Chapter 10: The Special Force

128 12 2
                                    

"Naiisip ko pa din si Jack Cold."

"Jack Cold? Sino 'yun?" Tanong ko kay Harley.

"Yung bagong trainee?"

"Huh? Sa pagkakaalam ko, Jack Pascual 'yun ah?"

"Oo nga pero kasi, super cold niya! Mas bagay sakaniya yung Jack Cold kaysa sa totoong apelyido niya."

"Ang baho mo namang magpangalan, Harley." Puna sakaniya ni Aegeus. Oo nga naman, parang ang bantot pakinggan. Parang.... Nevermind. Wag nang ituloy.

"Anong mabaho doon? Baka sarili mo lang naaamoy mo."

"Hindi 'no. Katabi kasi kita kaya mabaho."

"Eh katabi mo din naman si Felina ah?" Sinamaan ko ng tingin si Harley. Aba't may pinaparating ata 'tong isang 'to ah?!

"Wag niyo akong sinasali sa mga kalokohan niyo ah." Natahimik sila dahil gumamit na ako ng serious tone. Nakakatakot daw kasi ako kapag seryoso at nagagalit. Dapat lang silang matakot sakin 'no.

"But seriously speaking, that guy's advanced ability is cool yet creepy!"

Tama si Harley. Mapanganib ang ability niya. Madaling makapanlinlang. Swerte mo na lang kung ang taong ginagaya niya ay kilalang kilala mo na. Hindi ka maloloko. But the brighter side is, malaki ang advantage niya sa pagi-spy. He will be a good deceiver.

Tila hindi na gymnasium ang nadatnan namin. Nagkaroon ito ng partitions. Bawat partition ay may specific na gamit depende sa weapon. Mayroong para sa archery, baril, swordsmanship at madami pang iba. Weapon training kami ngayon.

Bago pumunta sa area mo, kailangan mo munang kuhanin ang iyong chosen weapon. Kinuha ko ang twin guns ko at naghiwa-hiwalay na kami para pumunta sa kaniya-kaniyang area. Kasama ko pa din si Aegeus dahil parehas na baril ang sandata namin.

"Hello!" Bati samin ng isang babae. Woah. Don't tell me, siya ang assigned mentor dito? "Oh? Ba't ganyan ang mga mukha niyo? Ngayon lang ba kayo nakakita ng babae na expert sa paggamit ng baril?" Natatawa niyang sabi sa amin habang nilalagyan ng bala ang USP 49 niya. Tinutok niya iyon sa target na 5 meters ang layo mula sakaniya. Ako lang ba, o talagang gumalaw yung mata niya? Yung parang nagfocus? Kinalabit niya ang trigger at boom! Bull's eye.

Napanganga kaming lahat sa natunghayan. Wow, just wow. Her character doesn't define her. She's jolly but a monster in shooting.

"Ms. Dianna Dela Vega, the treasurer. She has an enhanced vision." Kaya pala parang nagfocus yung mata niya. Cool! So far, yung peace and order at president na lang ang hindi ko nakikita. Pinapuwesto niya kami. Jusko, hindi ako marunong gumamit ng baril. Tell me, how will I use these twin guns?! Tell me!

Yung isa muna ang tinry ko. Wala din namang pinagkaiba eh. Yun nga lang, mas mahirap kapag pinagsabay. Bakit  ba naman kasi twin guns ang napili ko? Stupid Felina.

Sinubukan kong i-align ang baril ko para matamaan ko yung gitna. Nang nakasteady na ako, kinalabit ko yung trigger. Ang sakit sa tenga nung tunog ng baril pero mas masakit na hindi ko natamaan yung board sa dulo. Nice job. Very nice.

"Its okay. Beginner ka pa lang naman eh. I'll show you how to do it." Kinuha ni Ms. Dianna ang baril sakin at ginawa niya ulit yung kanina. Ayan na naman, nagfocus na naman ang mata niya. Isang tunog ang pinakawalan ng baril. Pagkatingin ko sa board, bull's eye ulit. Di pa siya nakuntento at kinuha niya pa yung isang baril. Sunod-sunod niya itong pinaputok. Grabe, parang gumawa lang siya ng malaking butas sa gitna ng board. Ang galing.

"See that? Kaya mo rin 'yun. Just practice." Tinapik niya ako at iniwan na. Gaya ng sabi ko dati, I'm a fighter and I will never give up. That's my motto in life.

Ipinuwesto ko ang dalawang baril na hawak ko. Tiningnan ko ang target ko nang maigi. Tila nagzoom in ang paligid ko dahil ang tanging nakikita ko lang ay ang sentro ng shooting board. Sunod-sunod ko itong pinaputok. Napapikit na lang ako pagkatapos. Shit. Sana natamaan ko. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Oh my God. Nagawa ko!

"Nice job, Ms. Felina. This is your badge of shooting." Pumapalakpak na sabi ni Ms. Dianna. Ang badge naman na ito ay may simbolo na baril. "I didn't know that you learn so fast. I have a question, do you have the same ability as mine?"

"Hindi po. Bakit naman po ninyo natanong?"

"Because I saw your eyes." Ibig sabihin, nagawa ko din ang ginawa ni Ms. Dianna kanina? Paano? "Kung ganoon, what is your advanced ability?"

"Intelligence po." She paused for a while and smiled.

"No wonder. Hindi mo pa siguro alam ang kayang gawin ng ability mo na 'yan. Anyway, continue practicing. Good luck." Then she left me with curiosity. Ano pa nga ba ang kayang gawin ng abilidad ko?

"Ms. Nevida? Come with me." Sabi ni Ms. Mendes, yung secretary. Sinundo din namin sina Aegeus, Harley at Jack.

Umakyat kami sa second floor at pumasok sa isang pamilyar na opisina. Ang opisina ni Mr. Denzel. Ngayon ko na lang siya ulit makikita.

"Good morning, Mr. Denzel." Bati namin.

"Oh hi, long time no see. Have a seat." Umupo kami willingly. Hindi niya kasi ginamit ang ability niya ngayon. Si Ms. Mendes naman, tumayo sa gilid niya. "Kaya ko ngayon pinatawag dahil gusto kong buuin kayo as a group."

"What do you mean?" Tanong ni Aegeus.

"As I can see, you're a perfect team. Si Ms. Harley Joe na isang technopath ay ang hacker at gatherer niyo. Which means, siya ang bahala sa panghahack at informations na kailangan niyo. Pati buhay niyo, sakaniya din nakasalalay. Si Mr. Aegeus Reyes naman ay ang magsisilbing manipulator. You know, hindi lang mind reading ang kaya mong gawin. Kakambal ng mind reading ang mind control. Always remember that. Mr. Jack Pascual, having the duplication ability is perfect for spying at ikaw, Ms. Felina Nevida, malaki ang gampanin mo dahil sa iyong intelligence ability." Tiningnan ko ang mga kasama ko. Katulad ko, nalilito din si Harley pero hatalang naeexcite. While Aegeus and Jack, wala silang reaksyon. Parang inaasahan na nila ito. Ang hindi ko inaasahan ay ang pagpasok ng isang matangkad na lalaki. Siya na naman?! Wag mong sabihing?

"And of course, sa bawat team, may master na makakasama." Napasapo ako sa aking noo. Kung mamalasin nga naman, makakasama ko pa ang ungas na ito. Dahil sa ginawa kong iyon, napatingin siya sakin. Geez. His blue eyes are hypnotizing me.

"Meet Mr. Earl Tilden. The last member of your team. From now on, mahihiwalay na kayo sa iba. It is because you will be a Special Force."

A/N: Another update kaso wala na pong nagbabasa nito huhuhuhu 😭 Ang chakit nemen. 💔






CODE: 005 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon