"Gising na siya."
"Omg, felina!"
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Nadatnan ko sina Harley at Aegeus na mga gulat at tila nag-aalala sa akin.
"Okay ka na ba? Jusko, felina. We are so worried about you." Sambit ni Harley.
"Okay na ako." Sabay dahan dahang umupo at sumandal sa kama. "Kayo? Okay lang ba kayo?" Sa pagkakatanong ko ay natigilan sila. "Bakit?"
"Ilang buwan ka nang tulog." Sabi ni Aegeus.
"Ha?! You mean, yung laban natin with Master Usher's task force, was months ago?! At mula noon, ngayon lang ako nagising?" Gulat kong sabi. Ilang buwan na ang nakalilipas pero pakiramdam ko, kahapon lang naganap ang laban namin.
"Yes, Felina. Actually, October na ngayon. Malapit na maganap ang Annual Ball. Sakto nga ang gising mo, eh." Sabi ni Harley.
"Sabi ng doctor, na-overused mo ang advanced ability mo." Aegeus added. "Maswerte na lamang raw na hindi ka nagka-amnesia."
"Paano naman yung mga case ng nawawalang spies? Nanalo tayo diba? Anong nangyari?" Tanong ko.
"Don't worry about it. We are doing our best to find the information we need. We are also training the spies for the worst case scenario that can happen." Aegeus answered. Agad akong tumayo at inaya silang lumabas.
"Teka lang, magpahinga ka muna. Baka mabigla ka." Pigil sa akin ni Harley.
"Ilang buwan na akong nagpapahinga. Hindi naman pwedeng mag-aksaya pa ako ng isang araw. Kailangan kong gampanan ang responsibilidad ko as one of the leaders. Ngayon, sasama kayo sakin or kayo pagpapahingahin ko diyan?" Hindi na sila sumagot at sinamahan ako sa aking kwarto. Nagpalit at nag-ayos ako bago pumunta sa office ni Master Earl dahil magkakaroon daw kami ng meeting ngayon.
Pagkapasok namin ay gulat na Master Earl ang tumambad sa amin. Pati si Jack ay gulat din.
"Pinigilan namin siya." Sabay na sambit nila Harley at Aegeus.
"No need to worry about me. Let's go straight to the agenda of this meeting." Diretsang sabi ko sabay upo sa upuan.
"Within those months na tulog ka Agent Felina, we have gathered new information about the kidnapping cases. Nahirapan kaming kunin ang mga ito dahil sa higpit na ginawa nila sa kanilang security. This is still not enough. We need to do an undercover mission and also save the agents we can save." Master Earl explained. "Because unfortunately, nadagdagan ang mga spy na nakuha nila. No one knows if they are still alive but we need to make an action as quickly as we can."
"When will the mission happen?" I asked.
"Tomorrow." He answered. "That's all for today. Continue training the spies for tomorrow's mission. Dismiss."
Akmang aalis na kami nang pinaiwan ako ni Master sa office niya. I just stared at him, waiting for what he will say. He stared back and all I can see in his eyes are fear, worries, and a hint of relief.
"Masaya ako na nagising ka na, Agent Felina. Masaya ako na ayos ka na."
"Thank you, Master. I also want to say sorry for the months I've wasted. Gagawin ko lahat ng makakaya ko." I said.
"J-just...be careful."
"Yes, I will." After that, lumabas na ako sa office niya pero si Jack naman ang bumungad sa akin. Ganoon ba talaga sila nag-alala?
"Baki--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin. Ilang segundo lamang ang itinagal no'n pagkatapos ay umalis siya kaagad.
BINABASA MO ANG
CODE: 005 (On Going)
FantasyFelina who has a good memory was kidnapped and brought to a secret organization. What will happen to her? Read and see it for yourself. NOT JUST YOUR ORDINARY SPY Highest ranking: #46 in sciencefiction, #105 in magic and #373 in fantasy ALL RIGHTS R...