61

1.4K 63 57
                                    

(Hoshi's)

"Kuya, dito na lang po."

Pagkabayad ko ng taxi na sinakyan ko ay agad na akong tumakbo papunta sa restaurant na sinasabi ni Mingyu at totoo ngang nakahilata na kung saan saang parte ng restaurant na ito yung iba.

"Oh! Andito na pala si Hoshi." Sabi ni Mingyu nang makita niya ako habang nasa lap niya yung ulo ni Wonwoo na sarap na sarap ang tulog.

"Buti naman dumating ka na." Napatingin naman ako sa nagsalita na si Jun habang inaayos niya yung pwesto ni Minghao, nakasubsob na kasi yung ulo nito sa lamesa.

"Pagka-uwi kasi nung mga taga-music department nagyaya na silang uminom e hindi naman pala nila kaya." Sabi naman ni Vernon habang umiiling-iling pa na nakatingin sa natutulog na si Seungkwan.

"Iuwi mo si Jihoon ah." Sabi ni Joshua hyung habang hinihila niya si Seokmin palabas sa ilalim ng lamesa.

Napatingin naman ako sa gawi ni Jihoon na nakasandal ang ulo sa balikat ni Jeonghan hyung.

"Aigoo! Dapat pala sumama na lang ako para di ka nakapaglasing ng ganyan." Sabi ko sa natutulog na si Jihoon habang hinuhubad ko yung suot niyang jacket dahil pawis na pawis na siya.

"Naku hyung! Sobrang makalaklak yang si Jihoon hyung." Sabi ni Vernon habang umiiling-iling pa.

Maya-maya lang ay dumating na si Coups na mukhang kagagaling din sa takbuhan.

Lumapit siya sakin at tinignan ako saglit bago niya tinuon ang tingin niya kay Jihoon.

"Ako na mag-uuwi sakanya." Sabi niya habang nakatingin kay Woozi kaya nag-init nanaman ang ulo ko bigla.

Bubuhatin na niya sana si Jihoon pero pinigilan ko yung kamay niya.

"Ako na mag-uuwi sakanya, hyung." Kalmado kong sabi pero sa totoo lang inis na inis na ako sa mga biglaang eksena niya.

At muli ay naramdaman ko nanaman ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Napatingin ako sa kila Mingyu na nanahimik at pasimpleng humingi ng tulong para sabihan 'tong Coups na 'to na wag nang umepal at laking tuwa ko nang ma-gets nila agad.

"Oy Seungcheol!" Tawag sakanya ni Joshua hyung kaya agad siyang lumingon. "Bat di mo kaya iuwi si Jeonghan?"

Nanlaki naman yung mga mata niya ng makita niya si Jeonghan hyung sa tabi ni Woozi. Seriously? Hindi niya ba talaga nakita si Jeonghan hyung?

"At tsaka hayaan mo na si Hoshi hyung! Pareho naman sila ng daan pero ikaw mapapalayo ka pa kapag hinatid mo si Jihoon hyung." Pagsesegundo agad ni Mingyu kaya pasimple ko siyang binigyan ng thumbs up.

Salamat boi!

Wala nang nagawa si Coups hyung kundi hayaan na ako na ang mag-uwi sa pinakamamahal kong si Jihoon kaya agad ko na siyang ipinasan sa likod ko.

"Ingatan mo siya ah." Bilin pa sakin ni Coups nung palabas na kami ng restaurant.

Kahit hindi mo sabihin yan Coups iingatan ko talaga siya dahil hindi ako kagaya mo!

"Iuwi mo na rin si Jeonghan hyung." Sagot ko sakanya kaya tumango nalang siya.

Nauna na kaming lumabas ni Jihoon dahil sa ibang daan din naman sila pupunta kaya hindi ko na sila hinintay.

Hays! Buti na lang pala hindi na uminom si Dino kasi sinong mag-uuwi sakanya kung sakali pero sabagay di naman nila papainumin yun dahil isa pa siyang baby.

Nung makakita na ako ng taxi ay pinara ko na ito agad at isinakay ko agad si Jihoon na wala pa ring malay dahil sa kalasingan.

Itinuro ko agad kay manong driver yung address ni Jihoon at mabilis naman ang byahe namin pero pagkarating namin dun ay nakalock yung pinto ng bahay niya.

Ang malas naman!

"Jihoon, asan yung susi ng bahay mo?"

Sinubukan kong kausapin si Woozi habang niyuyugyog ko pa siya pero wala talaga kaya wala na tuloy akong choice kundi iuwi siya sa bahay.

Pinasan ko ulit siya sa likod ko at naglakad na lang kami papunta sa bahay. Medyo mabigat siya pero mas mabigat pa rin si Seungkwan!

Maya-maya ay bigla nalang siyang gumalaw-galaw sa likod ko kaya muntikan na tuloy siyang mahulog.

"Ano ba, Woozi?! Wag ka ngang malikot!" Inis na sabi ko sakanya.

"S-sino ka?" Halos pabulong na sabi niya pero rinig ko pa rin naman.

"Ako lang naman yung taong nagmamahal sayo." Sagot ko sakanya.

Hanggang sa may maramdaman akong yumakap na siya sa leeg ko.

"C-Coups...i-kaw b-ba yan?"

Nadismsya ako sa tanong niya na halos manginig yung tuhod ko.

Masakit!

Masakit na siya nalang lagi ang hinahanap niya.

Punyeta! E ni hindi nga siya mahal nung tarantadong yun.

Umiling-iling nalang ako at hindi ko na siya pinansin hanggang sa makarating na kami sa bahay. Diniretso ko agad siya kwarto ko at tsaka ko siya hiniga sa kama ko

Kumuha muna ako ng towel at mainit na tubig pagkatapos ay lumapit ako sakanya para punasan yung katawan niya.

"Tuyong-tuyo ka na ng pawis!" Sabi ko sakanya habang hinuhubaran ko siya ng damit. Wala akong balak na masama sakanya ha!

Kumuha na rin ako ng damit ko at yon ang pinangpalit ko muna sakanya dahil amoy alak na rin yung damit niya.

Kulay pink yon na may design na pusa sa gitna. Ang cute tuloy tignan ni Woozi. HIHIHIHI :'>

"Bagay pala sayo yung damit ko e." Bulong ko habang nakangiti akong tinititigan siya.

PERO MAS BAGAY PA RIN KAMI! :)))

Pagkatapos ko siyang titigan ay naisipan ko na ring maglatag ng higaan ko lapag. Ayoko naman siyang tabihan sa kama kasi baka isipin niya na ni-rape ko siya. Mahirap na!

Papikit na sana ako at ready nang matulog nang marinig ko nanaman siyang magsalita.

"Seungcheol...ma-mahal k-kita..."

Agad akong bumangon sa pagkakahiga para tinignan siya at napabuntong-hininga nalang ako ng may makita nanaman akong umaagos na luha mula sa mata niya.

"Mas mahal kita, Woozi."

At hindi ko alam kung kelan mo ako mapapansin pero hinding-hindi ako magsasawa na ipakita at iparamdam sayo kung gano kita kamahal, kahit pa nandyan si Coups o kahit pa may rule # 5!

---

rule #5 • soonhoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon