92

1.1K 64 38
                                    

(Hoshi's)

"HOSHI 'WAG KANG MANINIWALA SA MGA SINASABI NIYA! SINUNGALING YAN!"

"HOSHI PUTANGINA HINDI TOTOO LAHAT NG NARIRINIG MO!"

"HOSHI LUMAYO KA NA DAHIL NILILINLANG KA LANG NIYAN!"

Hays.

Ipinikit ko muna ang mga mata ko habang pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko sa mga nangyayari ngayon dahil ayoko talagang maniwala.

Pero tangina lang dahil hindi ako makahanap ng dahilan para hindi maniwala sa mga pinagsasasabi niya!

Maya-maya ay may naramdaman akong mga kamay na tumatapik sa balikat ko.

"I'm sorry, Soonyoung. Hindi ko naman ginustong saktan ka pero kailangan mo na rin kasing malaman ang totoo."

Iniangat ko ang mukha ko at tumingin ako sa kanya na prenteng-prente pa ring nakasandal sa upuan niya habang humihigop sa kape niya.

"Alam na ba ni Jihoon ang tungkol dito?" Tanong ko.

Tinaasan niya muna ako ng isang kilay pagkatapos ay umayos siya ng upo habang nakatingin pa rin sakin ng seryoso.

"Oo, alam na niya! Pero ayaw niyang sabihin sayo dahil natatakot siyang hiwalayan mo siya."

"A-ano?"

"Wala kasi siyang pakialam kung magkapatid kayo, hindi ko nga alam sa batang yun kung pano niya nasisikmurang ituloy ang relasyon niyo kahit na alam na niyang magkadugo kayo."

Napailing-iling siya habang pinaglalaruan niya yung kuko niya samantalang ako, hindi mapakali sa mga naririnig ko.

"Tapusin mo na ang relasyon niyo, Soonyoung." Sabi niya kaya natigilan ako bigla.

Puta.

Iniisip ko pa lang hindi ko na kaya!

Simula kasi nang makilala ko si Jihoon wala akong ibang inisip kundi ang makasama siya ng matagal, mapasaya siya ng matagal at mahalin siya ng matagal pero hindi sumagi sa isip ko na pwedeng dumating ang araw na tulad nito.

Huminga muna ako ng malalim para hindi kumawala yung mga luha kong nababadya na namang lumabas mula sa mga mata ko.

"Gusto ko siyang makita."

"Bakit pa? Gusto mong makarinig ng mga kasinungalingan galing sa kanya?"

"Hindi, gusto ko lang siyang makita kahit sa huling pagkakataon man lang."

"Pagkatapos?"

"T-tapos makikipag-break na ako."

"Sige, hintayin mo siya sa playground na malapit sa school niyo." Sabi niya pagkatapos ay tumayo na siya habang bitbit niya yung bag niya. "And one more thing, wag mong papaniwalaan lahat ng sasabihin niya dahil sasabihin niya lang yun para hindi mo siya hiwalayan, okay?"

Hanggang sa tuluyan na siyang umalis at nawala sa paningin ko kaya naihilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha ko.

Shit!

"Hyung!"

Lumapit sakin si Mingyu nang makita niyang nakalabas na yung bruhang nanay ni Jihoon at agad siyang umupo sa kinauupuan nito kanina, sa harapan ko.

"Anong pinag-usapan niyo hyung at biglang naging masama ang aura mo?" Tanong niya pero hindi na lang ako umimik at inabot ko na lang sa kanya yung birth certificate na agad niya namang binasa.

rule #5 • soonhoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon