Chapter 35: Who are the leaders? Part 2

76 4 3
                                    

Tiningnan ko ang mga kasama ko na busy din na nakikipaglaban. Si Master Earl ay katapat si Master Usher. Si Jack, kay Armando. Si Harley, kay Anne at Si Aegeus naman ay kay Hannah. Wala pang nababawasan ng buhay.

Nabalik ako sa ulirat nang kamuntikan na akong kagatin ng ahas na ito. Felina, focus.

Buong lakas ko siyang hinatak paalis sa aking katawan at ibinato. Sabay kuha ng aking baril para patamaan siya. Saktong hindi siya nakagalaw kaya't nabawasan ko ang life points niya. 28 na lang.

Muli na naman siyang nagpalit ng anyo pero this time, nagconcentrate na ako habang tinitingnan siya para maadapt ko ang advanced ability niya. Kanina pa siya nagpapapalit-palit pero ngayon ko lang 'to naisipan. Di kasi ako nakafocus.

A cheetah appeared na mabilis na nagpaikot-ikot sa stage. Binunot ko naman ang isa ko pang baril at sabay na pinaputok ito patungo sakaniya. Pero dahil mabilis siya, di ko siya natatamaan.

Agad akong nagpalit ng target. Pinaputukan ko yung Hannah na siyang ikinabawas ng kaniyang life points. 26 ka na lang bruh.

She glared at me. Akmang gagantihan niya din ako pero di niya na nagawa dahil nahatak na siya ni Aegeus. However, I was wrong when I felt something hit me. 28 points na lang ang life points ko.

Hoy mag-ingat ka nga.

Sabi ng isang tinig sa aking isip. Ah, so kaya niya na rin palang makipagcommunicate through our minds.

Nagsalita ang meron na lang na 24 life points.

When I looked up, I saw Master Usher smirking at me while holding his gun. Ganyanan pala ah. I immediately shift as a mosquito. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko. This is where the real game begins.

Third Person

Kasalukuyang bawas na ang life points ng bawat isa.

Master Earl - 28
Felina - 28
Jack - 28
Aegeus - 24
Harley - 23

Master Usher - 28
Kim - 28
Armando - 26
Hannah - 26
Anne - 22

Kung kanina'y may sari-sarili silang katapat, ngayon naman ay nagsama sama na ang bawat pangkat para pairalin ang kanilang team work.

Nagkaroon ng isang higanteng toro na kasalukuyang hinahabol sina Master Earl.

"Maghiwa-hiwalay tayo!" Sambit ni Master Earl.

Si Felina na kasalukuyang isang lamok ay pilit hinahabol ni Anne gamit ang raketa nitong may kuryente. Kaya napagdesisyunan nitong maging butiki at mabilis na gumapang paakyat sa elepante. Mabilis siyang bumalik sa dati at pinaputukan nang sunod-sunod ang elepante. Umungol ito at akmang babagsak na kaya tumalon agad siya paalis dito.

20 points na lamang ang mayroon kay kim. Siya din ay medyo nanghihina na dahil nararamdaman niya na ang sakit.

"Kim!" Wika ni Anne. "Kaya mo pa ba?"

"O-oo. Kaya ko pa. Tara na." Ngunit imbis na umalis ay saglit na huminto si Anne at pansin ng lahat na unti unting nagbabago ang paligid.

"Fuck, pigilan niyo siya!" Sigaw ni Aegeus pero nahuli na sila.

Felina

Biglang nagbago ang paligid. Hindi ko na makita yung mga kagrupo at kalaban ko. Alam ko namang ilusyon lang 'to. Kailangan kong makalabas.

Nandito ako ngayon sa bahay namin. Teka, alam niya kung saan ang bahay namin?

Naglakad lakad ako sa loob hanggang sa makarating ako sa pool area. May nakita akong dalawang bata na naglalaro. Isang babae at isang lalaki.
Ako ang batang babae pero hindi ko kilala yung lalaki. However, somehow familiar siya sakin.

CODE: 005 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon