Chapter 12: First Mission

120 11 1
                                    

"Sige, una na ako. May kailangan pa kasi akong gawin eh."

"Sige, Felina. Kita na lang tayo bukas." Matapos sabihin iyon ni Harley ay iniwan ko na sila at tumungo sa special training room. Ang sukat nito ay sakto para sa aming pag-eensayo. Mayroon itong puting pader at mga gamit pang training.

Simula nang maging agents kami, wala na kaming ginawa kundi ang magpalakas at gumaling sa pageespiya. Kaya kahit paano ay masasabi kong gumaling ako sa paggamit ng twin guns ko. Pati sa pakikipaglaban ay gumaling din ako. Kapag naiistress o nababagot ako, lagi akong pumupunta dito sa training room. Parang ang sarap sa pakiramdam kapag ginagamit ko ang weapon ko. Hindi ko din alam kung bakit pero ang alam ko lang, nag-eenjoy ako.

Pinindot ko ang manipulator at sinet ang difficulty sa pinakamahirap. Biglang dumilim ang buong kwarto. I really need to concentrate dahil presensya lang ng target ko ang tanging alas sa ganitong laban.

Binunot ko ang ang twin guns at nakiramdam. Maya maya, nakaramdam ako ng presensya mula sa malayo. Pinaputukan ko kaagad iyon ng baril kahit hindi ko nakikita. Bahala na kung natamaan ko man o hindi.

Mabilis kong pinaputok ang aking baril sa gilid dahil alam kong nandito ang isa sa mga targets ko. Kada may target akong nararamdaman, ay binabaril ko. Saglit na nagkaroon ng katahimikan. But we all know that sometimes, silence means danger. And I'm right. Narinig ko ang sunod-sunod na tunog sa likod ko kaya sunod-sunod ko ding pinaputukan ang mga ito. Hingal na hingal na ako at lumalabo na din ang mata ko dahil ang hirap makakita.

*beeeeeeeep*

Nagbeep na ang manipulator na siyang palatandaan na tapos na ang oras ko. Pagkabukas ng ilaw, namangha ako sa sarili ko. Lahat ng mga human standees na ginamit kanina ay natamaan ko. I guess, my senses are improving.

Aalis na sana ako kaso hindi inaasahang lalaki ang nakita ko na prenteng nakasandal sa gilid ng pinto. Tila tapos nang manood sa isang palabas.

"K-kanina ka pa ba dyan?" Shit. Nauutal ako. Paano ba naman kasi? Nanakaintimidate yung expression niya.

"Not really but I watched you." Simpleng sagot niya. Wala man lang ekspresyon.

"Okay. Magtetraining ka ba? Ikaw na lang ang bahala dito, ah? Mauuna na ako." Pero bago pa ako tulyang makalabas, nagsalita muli siya.

"You did a very nice job over there."

"Thanks, Jack." At umalis na ako. Ano kayang nakain 'nun at kinausap ako? I find it weird when he talks. Masyado kasi siyang tahimik.

Dumiretso ako sa kwarto at humiga. Napagod ako doon, ah. But at least I already have a huge improvement. Sa buong training namin, madali ko lang natutunan ang mga bagay-bagay. Kung paano gamitin 'to, kung saan ka dapat magfocus, kung anong strategy ang dapat mong gamitin at kung anu-ano pa. Pero sa tingin ko, hindi lang dahil sa ability ko kung bakit ako madaling matuto. Siguro ay dahil masaya rin ako sa pananatili ko dito. Masaya ako sa pagiging spy. I think this will become my passion unexpectedly.

"Agent Felina, Ms. Tanya needs you. Please proceed to her office immediately." Sabi ng babae sa command activator. Nag-ayos agad ako at pumunta sa office ni Master Tanya sa second floor. Pagkadating ko doon ay nadatnan ko din ang ibang miyembro ng grupo.

"Anong meron?" Tanong ko kay Harley pero mukhang siya ay hindi din alam ang sagot sa tanong ko.

"I gathered you here because I have an important announcement. Agents, you will now have your first mission. This is Vallegas' Entertainment Industry. But this is not just an ordinary company. Lahat ng mga aspiring artists na nag-aapply dito ay nagiging miserable ng buhay. Ang akala nilang way para matupad ang pangarap nila ay isang kasinungalingan. Ayon sa research namin, puro babae lang ang tinatanggap nila dito. At ang mga babaeng ito ay nauuwi bilang mga prostitutes ng mga mayayamang tao." May kinuha si Master Tanya na litrato sa ilalim ng desk niya.

"This is Min Lee. She was raped and killed 5 years ago and she was also an aspiring actress applied in V.E.I. Nagkaroon ng trial tungkol sa kaso niya pero hindi guilty ang suspect dahil na din sa mayaman ito at kayang manuhol ng tao. What I want you to do is to accomplish this mission. Maghanap kayo ng mga impormasyon na makapagpapatumba sa kumpayang iyon. Kailangang matigil lahat ng madudumi nilang ginagawa. After gathering enough informations, bumalik kayo dito para maprocess ang kaso. Understand?"

"Yes, Master." We said in chorus.

"Tomorrow, lalabas na kayo dito para isagawa ang task niyo. You may now go and prepare your things."

Sabay sabay kaming lumabas ng opisina niya. Hindi na kami nagpaalam sa isa't isa dahil hindi naman nakikipag-usap yung dalawang lalaki na sina Master Earl at Jack sa amin. Kami nila Aegeus at Harley ay magkasama. Papunta kasi kami sa third floor.

"May mga ganoon palang Entertainment industry?"

"Siyempre, Harley. Hindi mawawala ang mga ganoong kumpanya na may mga gahaman na may-ari. Basta pera ang usapan, wala silang pakialam kahit na makapatay man sila." Tama si Aegeus. Walang mga awa ang mga sakim na tao. Ang mahalaga lang sakanila ay makuha ang gusto nila kaya kahit na maraming maagrabyado, hindi pa din sila patitinag.

"Kaya kailangan talaga nating magtagumpay sa first mission natin." Nag-agree naman sila sa sinabi ko.

"Oo nga pala, saan ka nagpunta kanina?" Tanong ni Aegeus sakin.

"Tsismoso ka din 'no? Galing akong training room kanina."

"Mukhang seryoso ka talaga sa pagii-spy ah? Napapadalas ang pagpunta mo sa kwarto na 'yun."

"Wala naman kasing magawang iba dito. Ni hindi ko nga masilayan ang labas eh. Atsaka kailangan nating mas magpalakas lalo na't mga buhay ang ililigtas natin."

"Bukas makikita mo na ulit ang labas kaya huwag kang masyadong magpakapagod. Baka pagdating mismo ng labanan, manghina ka. Magpahinga ka din minsan." May punto si Aegeus.

Ilang araw na din akong walang pahingang matagal. Kailangan ko na nga sigurong magpahinga para makagalaw at makapag-isip nang maayos. May tatapusin pa kaming misyon at hindi kami pwedeng pumalpak.

A/N: Another update! Sorry kung matagal ako mag-update. Hihi. Vote and comment!

CODE: 005 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon