Chapter 39: Recovering memories

51 3 2
                                    

Hindi ko alam kung nasaan ako. May nakikita akong bahay and although familiar, I can't really remember anything about it.

"Mom, I want your advanced ability. 'Yung akin kasi, parang walang ginagawa." Napalingon ako sa nagsalita. And near me, I saw my mom and myself--my younger self.

"Anak, alam mo ba na ang advanced ability mo ay mas maganda kaysa ng sa akin? It will take time but it will be worth it." My mom explained.

"Gusto ko po maging katulad ninyo. Gusto ko pong maging spy."

"Of course, magiging spy ka just like us. Baka nga mas magaling ka pa samin, eh. You just have to train."

Bigla na lang nagbago ang paligid. Napunta ako sa isang malaking room na sa tingin ko ay isang training room dahil nakikita ko ang aking sarili na may kasamang dalawang bata at isang trainer. Kilalang-kilala ko ang batang babae na kasama ko. Siya ang pinsan kong si Becca. However, hindi ko kilala ang batang lalaki na kasama namin. Ngayon ko lang siya nakita.

"Aray naman, Becca! Saktohan mo lang lakas mo. Masyado kang seryoso, eh." Reklamo ng batang lalaki.

"Kasalanan ko bang magaling talaga ako?" Pagsusungit naman ni Becca.

"Tama na nga 'yan! Baka mag-away pa kayo, eh." Pagsaway naman ng younger self ko sa kanila. "Trainer, tapos na po ba tayo?"

"Yes, Felina. Guys, remember to study and practice, okay? Let's have our session next week." Sabi ng trainer atsaka umalis.

Muling nagbago ang paligid. Muli ko ring nakita ang aking batang sarili kasama nina Becca pero this time, naglalaro kami sa isang field. Masaya kaming naghahabulan nang biglang may paparating na aso. Dahil sa gulat, lahat kami ay tumakbo pero sa magkaibang direksyon. Si Becca ay nahiwalay at kami lamang ng batang lalaki ang magkasama. Sila lang ring dalawa ang hinabol ng aso hanggang sa napagod na silang tumakbo.

"Natatakot ako..." Sabi ng batang ako habang nakakapit sa braso ng batang lalaki.

"Don't worry. 'Di kita papabayaan." Sakto namang may nakuha siyang stick na iwinasiwas niya sa harapan ng aso para takutin ito. Pero parang walang epekto kaya't kumuha siya ng bato at ibinibagsak niya ito sa lupa para takutin ang aso. Mukha namang natakot na ang aso dahil tumakbo ito.

"Yey! Thank you!" Masayang sabi ko.

"Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng pangalan ko?" Bigla niyang tanong.

"Ano?"

"My name means 'protector'. I will be your protector. Kaya kapag nasa danger ka, sigaw mo lang ang pangalan ko. Tapos dadating na ako." Dahil sa narinig, napangiti ang batang ako. Pagkatapos ay umalis na rin sila para hanapin ang nahiwalay na si Becca.

Bigla ulit nagbago ang lugar na kung nasaan ako. I can see my family, my younger self, Becca, the young boy I saw earlier, and another family. Kung tama ang iniisip ko, mukhang sila ang pamilya ng batang lalaki. Nasa labas sila at inilalagay ang baggage nila sa loob ng kanilang kotse. Tila magtatravel sila for vacation pero kung titingnan ang pag-iyak naming magpinsan, mukhang magmamigrate itong pamilyang ito. And this is the same scene na ipinakita sa akin ni Agent Anne noon.

"Felina, wag ka nang umiyak diyan. Pangit ka na nga, mas papangit ka pa." Sabi ng lalaki.

"H-hindi..'no...M-magan...da ako." Pahikbi namang sabi ng batang Felina.

"Magkikita pa naman tayo eh. Atsaka diba, lagi kong sinasabi sayo na tawagin mo lang ako, dadating ako. Kasi nga..?"

"Ikaw...ang p-protector ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CODE: 005 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon