapwa naming spies. Ang mga nahuling scientists ay kasalukuyang iniimbestigahan at kalauna'y ipapadala sa Alliance of Detectives. Hindi pa rin namin nahahanap si Dr. Moller. Hangga't hindi pa siya nakukulong, marami pang maaaring mangyari na hindi maganda. 

"Why are you still here?" Tanong ni Harley na walang paalam na pumasok sa kwarto ko. Porket 'di nakalock, eh. 

"Bakit? May pupuntahan ba tayo?" 

"Duh!" Padabog siyang umupo sa aking kama habang mataray na tumitingin sa akin. "Do you really still have no idea?" 

"Na ano? Na Annual ball mamaya?" Walang interest kong sagot.

"Yes! Kaya let's go, Felina!" Sabay hila niya sa akin but I resisted. "Aish! Why na naman ba?!"

"Kung gusto mo bumili ng damit, ikaw na lang. May damit pa naman ako rito." 

"Pantalon? T-shirt? Dress? 'Yun lang naman ang dala natin, eh. Ball yun, Felina. We need to wear a gown. Kaya let's go na." Pagpipilit niya. Sakto namang dumating si Aegeus.

"Oo nga naman, Felina. Samahan mo na 'yan. Isa pa, once in a lifetime lang 'to 'no. Ayaw mo bang mabighani sayo sina Jack at Master Earl?" Naningkit ang aking mata at tumitig kay Aegeus nang naiinis. Ano na naman ba sinasabi ng lalaking 'to? At tama ba ang narinig ko? 'Di siya nag-oppose kay Harley? Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig.

I rolled my eyes and finally agreed to join Harley. Para naman siyang ewan na tumili. Sabay kaming tatlo na lumabas sa kwarto ko at naghiwalay rin bago tuluyang makalabas sa SEA. Mayroon na atang damit si Aegues o kaya naman ay nakabili na siya noong isang araw.

Dahil annual ball ngayon, pinapayagan lahat ng agents na lumabas para bumili ng mga kakailanganin nila sa annual ball. After all, we are supposed to enjoy this day.

Maya maya pa'y nakarating na kami sa isang mall. Libot doon, libot dito. Try doon, try dito.

Halos dalawang oras na ang nakalilipas pero wala pa rin kaming nagugustuhan ni Harley na gown. Hanggang sa may nakita kaming shop na puro gowns ang display. Medyo may kalakihan dito at masasabi mong mamahalin lahat ng kanilang binebenta.

"Oh my gosh! Ang ganda rito! Ang ganda rin ng gowns. Maghanap ka na lang riyan, sis. Maghahanap na rin ako. Hihi." Pagkatapos ay nawala na rin siya.

Naglibot-libot ako sa shop para maghanap ng gown ko. Magaganda naman lahat. Kaso nga lang, wala 'yung bumibighani sa akin.

"Good afternoon, ma'am." Bati sa akin ng sales lady.

"Good afternoon, din." Nakangiti ko ring bati.

"Napansin ko po kasi na panay ang libot ninyo. Wala pa po ba kayong nagugustuhan?"

"Hindi naman sa wala akong nagugustuhan. But I am looking for something that can captivates me, I guess?" Pagkasabi ko noon ay ngumiti ang sales lady at sinensyahan ako na sumunod sa kaniya.

"Mayroon po kaming limited-edition na gown. Hindi po namin ito dinidisplay at tanging customers na katulad niyo lang po ang inoofferan namin nito."

"Customers na katulad ko?" Nagtataka kong tanong. Medyo natawa naman ang sales lady.

"I mean, 'yung mga customers po na medyo mahirap i-please at naghahanap ng 'something that can captivates them'." Sabi niya at saglit na nawala para kunin ang sinasabi niyang limited-edition gown.

Nagulat naman ako sa 'customers like me'. Ito ba epekto ng nagtatago ng identity?

Maya maya pa'y, dumating na rin ang sales lady na may dala-dalang magandang gown. Hindi maalis ang tingin ko rito. Hinawakan ko rin ang tela pati ang disenyo nito. Simple lang siya pero gustong-gusto ko.

CODE: 005 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon