102

1.1K 55 6
                                    

(Hoshi's)

"Sir?"

Nakaramdam ako ng tapik mula sa balikat ko kaya agad kong minulat ang mga mata ko at tumambad agad sa paningin ko ang isang lalaki na mukhang staff dito sa tren.

"Kanina pa po tayo nandito sa Busan, sir." Sabi niya habang nakangiti sakin.

Tumayo naman agad ako habang nililibot ko ang paningin ko sa paligid at ako na lang pala ang natitirang pasahero dito.

Shit, napasarap tulog ko.

"Busan na pala to hehe, sige po." Sabi ko pagkatapos ay binitbit ko na yung bag ko at tumakbo na ako palabas ng tren.

Buti na lang pala at napansin ni kuyang staff na nandun pa ako sa loob ng tren kung hindi siguro malamang nasama na nila ako pabalik ng Seoul. Hays!

Napatingin naman ako sa relo ko at mage-11am na rin pala, mahigit tatlong oras din pala ang byahe.

"Excuse me, san po dito yung Busan Hospital?" Tanong ko sa unang babaeng nakasalubong ko sa daan.

"Ayun." Sabi niya sabay turo sa napakalaking building sa may kanan namin.

"Ah sige, salamat po."

Tumango lang naman yung babae kaya nagmadali na akong umalis papuntang hospital, papasok na sana ako sa loob nang makakita ako ng convenience store sa may labasan kaya dun muna ako dumiretso para bumili ng mga makakain baka kasi di pa kumakain yung batang yun.

Pagkatapos kong bumili ay agad ko nang tinawagan si Jiyoung para malaman kung nasang lupalop siya nitong hospital at mabuti na lang ay sinagot niya din agad.

[hello hyung?]

"Oy andito na ako, anong room mo?"

[room 401 hyung.]

"Sige, hintayin mo ako dyan."

[okay hyung.]

Pinatay ko na yung tawag at agad na akong sumakay ng elevator papuntang 4th floor pagkatapos ay hinanap ko na yung room number na sinasabi ni Jiyoung.

"401..." Basa ko dun sa may napakalaking number na nakasabit sa harap ng pintuan. "...ito na nga siguro yun."

Kakatok na sana ako nang bigla akong makarinig ng mga boses at tawanan galing sa loob ng kwarto ni Jiyoung kaya napakunot bigla ang noo ko.

Nagtataka lang ako kasi ang sabi niya sakin wala siyang kakilala dito kaya bakit siya may mga kasama sa loob?

Teka, baka naman mali 'tong kwartong napuntahan ko!

Binuksan ko ng kaonti yung pinto para sana kumpirmahin kung sino yung nasa loob pero laking gulat ko nang marinig ko ulit nang mas malinaw yung mga nag-uusap sa loob, kilala ko yung mga boses na yun.

"Alam mo, konti na lang magugulpi ko na yang nanay mo e, kontrabida kainis!"

"Tangina! Ngayon lang ako nakakilala ng nanay na kayang ipagbugbog ang anak."

"Dapat dun ipakulong e, ipakulong sa mental! Puta, baliw ata yung nanay mo e."

"Napakasama ng nanay mo."

"Buti nga yan lang inabot mo e, pano kung mas malala gawin niya sayo sa susunod ha, Lee Jihoon?"

At dahil sa pagkakarinig ko sa pangalan niya ay agad ko nang binuksan ang pinto, tumambad sakin ang ilang members at si Jihoon na nakahilata sa may hospital bed, may mga benda siya sa ilang parte ng katawan niya at mga pasa din siya mukha niya.

rule #5 • soonhoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon