Chapter 18: One on One

107 11 1
                                    

Nandito kami ngayon sa training room para sa pag-eensayo namin. Aaminin kong hindi pa kami ganoon kagagaling dahil hindi pa naman kami napapasabak sa totoong labanan. Except me kasi nakalaban ko na si Mr. Forte. We know how to fight and defend ourselves and we also know how to use our weapons but they are just the basic skills.

The mere fact that this mission is bigger than the previous one is an enough reason of our sudden training. Drug lords ang mga kaharap namin. Meaning, more danger.

"One on one training tayo ngayon, Agents. Di ako sasali para sakto kayo. I will serve as the judge for now." Pinabunot niya kami ng mga colored strip of papers. Ang makakapareha naming kulay ng papel ay ang siyang makakalaban namin. Kulay dilaw ang nakuha ko ganun din si Aegeus. Samantalang kulay pula naman ang kina Harley at Jack. Ibig sabihin, si Aegeus ang makaka-one on one ko.

Ngisi lamang ang makikita sa aming mga mukha. Tila sabik na makipagtuos sa isa't-isa. Ngayon ko lang siya makakalaban. Malakas siya kaya mas may thrill. Oooh, exciting. Tumapat ako sakaniya habang hawak-hawak ang aking twin guns.

"Ano ba yan, madadalian ata ako nito eh." Pang-aasar niya. Still, the annoying Aegeus.

"Wag kang pasigurado dyan." Nagsilbing queue ang sinabi ko dahil umatake agad siya sa akin. Dagger ang gamit niya ngayon dahil panglong range attack ang kaniyang main weapon. Gumulong ako patalikod at pinatid siya ngunit nakabalanse agad siya at nakatayo.

This time, ako naman ang sumugod sakaniya. Habang naglalakad papalapit sakaniya ay sunod-sunod na putok ang ginagawa ko pero iniilagan niya lamang ito.

Mabilis siyang sumugod sa akin ngunit nahawakan ko ang kamay niya na may hawak na dagger at malakas siyang sinipa, dahilan ng pagtalsik niya sa pader. Kung tutuusin, mas may advantage talaga ang weapon ko dahil medyo panglong range attack din ito. But I need to fight fair and square.

Nakatayo na pala si Aegeus at binato sa akin ang dagger niya. Hindi na ako nakaiwas dahil masyadong matulin ang kilos nito. Fvck! Natamaan ako. Agad kong pinunit ang tela ng aking damit at ipinantapal ito sa aking sugat. First aid kit para mapigilan ang tuloy-tuloy na pag-agos ng aking dugo.

Hindi ko ininda ang sakit na aking nararamdaman at sumugod kay Aegeus. Tumalon ako at sumampa sa balikat niya. Gamit ang aking paa ay malakas ko siyang binalibag habang nagbabackflip. Kaya ayun, nakadapa na lamang si Aegeus sa sahig. Kita ang sakit sa kaniyang mga mukha. Ha! Tama lang yan 'no. Sinugatan niya kaya ako.

Akmang kukunin niya pa sana ang dagger na nasa tagiliran niya kaya dinaganan ko siya sa kaniyang likod at pinilipit patalikod ang gumagalaw niyang kamay.

"ARAY!" Pamimilipit niya sa sakit.

Binunot ko ang aking baril at itinutok sa kaniyang batok. Iputok ko kaya ito para quits na tayo?

"Wag, Felina! Papatayin mo ako niyan eh!" Oo nga pala, nakababasa nga pala siya ng isip. Imbis na sa batok ay pinadaplis ko na lamang ang bala sa kaniyang braso. Siyempre di ko pwedeng iputok talaga ang baril sa braso niya. Kakailanganin pa ng operasyon para matanggal ito.

"Ayan, quits na tayo." Tumayo ako nang may ngisi sa aking labi. Parang bata namang pumapalakpak si Harley samantalang wala namang emosyon sina Jack at Master Earl.

"Ang galing mo, Felina! Favorite ko yung nagbackflip ka!" Pagpupuri ni Harley. "Kaso nasugatan ka."

"Salamat. Ano ka ba! Parang kagat lang ito ng langgam." Kahit na ang totoo ay para itong kagat ng leon.

"Hoy! Tulungan niyo naman ako dito! Nagchichismisan pa kayo eh." Natawa na lang kami dahil nakalimutan pala namin si Aegeus na may tama rin. Inalalayan namin siyang tumayo ni Harley. Ang bigat naman neto.

"Ang bigat mo naman! Ano bang kinakain mo?!" Pagrereklamo ni Harley.

"Kami na diyan. Agent Harley samahan mo si Agent Felina sa clinic. May sugat din siya." Sabi ni Master Earl habang inaalalayan nilang dalawa ni Jack si Aegeus.

Sinunod namin ang utos ni Master Earl. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa akin. Medyo nanghihina na rin ako.

"Namumutla ka na, Felina. Alalayan na kita."

"Ayos lang ako. Malapit na naman tayo." Kailangan pa naming umakyat para makarating sa clinic kaso parang inuubos na ang dugo ko sa katawan. Hinang hina na talaga ako. Ayoko lang mabigatan si Harley sa akin.

"Sigurado ka ba?" Ngiti na lamang ang sinagot ko sakaniya.

Habang naglalakad kami ay umiikot ikot na ang aking paligid. Shit. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Iniling-iling ko na lamang ang aking ulo. Saglit nawala ang pagkahilo ko pero bumalik din ito agad. This time, na-out of balance na ako.

"Felina! Omg! Help!" Pagpapanic ni Harley. Sa sobrang hina ko, hindi na ako makapagsalita at makagalaw. Kaya hindi ko masabi kay Harley na wag magpanic. Nanghihina lang ako pero di pa ako mamamatay. "HELP!"

Isang malabong imahe ng lalaki ang nag-appear sa aking paningin. Hindi ko siya makilala. Umiikot pa rin kasi ang paligid ko.

"Ako na dito, Agent Harley. Mauna ka na sa clinic at sabihan mo na ang doctor doon." Nakilala ko na ang lalaking ito dahil sa kaniyang boses. Ramdam ko ang maskulado niyang bisig na bumubuhat sa akin.

Master Earl...

Atsaka nagdilim ang lahat.

Idinilat ko ang aking mga mata at bumungad sakin ang puting kisame ng clinic na ito.

"Gising ka na pala." Nilingon ko ang lalaking nagsalita. Prente siyang nakaupo habang nagbabasa ng libro.

"N-nasaan si Harley? Bakit ikaw ang nandito Master Earl? At nasaan ang doctor?"

"Pinuntahan ni Harley si Aegeus sa kabilang clinic. May emergency ang doctor kaya wala siya dito." Simple niyang sagot. Tiningnan ko ang sugat ko. Naghilom na ito. Kung wala ang doctor, sino ang may gawa nito?

"Sino ang nagpagaling sakin?"

"Ako." Oo nga pala, kaya niyang magpaggaling. Pero bakit hindi niya na lang kami ginamot kanina? "Kung nagtataka ka kung bakit pinapunta ko pa kayo sa clinic at hindi na lang pinagaling, ay dahil iyon sa hindi ko maaaring gamitin ang lakas ko sa panggagamot. Nanghihina ako kapag ginagawa ko ito depende sa kung ilang tao ang pinagaling ko." May kahinaan din pala ang kapangyarihan niya. Ang saklap naman 'non.

"Tutal magaling ka na, maiwan na kita dito. Kung gusto mo pang matulog ay malaya kang makakahiga diyan sa kama."

"Master Earl!" Pigil ko sa akma niyang paglabas. Nilingon niya naman ako na tila naghihintay ng aking sasabihin. "Thank you."

"You're welcome. Ginagawa ko lang ang tungkulin ko bilang Master niyo." Napangiti na lang ako sa mga katagang binitiwan niya. Pagkasabi niya noon ay tuluyan na siyang lumabas.

A/N: Kinilig ba kayoooo? Hahahaha #FEarl FTW!








CODE: 005 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon