Huminto ang kotse namin sa may parking lot ng hotel. Nakakatuwa kasi napakagentleman ng kasama ko. Grabe, sobrang gentleman.
Imbis na maghintay ako sa wala, bumaba na din ako ng kotse at nanatiling mabagal ang lakad. Habang si Master Earl ay nauuna. Psh. Naubos na ata ang mga mababait na lalaki sa mundo eh. Isang patunay ang lalaking nasa harapan ko.
Pagkapasok namin ay nag-elavator agad kami. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Hay, ang awkward naman. Tumunog ang elevator. Hudyat na nasa tamang floor na kami. Ngayon, ako naman ang naunang lumabas at dumiretso sa kwarto namin. Hmp! Kala niya ah?
"Felina! How are you?" Salubong sakin ni Harley na agad akong niyakap.
"Okay lang. Teka, bakit nandito sila?" Sabay turo ko kila Aegeus at Jack. Sakto namang dumating din si Master Earl at walang pasabing pumasok.
"Ito kasi ang assigned meeting place natin."
"Eh bakit sa kwarto pa natin?" She shrugged. May mga sarili naman silang kwarto. Bakit kailangang dito pa magmeeting?
"Okay, you can now report." Panimula ni Master Earl.
"I gathered some important informations. Here." Inabot ni Harley kay Master Earl ang mga papeles na naglalaman daw ng mahahalagang impormasyon tungkol sa maling kalakaran ng V.E.I.
"I also gathered some informations about the Min Lee murder case." Sabi naman ni Aegeus.
"Wala akong nagather na info dahil bukod sa napakamanyak ng matandang iyon, wala rin siyang kwenta." Inis kong sambit.
"Harley, please check about Mr. Hanz Forte's profile." Master Earl commanded. Agad namang nagsearch si Harley sa laptop niya.
"Okay, Mr. Hanz Forte is a 55 year old business man who owned an instrument industry which is a long-time business partner of Vallegas Entertainment Industry. Other informations are hidden."
"Matagal na siguro siyang nag-oorder ng mga babae sa V.E.I. I'm pretty sure na madami siyang alam." Tama si Aegeus. Kailangan ko pa sigurong magtrabaho maigi para makakalap ng impormasyon.
"Magkikita kayo bukas, diba?" Nagulat ako sa tanong sakin ni Master Earl kaya tango na lang ang nagawa ko. "Then do everything you can para mahuli natin siya." Tumango na lang ulit ako.
"For now, let us all rest. Tatapusin na natin ito bukas na bukas din." Pagkasabi niya noon ay umalis na silang tatlo sa kwarto namin. Ako naman ay napahiga na lang at di namalayang nakatulog na pala ako.
Kinabukasan
Its already 9:00 pm. Ang oras na magkikita ulit kami ni Mr. Forte. Inihanda na namin lahat ng gagamitin namin atsaka umalis. Huminto ang sasakyan namin sa tapat ng isang bar. I turned on my earpiece. Inayos ko ang aking above the knee dress at pumasok na sa loob.
Naglalakasang musika at mga nagsasayaw na tao ang nagkalat dito. Nakita ko si Jack na nakadisguise as a waiter. Oo, alam ko na siya 'yun dahil sa kaniyang malamig na awra. Inilibot ko ang aking paningin at saktong nakita ko si tanda na naka-upo sa may sofa. Ang tanda tanda na nagbabar pa din. Di na nahiya.
"Ang tagal mo naman." Nakangiti niyang salubong sakin habang nakatingin sa legs ko. Pervert!
"Sorry for waiting." Sabi ko na lang at hinila niya ako papasok sa isang VIP room. Wag mong sabihing?
"A-anong ginagawa natin dito?" I asked him as I try to calm myself.
"Magsasaya." Matapos niyang sabihin iyon ay tinulak niya na ako sa kama. Oh no. This is not good.
"Felina!" Sigaw ni Master Earl sa kabilang linya.
"Relax Felina! Pag ginalaw ka na niya, lumaban ka! Wag mong hahayaang patayin ka niya. Siya ang pumatay kay Min Lee. Please, mag-ingat ka." Paalala naman ni Harley. Ang liit nga naman ng mundo. Kinapa ko ang twin guns ko na nakatago sa tagiliran ko. Hindi ito halata dahil bulky ang suot kong dress.
"Wag kang lalapit." Pagbabanta ko kay tanda.
"Bakit naman? Wag kang mag-alala, magugustuhan mo 'to." Pumatong siya sa akin at pilit akong hinahalikan ngunit iniiwas ko lamang ang aking mukha.
"Tumigil ka na!"
"At ano naman ang kaya mong gawin?" Tinulak ko siya nang malakas dahilan upang tumalsik siya sa pader.
"Hindi mo gugustuhing magalit ako, Alexis." Wika niya habang unti-unting tumatayo.
"Mas lalong hindi mo gugustuhing magalit ako Mr. Forte."
"Ah ganoon ah?" May kinuha siya mula sakaniyang bulsa. Isang dagger. Sinugod niya ako kaya agad kong hinawakan ang kamay niyang may hawak na dagger. Pinilipit ko ito kaya nabitawan niya ang kaniyang hawak. I also kicked his stomach so he took a step back away from me. Inatake niya ulit ako at itinalikod sakaniya. Pilit ikinukulong sa kaniyang mga bisig. This bastard is making me sick!
Tumakbo ako patungong pader at inakyat ko ito habang kinakalas ang hawak niya sakin. Tumambling ako sa ere at napunta sakaniyang likod. I grabbed his hands and I tightly hold them at his back. Binunot ko ang isa sa mga twin guns ko at itinutok ko ito sakaniya.
"Hindi mo ako mapapatay, tanda. Di mo ako matutulad kay Min Lee." Mukhang nagulat siya dahil tumigil siya sa pagpupumiglas.
"S-sino ka ba?! Anong kailangan mo sakin?! Pakawalan mo ako kundi papatayin kita!" Sabi niya habang pilit kumakawala.
"Sige, manlaban ka pa. Maaga mong makikita ang impyerno kung saan ka nababagay." Pagbabanta ko sakaniya pero nanlalaban pa din siya. Wag mo akong piliting bahiran ng dugo mo ang aking mga kamay. Dahil 'pag nagkataon, dugo mo ang unang mamantya dito.
Marahas na bumukas ang pinto na iniluwa ang isang pamilyar na tao. Tumakbo ito papalapit sakin at niyakap ako.
"Jack.." Literal na nanlaki ang mata ko. Ilang saglit pa ay kumalas siya sa yakapan namin. Anong nangyayari?
Lumuwag na pala ang pagkakahawak ko kay tanda at akmang tatakas. Sinuntok ko siya nang malakas kaya naknock-out siya. Dali dali naman siyang inakay ni Jack at lumabas kami ng bar na parang walang nangyari. Ang sinasabi na lang namin sa mga nagtatanong ay nasobrahan sa inom upang di sila magtaka. Wala ring kaalam-alam ang driver ni tanda dahil naipuslit namin nang mabilis ang amo niya.
Pinagmasdan ko si Jack na nauunang maglakad patungo sa van kung saan naroroon ang tatlo upang magmonitor. Palaisipan pa din ang pagyakap niya sa akin. Ni wala man lang siyang binitawang salita nang matapos niya akong yakapin. Juskolord! Jack will make me insane.
"Felina!" Sabay hagkan sakin nina Harley at Aegeus na alalang-alala din.
"I'm fine, okay? Don't worry." Dahil sa aking sinabi, hindi na sila nagtanong pa. Pumasok kami sa kotse at pinaandar na ito. Si Aegeus ang driver, nasa tabi niya si Harley, katabi ko si Master Earl at nasa likod naman sina Jack at tanda.
Tumingin ako sa bintana. Pinanood ko ang mga bituwin at buwan na tila sumusunod sa amin. Honestly, grabe ang kaba ko kanina. Kung hindi siguro kami tinrain, malamang katapusan na ng buhay ko. Hindi nga talaga biro ang pagiging spy. You need to take all the risks just to accomplished the mission given to you even if your life is in danger. Fortunately, this mission is a success. And I am very happy to be a big part of our success.
"Agents, congratulations. We did it." Biglang sabi ni Master Earl ngunit nanatili pa din akong nakatingin sa bintana. "Especially you, Agent Felina, I'm glad you're okay." Doon na ako napalingon sakaniya. Nakatingin siya sakin at nakikita ko ang relief sa kaniyang mga mata. OMG. Naguguluhan na ako. Yung isang cold, bigla na lang akong niyakap tapos itong lalaking may mens bigla na lang nagsalita nang ganyan. Kahapon pa sila ganyan. Tell me, what's happening?
A/N: Update! Read.Vote.Comment. Sino ang mas love niyong loveteam? JaLina or FeArl? Kung may iba pa kayong naiisip na pangalan ng bet niyong loveteam, comment niyo lang ;)
BINABASA MO ANG
CODE: 005 (On Going)
FantasyFelina who has a good memory was kidnapped and brought to a secret organization. What will happen to her? Read and see it for yourself. NOT JUST YOUR ORDINARY SPY Highest ranking: #46 in sciencefiction, #105 in magic and #373 in fantasy ALL RIGHTS R...