Third person's POV
Patuloy pa rin ang pagsunod nina Earl at Felina sa sasakyan ng nakakuha ng Mystic Jar.
Samantala, sa kotse na sinusundan nila Felina..
"Boss, may sumusunod sa atin." Wika ng isang bodyguard ni unnamed man.
"Alam niyo na ang gagawin." Wika naman ng lalaki.
Hinayaan nila itong sundan sila hanggang makarating sila sa isang madilim na daanan kung saan wala gaanong tao ang dumadaan.
"Mukhang nakahalata sila." Sabi ni Earl. "Team, maghanda." Dagdag pa nito.
Felina
Inihanda ko ang aking twin guns dahil mukhang nakahalata nga sila. At di ako nagkamali nang sunod sunod na nagpaputok ang mga kasama ni unnamed man. Mabuti at nailiko ni Master Earl ang aming sasakyan. Kundi, natamaan na kami.
Binuksan ko ang pintuan ng kotse at inilabas ko ang aking katawan. Hawak ang isa kong baril habang nakakapit sa kotse ay pinaputukan ko rin ang nagbaril sa amin.
Nakailag siya at nagpaputok ulit. Umilag naman ako at bumaril din.
Nasa likod na namin ang sasakyan nina Aegeus, Harley at Jack. Si Harley ang nagdadrive at bumabaril din sina Aegeus at Jack. Marami ang kalaban namin ngayon sakay ng iba't ibang kotse.
Nagpaputok muli ako at natamaan ko ang dalawa sa aming mga kalaban. Binuksan din ni Master Earl ang pinto ng kotse sa side niya at nagpaputok din.
"Teka, baka maaksidente tayo." Sabi ko sakaniya. Paano ba naman kasi, walang nagdadrive baka mapaano kami.
"Don't worry, Agent Felina. Sinet ko na yan sa auto driving."
Mukhang madami ang laman ng bawat kotse dahil hindi nauubos ang mga kalaban namin. Kaya no choice ako kundi ang umakyat sa bubong ng kotse.
"Felina, anong ginagawa mo?! Baka matamaan ka diyan." Sigaw ni Aegeus.
"I can handle myself." I smirked as I activate the spiderman ability of my shoes. Ang heels kasi na suot ko ay pwedeng magamit sa pag-akyat ng mga walls kaya walang problema na sumampa ako sa bubong ng kotse dahil nakadikit ang aking sapatos.
Its party time, baby!
Habang nakatayo ay inilabas ko ang aking twin guns at nagpaputok nang sunod sunod. Ang iba ay nakailag at ang iba naman ay natamaan ko at nahulog sa kotse.
Ang hirap magbalance pero kaya ko 'to! Ako pa ba?
Sa ngayon ay nasa gilid na namin ang kotse nila Aegeus at patuloy pa din ako sa pagpapaputok. Kaunti na lang sila pero nauuna ang kotse ni unnamed man. Hindi namin mahabol dahil sa mga gunggong na ito.
"Shit!" Sigaw ni Jack nang matamaan siya ng bala sa braso.
"Jack! Kailangan mong ibenda yang sugat mo para tumigil sa kakadugo!" Sigaw ko habang nagpapaputok pa din. Pero di niya ako pinansin at nagpatuloy sa pakikipagpalitan ng bala.
"Agent Felina, bumaba ka dyan at ikaw ang magdrive." Utos ni master Earl.
"Roger, sir!" At nagpalit kami ng pwesto.
"Agent Felina at Agent Harley, drive in turbo mode. Agent Aegeus and Agent Jack, susugod tayo." Sabi niya through our ear plugs and so I pressed the turbo mode button and prepared myself.
Maya maya pa ay halos liparin kami ng hangin sa bilis ng sasakyan. Kaunti na lang ang distansya ng sasakyan namin at sasakyan ng mga kalaban.
Nang napakakaunti na lang ng pagitan namin ay tumalon sina Master Earl, Aegeus at Jack sa iba't ibang kotse. Nang matagumpay silang nakaapak sa bubong ng mga sasakyan ng kalaban ay sinipa nila sa mukha yung mga gunggong dahilan para mahulog ang mga ito.
BINABASA MO ANG
CODE: 005 (On Going)
FantastikFelina who has a good memory was kidnapped and brought to a secret organization. What will happen to her? Read and see it for yourself. NOT JUST YOUR ORDINARY SPY Highest ranking: #46 in sciencefiction, #105 in magic and #373 in fantasy ALL RIGHTS R...