10

2.1K 90 6
                                        

(Hoshi's)

Maaga akong nagising ngayon dahil maaga ring pinatay ni mama yung wifi kagabi kaya maaga akong nakatulog. Sayang! Ka-chat ko pa naman si Woozi.

"Oh anak, kumain ka muna bago ka pumasok sa school." Sabi ni mama pero umiling lang ako.

"Di na po ma." Sagot ko sakanya pagkatapos ay nagmadali na akong lumabas ng bahay.

At sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nakita ko sa di kalayuan si Woozi na naglalakad mag-isa at may hawak na libro habang may nakapasak pang earphone sa tenga niya.

Kapag sinu-swerte ka nga naman oh, buti nalang pala maaga akong nagising ngayon.

Tumayo lang muna ako sa harap ng gate namin at hinintay ko siyang dumaan sa harap ko.

"Good morning pres!" Bati ko agad sakanya nang nakangiti pero mukhang hindi niya yata ako narinig kaya nilapitan ko na siya at inakbayan.

Napahinto naman siya sa paglalakad at tinignan niya agad ako ng masama pagkatapos ay tinanggal niya yung kamay ko sa balikat niya.

"Ang aga mong mambwisit." Sabi niya pagkatapos ay inirapan pa ako.

Ngumiti nalang ako pagkatapos ay kinuha ko yung isang pares ng earphone niya at pinasak ko din ito sa tenga ko.

"Aba, kingina nito ah." Sabi niya at kukunin niya sana ulit ito pabalik pero tinapik ko yung kamay niyang cute.

"Kaya ka di nagiging kasing tangkad ni Mingyu e, ang damot mo kasi." Sabi ko sakanya kaya tinignan niya nanaman ako ng masama.

"Tss. Anong konek?" Tanong niya pagkatapos ay tumuloy na ulit siya sa paglalakad kaya sinabayan ko na siya.

"Search mo sa google." Sagot ko sakanya habang nagtatawa.

"Tangina mo."

Natahimik bigla naman kaming dalawa. Hindi naman sa awkward ako sakanya pero kasi speechless lang talaga ako dahil nakasabay ko siya ngayong umaga. Antagal ko na rin kasi siyang inaabangan na dumaan sa harap ng bahay namin pati nga minsan pag-uwi niya inaabangan ko rin e kaso hindi ko siya ma-tyempuhan.

"Bat pala ang aga mong pumasok ngayon?" Tanong niya bigla kaya nabasag na ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Ayaw mo?" Tanong ko pabalik sakanya.

"Ayoko talaga." Sagot niya kaya sinimangutan ko siya. "Wag kang mag-pout gago, nagmumukha kang bibe."

"Okay lang, mukha naman talaga akong bibe e. Bibe-hag ng puso mo." Sabi ko sakanya kaya nahampas tuloy ako ng libro sa mukha. Aray ko po! TuT

"Tangina tumigil ka na. Kinikilabutan ako sayo!" Sabi niya sakin. Sus! Kunyari pa 'tong pandak na 'to e ngumiti din naman. Akala niya siguro di ko nakita yon.

At hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami school. Dumaan muna kami sa SVT Club Office dahil may iche-check pa daw na ka-ekekan si Woozi.

Umupo lang ako sa isang tabi at hinintay siyang matapos.

"Ano pang ginagawa mo dito? Pumasok ka na sa classroom." Sabi niya kaya napakunot-noo ako.

"E ikaw? Hindi ka papasok?" Tanong ko sakanya kaya tumango naman siya.

"Baka after lunch nalang ako pumasok. Andami pa kasing aayusin dito pati kailangan ko pang ayusin yung approval letter para payagan tayong gamitin yung studio para makapag-rehearse na tayo. Malapit na rin kasi yung event." Sabi niya habang ako nakatitig lang sakanya.

Tss. Eto nanaman siya sa pagiging presidente niya.

"Okay, edi hindi nalang din ako papasok para tulungan ka." Sabi ko kaya napatingin siya sakin ng nakakunot-noo.

"Di na, okay lang ako." Sabi niya pagkatapos ay binalik niya ulit sa ginagawa niya yung atensyon niya.

"Tutulungan na nga kita e. Arte neto." Sabi ko kaya tinignan niya nanaman ako ng masama.

"Tutulong ha, hindi manggugulo!" Sabi niya.

Kingina din nitong pandak na 'to e. Sarap itapon sa labas minsan.

"Opo pres!" Sagot ko sakanya pagkatapos ay kinuha ko yung isang laptop niya at sinimulan ko nang gawin yung mga trabaho niya.

Saktong lunch na ng matapos kami. Mabilis lang naman kaming natapos dahil paperworks lang naman siya.

"Halika na, kumain na tayo." Aya ko kay Woozi at agad naman siyang tumayo. "Libre mo 'ko ha."

"Patay gutom ampota." Sabi niya pagkatapos ay nauna na siyang lumabas ng office.

"OKAY NANG PATAY GUTOM ATLEAST POGI!" Sigaw ko sakanya pagkatapos sinusundan ko na rin siya.

---

rule #5 • soonhoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon