(Woozi's)
"Isubo mo na kasi 'to, Jihoon!"
"Ayoko nga sabi!"
"Sige na, isa lang. Pleaaaaase?"
"Bakit ba ang kulit mo, Kwon Hoshi?!"
"Dali na kasi! Masarap 'to."
"Ayoko."
"Jihoon naman e!"
"Kahit anong gawin mo, di ko isusubo yan!"
"Di kita titigilan hangga't di mo sinusubo 'to."
"Ang kulit naman kasi!"
"Sige na kasi!"
"Psh."
At dahil wala na akong magawa sa kakulitan ni Hoshi ay sinubo ko na yung pinapasubo niyang pagkain, pinapakain niya kasi ako kahit di pa naman ako gutom.
"Oh ayan! Sinubo ko na ha, tumigil ka na dyan." Sabi ko sakanya kaya ngumiti naman siya hanggang sa mawala na yung mata niya.
Kainis! Ang cute niya.
"Labas na tayo? Magbo-bonfire na e."
Tumango na lang ako bilang sagot pagkatapos ay tumayo na kami pareho para lumabas ng tent.
At paglabas namin ay nagulat nalang kaming dalawa nang maabutan namin sila Coups at Jeonghan na nakatayo sa labas ng tent habang nakangiti sila ng nakakaloko.
Tangina.
"Ikaw Jihoon ah! Anong sinubo mo?"
"At anong pinasubo mo, Hoshi?"
Nagkatinginan muna kami ni Hoshi at sabay nalang kaming napailing dahil sa kaputanginahan nila.
Kahit kelan talaga pasakit sa buhay ko 'tong dalawang 'to.
"Wala kayong pake kung ano man yung sinubo ko." Sagot ko sakanila pagkatapos ay nauna na akong naglakad papunta sa may bonfire, nandun na din kasi halos lahat ng members.
Naghanap muna ako ng mauupuan ko at nakita ko na naman sila Mingyu at Wonwoo na magkatabi.
Punyeta gabi-gabi na lang ba sila maglalandian? Ang sakit kaya nila sa mata.
Lumapit ako sakanila para umupo sana sa gitna nila ulit nang bigla kong maramdaman na may humila na sakin palayo.
Puta, kinaladkad na pala ako ni Hoshi.
"Di mo na kailangang maiinggit sakanila, andito na ako, sila na maiinggit satin." Sabi niya na may kasama pang kindat.
Landi, wala namang mata.
Umupo na ako sa tabi niya kaso katapat pala namin sila Mingyu at Wonwoo kaya kitang-kita ko kung pano nila ako pagtawanan habang binebelatan pa ako.
Pinakyuhan ko nga sila kaso nakita yun ni Hoshi kaya kinuha niya agad yung kamay ko para inintertwin sa kamay niya.
Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko ngayon kasing bilis ni DK sa pagtakbo.
"Ang lamig ng kamay mo, giniginaw ka ba?" Tanong niya kaya umiling naman ako.
Hindi ko lang masabi sakanya na siya lang naman ang dahilan kung bakit nanlamig yung kamay ko pero infairness, mainit yung kamay niya, parang gusto ko tuloy masanay na hawakan ang mga ito.
Hanggang sa dumating na sila Coups at Jeonghan na agad umupo sa mga pwesto nila para makapagsimula na kami.
"Okay guys, may sasabihin kaming importante kaya makinig kayong mabuti."
BINABASA MO ANG
rule #5 • soonhoon au
Historia CortaIn which Hoshi joined an organization under the management of his ultimate crush, Lee Jihoon. Date Started: January 17, 2017 Date Ended: October 18, 2017 Languange: Filipino and English