(Hoshi's)
"Tao po! Tao po!"
Ayan na! Naririnig ko na yung tunog chismoso sa labas ng bahay namin.
"Sino yun, Soonyoung?" Tanong ni mama pagkatapos ay sumilip pa siya sa may bintana para tignan yung nasa labas.
"Mga kaibigan ko po." Sagot ko sakanya at tumango nalang siya bilang sagot. "At ma,'wag niyo na muna po akong tatawaging Soonyoung, Hoshi nalang po muna."
Napacross arms si mama pagkatapos ay tinignan niya ako ng masama habang nakasalubong ang kilay.
"Bakit? Hindi ba nila alam na Soonyoung ang totoo mong pangalan?!" Tanong niya ng nakahigh pitch tone nanaman.
"Hindi." Sagot ko sakanya kaya hinampas niya tuloy ako ng malakas sa may balikat ko.
"Ikaw ha! Nasasanay ka nang nagpapakilala bilang Hoshi. Kahit anong gawin mo, ikaw pa rin si Kwon Soonyoung!" Sabi niya pagkatapos ay umakyat na siya papuntang kwarto niya.
Hays! Di nanaman makaintindi si mama. Ilang beses ko na ngang in-explain sakanya yang bagay na yan.
Napailing nalang ako pagkatapos ay lumabas na rin ako para pagbuksan ng gate yung mga kumag.
"Tangina boi, ang tagal mong magbukas ha." Reklamo ni The8 kaya ayun, binatukan ko.
"Buti nga pinagbuksan ko pa kayo e." Sabi ko kaya nagtawanan nalang sila. "Teka, bat may mga dala kayong unan?" Tanong ko habang tinuturo ko yung mga sari-sarili nilang bitbit na unan.
"Dito na kami matutulog. Hehehe." Sabi ni Mingyu na kasalukuyang nakaakbay kay Wonwoo pero naka-mickey mouse naman na pajama.
"Dapat nga hyung kanina pa kami dito e kaso dumaan muna kami kila Vernon hyung para pag-usapan yung mga tanong na itatanong namin sayo." Sabi ni Dino habang pumapalakpak pa.
"Ready ka na ba?" Tanong ni Wonwoo na nakangiti pa ng nakakaloko. Parang ayoko na tuloy silang papasukin.
"Oh ano, hindi mo ba kami papapasukin? Ihing-ihi na ako e." Sabi ni Vernon habang nakahawak na siya sa itlog niya.
Wala naman akong nagawa kundi papasukin sila. Hays!
"Dumiretso na kayo sa kwarto ko. Sa taas yun, sa may bandang kanan." Sabi ko sakanila pero ang mga gago hindi sa kwarto ko dumiretso, kundi sa kusina, pati si Vernon na naiihi kanina.
Isa-isa silang kumuha ng mga pinggan nila pagkatapos ay walang awa na nilang nilusob at nilapastanganan yung ref namin. Pota! Mga patay gutom.
"Uy Hoshi, kumuha na kami ng pagkain ha. Konti lang kinuha namin kasi baka nakakahiya na sayo." Sabi ni The8 pagkatapos niyang ilapag sa lamesa yung kinuha niyang isang bowl ng spagetti, anim na piraso ng fried chicken, isang bote ng fresh milk at dalawang leche flan.
"Oo tangina mo wag kang mahiya. Ang konti kasi talaga ng kinuha mo na kulang nalang pati ref namin kainin mo na." Sagot ko sakanya kaya humagalpak sila ng tawa. Sumakit sana mga tyan niyo! Huehueheue. Kawawa naman yung ref.
Naupo nalang ako sa tabi nila habang pinapanood silang lumamon. Iniisip ko na rin kasi kung anong isasagot ko sa mga tanong nila.
"Hoshi," Napatingin naman ako kay Wonwoo na halos katatapos lang kumain "Gusto mo ba talaga si Woozi?"
At dahil sa biglaang tanong ni Wonwoo ay naubo tuloy ako ng di oras kaya inabutan tuloy ako ni Dino ng tubig.
Pagkainom ko ay isa-isa ko silang tinignan na nakatingin lang sakin habang naghihintay ng sagot ko.
BINABASA MO ANG
rule #5 • soonhoon au
KurzgeschichtenIn which Hoshi joined an organization under the management of his ultimate crush, Lee Jihoon. Date Started: January 17, 2017 Date Ended: October 18, 2017 Languange: Filipino and English