(Hoshi's)
Nandito pa rin ako sa bahay ni Woozi ngayon at masaya kaming kumakain ng mga dinala kong pagkain- ay joke! Ako lang pala ang masaya kasi si Woozi walang ganang kumain e. Iniisip niya pa rin siguro yung kumag niyang ex na si Seungcheol na nagsha-shine like a diamond ang gilagid.
"Hoy! Di ka ba talaga kakain?" Tanong ko kay Woozi na nakapangalumbaba pa habang nakatingin lang sa kawalan.
"Hindi nga sabi." Iritang sagot niya pagkatapos ay tinanggal niya yung mga pagkaing nilagay ko sa harapan niya.
"Pansin kong pumapayat ka, kumakain ka pa ba?" Tanong ko ulit sakanya kaya tinignan na niya ako ng masama this time.
"Pake mo ba?" Sagot niya sakin kaya sinimangutan ko nalang siya. Palibhasa di mo alam na may pake talaga ako sayo, ikaw lang naman walang pake sakin e.
Hanggang sa naubos ko na yung pagkain na dala ko na dapat ay kaming dalawa ang kakain. Pabebe kasi ayaw pang kumain.
Niligpit ko muna yung pinagkainan ko at tsaka ako umupo sa harapan niya.
"Jihoon." Tawag ko sakanya kaya tumingin naman siya sakin. "May tanong ako sayo."
"Ano nanaman?"
"Bakit ang pogi ko?" Tanong ko sakanya kaya hindi ko na namalayan na may naglanding na palang unan sa mukha ko.
"Putangina mo." Sabi niya sakin pagkatapos ay binato niya nanaman yung isang unan sakin.
"Aray ko! Masakit kasi yon, very bad ka Jihoonie my loves!" Sabi ko sakanya habang hawak-hawak ko yung mukha kong binato niya ng unan ng dalawang beses.
"Tigilan mo na nga yang Jihoonie my loves na yan!" Sabi niya ng nakacross arms habang nakasimangot.
WAAAAAH! BAKIT ANG CUTE CUTE NIYA? ANG SARAP NIYANG GAWING KEYCHAIN TAPOS ISASABIT KO SIYA SA BAG KO!
"Bakit? Ang cute kaya ng Jihoonie my loves e." Sagot ko sakanya ng nakangiti.
"Tangina mo ba? Ayoko nang Jihoonie, parang katunog ng Seungkwanie at Seokminie, kadiri." Sabi niya kaya natawa nalang ako sa pagmamaktol niya.
Ang cute niya lang talaga e. Ang hirap pakalmahin ng itlog ko 'pag ganito yung mga ginagawa niya.
"Oh edi my loves nalang." Sabi ko kaya binato niya nanaman ako ng unan.
Huhuhuhu! Nakaka-strike three ka na ha. Pasalamat ka mahal kita kahit mukha kang stingray.
"Mandiri ka nga sa mga pinagsasabi mo." Sabi niya tapos inirapan pa ako.
Hays! Ano pa nga bang aasahan ko sa taong 'to na ayaw sa mga cheesy na bagay.
"Pero eto na nga yung totoong tanong ko," Bumuntong hininga muna ako bago ko itinuloy yung sasabihin ko. "Kung sakali bang may magconfess sayo ngayon at handa kang mahalin, mamahalin mo rin pabalik?"
Napaisip muna siya saglit dahil sa tanong ko pagkatapos ay umiling-iling siya.
"Hindi siguro. Diba sabi ko naman sayo na sa sobrang pagmamahal ko kay Seungcheol baka hindi ko na kayanin pang magmahal ulit." Sabi niya kaya pasimple kong hinawakan yung dibdib ko. Parang namatay yung puso ko ng di oras.
Masakit, putangina. Asa pa kasi, Hoshi!
"Oo nga pala. Hehehe" Sagot ko sakanya habang nakangiti ng peke. "Wala na ba talagang chance na mapalitan si Coups dyan sa puso mo?" Tanong ko sakanya kaya napatingin siya sakin ng nakakunot-noo.
"Bakit? May plano kang pumalit?" Tanong niya kaya para tuloy akong nasamid kahit wala naman akong kinakain pagkatapos ay nagulat nalang ako sa sumunod na ginawa niya.
Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko habang bakas sa labi niya yung ngiti ng pang-aasar.
TANGINA Y U DO DIS TO MEH JIHOONIE?!
Maya-maya ay bigla nalang siyang tumawa ng malakas. Woah! Si Woozi ba talaga 'to? Parang ngayon ko lang siya narinig tumawa ng ganito kalakas.
"Crush mo ba ako, Hoshi?" Tanong niya habang nagtatawa pa rin.
Hindi kita crush, mahal kaya kita!
"Tangina bakit mo naman natanong yan? Assuming mo ha." Sagot ko sakanya kaya bigla tuloy nagbago yung expression ng mukha niya, bumalik nanaman sa dati.
"Gago namula ka kasi! E may kinuha lang naman ako sa likod mo." Sabi niya kaya napailing nalang ako.
Muntik-muntikan na akong atakehin sa puso dun pero sayang, akala ko yun na yun e.
"Hoshi," Tumingin naman ako sakanya at ramdam ko na ang pagbabago ng atmosphere sa pagitan naming dalawa. "Sa tingin mo ba may magmamahal pa sakin?" Tanong niya habang bakas sa mga mata niya yung lungkot.
Gustong-gusto ko na tuloy sabihin sakanya na meron, meron pang magmamahal sakanya dahil andito ako.
"Deserve ko pa kayang mahalin?" Tanong niya ulit at nagulat nalang ako nang makita ko siyang umiiyak.
Mas lalo akong lumapit sakanya para punusan yung mga luhang umaagos nanaman mula sa mga mata niya.
"Bakit mo naman naisip na hindi ka deserving?" Tanong ko sakanya.
"Ang sama ko kasi! Ang sama ng ugali ko kaya niya nga siguro ako iniwan at ipinagpalit." Sagot niya pagkatapos ay isinandal niya ang ulo niya sa pader habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha niya.
"Wag mo ngang sisihin ang sarili mo dahil sa katarantaduhan niya! Hindi mo kasalanan na gago siya." Sabi ko sakanya pagkatapos ay napatingin ulit siya sakin. Nagkatinginan kami ng mga 5 seconds tapos binawi niya rin ito agad.
"Pero Hoshi, sa tingin mo ba, babalikan niya pa kaya ako?" Tanong niya ulit kaya napabuntong-hininga nalang ako.
Bakit mo ba kailangang maging ganito, Woozi?
"Ikaw, ano sa tingin mo?" Pagbabalik ko ng tanong sakanya.
"Hindi na siguro. May Jeonghan na siya e." Sagot niya sa sarili niya tanong.
"Alam mo naman pala e."
"Pero bakit ganun? Kahit alam ko, umaasa pa rin ako." Sabi niya.
"Tanga mo kasi." Ang tanging salita na nasabi ko sakanya.
Sorry, Woozi. Ayokong sabihin ang mga ganitong salita sayo pero kasi, ayoko na talagang masaktan ka at gusto ko nang matauhan ka.
"Alam mo hindi lang naman si Coups ang tao sa mundo, malay mo, may tao na palang palihim na nagmamahal sayo kahit na masama yung ugali mo." Sabi ko sakanya kaya tinignan niya ako ng masama pagkatapos ay natawa nalang din siya.
Maya-maya ay dumiretso na siya ng upo at humarap siya ng maayos sakin.
"Kung ikaw ba si Seungcheol, babalikan mo ako?" Tanong niya habang nakatingin siya ng seryoso sakin.
"Hindi kita babalikan," Sagot ko sakanya at napansin kong medyo napayuko siya sinabi ko. "dahil hindi na kita iiwan sa umpisa pa lang."
Natahimik siya dahil sa sinabi ko at maya-maya ay bigla nanamang nagsituluan ang mga luha niya.
"Sana katulad mo nalang siya." Sabi niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya.
Sana ako nalang siya dahil hindi niya alam kung gano siya ka-swerte na mahal na mahal siya ng taong mahal ko.
---

BINABASA MO ANG
rule #5 • soonhoon au
Historia CortaIn which Hoshi joined an organization under the management of his ultimate crush, Lee Jihoon. Date Started: January 17, 2017 Date Ended: October 18, 2017 Languange: Filipino and English