Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag pagkagising mo, bubungad sayo ang isang napakagandang view at sariwang hangin.
"This is what I like. Free from stress and free from problems."
*ding dong*
Mukhang alam ko na kung sino ito. And yeah, its Harley na may dalang breakfast.
"Good morning! Breakfast for us!" She said and bumeso sa akin. Agad agad naman siyang dumiretso sa mini living room.
"Bakit di ka na lang sa kwarto mo nag-almusal? Nag-abala ka pa. Pwede naman akong mag-order sa staff."
"Sus, ito naman. Don't you want to eat with me?"
"Hin-"
"Then this is fine. Let's eat na." Pagputol niya sa sasabihin ko.
Habang tahimik kaming kumakain ay bigla siyang nagsalita.
"So what's the plan for later?" Nagkibit balikat na lang ako dahil di ko naman alam kung anong magandang gawin. Not that boring dito sa beach pero sa sobrang dami ng pwedeng gawin, malilito ka na lang talaga.
Napagawi ako sa aking harap at nakita ang isang painting ng coral reef. Aha!
"Snorkelling?" Suggest ko sakaniya.
"Yes! That's great! I'm sure marami tayong makikitang magagandang corals and fishes sa ilalim ng dagat. I'm so excited na!" Halata nga eh.
"So we're set na. I will message Aegeus para alam niya kung anong gagawin natin later." After I said that, biglang nagblush ang loka. Mukhang may something na sa kanila. Umamin na siguro si Aegeus.
Pagkatapos namin kumain ay nagpunta na ulit si Harley sa room niya para magpalit. Ganoon din ako. Saktong pagkalabas ko naman ng kwarto ay siyang paglabas din ni Jack from his room.
"Hey." Cold niyang bati.
"Good morning." Pagbati ko naman.
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ang hirap talagang makihalubilo dito.
"Wanna join later?"/"What's your plan for later?" Sabay naming sambit. Tapos katahimikan ulit. I decided na ako na lang ang magsalita dahil yung sasabihin ko naman ay sagot sa tanong niya.
"Magsnosnorkel kami mamaya. Baka gusto mong sumama." He raised his eyebrow na parang nagdedesisyon pa.
"Okay." He said at umalis na. Ako naman, sinundo sina Aegeus at Harley.
Magkatabi sila ngayon. Based on my analysis, nakaaminan na sila ng feelings for each other. Napangiti na lang ako. Did I just became a match-maker?
Dahil sa advanced ability ni Aegeus, sinamaan niya ako ng tingin pagkasabi ko nun. Totoo naman 'no. Duh~
"Good morning, Master." Sabay naming pagbati kay Master Earl.
"Good morning din."
"Ay, magsnosnorkel kami mamaya. Gusto mong sumama?" Aya ni Aegeus sakaniya.
"Why do I need to join?" I rolled my eyes at him. Edi wag kang sumama. May pumipilit ba sayo?
Siniko ako ni Aegeus kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Fuck that advanced ability.
Naalala ko nga pala sa nabasa ko, pwede kong iblock ang ability ni Aegeus sa akin for 1 day para di niya mabasa ang isip ko. I forgot. Agad ko iyon ginawa dahil nakakainis na si Aegeus. Abuso sa power, hmp.
"Because according to Felina, Jack will also join us and sayang naman if di ka sasama. You know? Bonding? Making memories not from our missions?" Harley answered.
BINABASA MO ANG
CODE: 005 (On Going)
FantasyFelina who has a good memory was kidnapped and brought to a secret organization. What will happen to her? Read and see it for yourself. NOT JUST YOUR ORDINARY SPY Highest ranking: #46 in sciencefiction, #105 in magic and #373 in fantasy ALL RIGHTS R...