73

1.6K 68 99
                                        

(Woozi's)

4:40am na.

Pero kakarating ko palang sa meeting place namin, sa bahay nila Jisoo, yung dalawang van kasi nila ang gagamitin namin kaya sabi ni Coups dito na lang din daw kami magkita-kita.

At pagkababa ko pa lang ng taxi ay sinalubong na ako ni Coups na nakasalubong din ang kilay habang nakapamewang pa.

"Buti naman at dumating ka na magaling naming presidente." Sabi niya kaya napailing na lang ako.

Buti nga dumating pa ako e. Tsk!

"Saang van ba ako?" Tanong ko sakanya kaya tinuro niya yung puting van.

Binitbit ko na yung mga bagahe ko at nilagay ko yun sa likod ng van pagkatapos ay binuksan ko na yung pinto para pumasok sana loob.

At napasapo naman ako sa mukha ko nang makita ko kung sino ang mga kasama ko dito sa van.

Punyeta.

"SEUNGKWAN ANO BA ILABAS MO NA NGA YUNG PAGKAIN KO!"

"BAKIT BA AKO PINAGBIBINTANGAN MO? SI SEOKMIN ANG PATAY GUTOM DITO TANGINA LANG!"

"HOY GAGO WALA AKONG KINUKUHANG PAGKAIN MO MINGHAO HA BAKA SI WONWOO HYUNG ANG KUMUHA!"

"Wag niyo akong idamay dyan, nananahimik ako dito."

"E ASAN NA BA KASI?! ILABAS NIYO NA ISA!"

"WALA NGA SAMIN TANONG MO DYAN KAY JEONGHAN HYUNG KANINA PA YAN NANDITO E!"

"JEONGHAN HYUNG TOTOO BA?! NA SAYO YUNG PAGKAIN KO?! HOW COULD YOU DO THIS TO ME GOSH!"

"Tumahimik na nga kayo! Ayan na si Woozi bahala kayo dyan."

Aba!

Tangina kanina pa ako nakatayo dito tapos ngayon lang nila napansin na nandito ako.

"Good morning hyung hehe!" Bati sakin ni Seokmin na katabi si Seungkwan.

At talagang nagtabi pa silang dalawa ha.

"Bakit kayo nandito? Dun nga kayo sa kabilang van." Utos ko sakanila pero nagkamot lang sila ng ulo.

"E hyung ayaw nga nila kami sa kabila, dun nga namin gusto e."

Hay nako!

Napabuntong-hininga na lang ako pagkatapos ay pumasok na rin ako ng tuluyan sa loob, sa may bandang likod ako umupo para medyo malayo kila Seokmin at Seungkwan.

"Ang magi-ingay dito sisipain ko palabas ng van." Sabi ko sa kanila pagkatapos ay nilabas ko na lang yung cellphone at earphone ko.

Makapag-soundtrip na nga lang muna.

Ipi-play ko na sana yung napili kong kanta nang bigla na lang may epal na tumawag.

Unknown no.?

Pinatay ko agad yung tawag dahil ayokong makipag-usap sa di ko naman kilala pero tangina lang ang kulit, tumatawag na naman.

Bwisit na 'to.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot yung tawag.

"HELLO?!"

[...]

"SINO TO?!"

[...]

"ABA TANGINA MO TATAWAG-TAWAG KA TAPOS DI KA MAGSASALITA!"

[...]

"GAGO!"

Pinatay ko na yung tawag pati yung cellphone ko pinatay ko na din baka tumawag na naman e.

rule #5 • soonhoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon