(Woozi's)
"Hoshi..."
"Hoshi my loves!"
"Bebe hoshi ko!"
"Hoshi ng bohaii ko!!"
"Hoshi sweety pie!!"
"Pansinin mo na kasi ako baby Hoshi pleaaaase?"
Kinurap-kurap ko pa yung dalawang mata ko sa harapan niya habang naka-pout para lang pansinin niya ako pero tangina, walang epek, pinaka-usap ko na rin siya sa mga members pero wala din, galit pa rin si singkit.
Inamin ko na kasi sa kanya na kila Coups ako natulog kagabi at hindi sa bahay kaya ayun, na-badtrip! Ang hirap tuloy suyuin.
Hays.
"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?" Tanong ko pero wala akong natanggap na sagot mula sa kanya.
Nakatingin pa rin siya sa malayo habang nakasimangot.
Akala mo naman ikinapogi niya yun! Psh.
Gusto ko na rin sanang mainis sa mga oras na 'to at pairalin na lang ang pride ko kaso bakit ko pa patatagalin yung away namin kung pwede ko namang ayusin ngayon diba? At tsaka, kasalanan ko din naman talaga, kung sana sinabi ko na lang agad edi sana hindi siya nagalit :(
Hanggang sa hindi ko na namalayan na may pumapatak na pa lang mga tubig galing sa mga mata ko.
Ayoko kasi ng ganito! Ayokong nagagalit siya sakin dahil natatakot ako.
"Hoshi, s-sorry na kasi..."
Pupunasan ko na sana ang mukha ko nang bigla niyang pinahid ang luha ko gamit ang mga kamay niya.
Napatingin naman ako sa kanya kaya biglang nagtama ang mga tingin namin.
Bumuntong-hininga muna siya pagkatapos ay dahan-dahan niya rin akong hinila papalit sa kanya para yakapin.
"Sa susunod, sabihin mo naman sakin agad kung na saan ka kahit kila Coups pa yan. Hindi naman ako magagalit dahil may tiwala naman ako sayo at maniniwala ako sayo kahit na anong mangyari dahil mahal na mahal kita, Jihoon!"
Napatango na lang ako sa lahat ng sinabi niya.
Hindi ko alam pero parang lately, naging matatakutin ako pagdating kay Hoshi, lagi akong kinakabahan na parang may mangyayaring hindi maganda sa relasyon namin at lagi akong napapaisip kung tatagal kaya kaming dalawa.
Praning na kung praning pero yun talaga yung nararamdaman ko ngayon at lalo pang nadagdagan yung pagka-praning ko nung makita ko yung picture nila ng papa niya at nung malaman ko yung totoong pangalan niya.
Hays.
"Mga anak! Pwede bang pumasok na muna kayo sa kwarto, masyado kayong pda dito." Sabi bigla ng mama ni Hoshi kaya kumalas agad kaming dalawa sa pagyayakapan at nakatingin na pala samin halos lahat ng mga taong nandito idagdag mo pa yung mga members na nakatingin samin ng mapang-asar.
Tae, nakakahiya.
"Dun tayo sa kwarto ko bilis."
Hinila agad ako ni Hoshi papunta sa kwarto niya at ni-lock niya agad yung pintuan pagkapasok na pagkapasok namin.
"A-anong gagawin natin dito?" Tanong ko habang ramdam ko na yung pamumuo ng pawis ko.
"Anong gagawin natin...dito?" Tanong niya habang nakangiti ng nakakaloko."Ano bang dapat nating gawin dito, Jihoon?"
BINABASA MO ANG
rule #5 • soonhoon au
Historia CortaIn which Hoshi joined an organization under the management of his ultimate crush, Lee Jihoon. Date Started: January 17, 2017 Date Ended: October 18, 2017 Languange: Filipino and English