(Woozi's)
Maaga pa lang ay bumaba na kami ng bundok dahil maaga rin kasing dumating yung dalawang van nila Joshua na gagamitin din ulit namin pauwi.
"Akin na yung mga gamit mo." Sabi ni Hoshi sakin pagkatapos ay kinuha niya yung mga bitbit kong bag.
Isa-isa niyang nilagay yun sa likod nang van samantalang ako, pinagmamasdan ko lang siya sa mga ginagawa niya.
Tbh, hindi ako sanay na nakikitang ganito kalungkot si Hoshi, masakit din pala talaga kapag nakikita mong nasasaktan yung taong mahal mo.
"Hoshi..."
Napatingin naman siya sakin gamit ang mapupungay niyang mga mata.
"O-okay lang ba?" Tanong ko.
Ngumiti naman siya pagkatapos ay nilapitan niya ako para hawakan ang magkabilang pisngi ko habang nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko.
"Oo naman..." Sagot niya. "Alam mo namang ikaw lang sapat na para maging okay ako, diba?"
Tumango naman ako habang nakangiti dahil kahit papano nabawasan yung bigat ng nararamdaman ko dahil sa sinabi niya.
At magyayakapan na sana kaming dalawa nang bigla naming mapansin na vini-video-han na pala kami ng mga members.
At kingina nila dahil ginagawa na nila kaming telenovela!
"OMG! ANG GANDA NG SCENE!"
"WAIT LANG WAG KAYONG MAINGAY MAGKI-KISS NA ATA SILA MGA BES!"
"TANGINERS! DA BESTEST LABUE STORI EVUUUR!"
"UPLOAD KO NGA 'TO SA PEYSBUK TAPOS ILALAGAY KO SA CAPTION NA MAMATAY NA SI HOSHI HYUNG TAPOS NAGPAPA-ALAM NA SIYA KAY JIHOON HYUNG DIBA PARA MAY IMPACT SA MGA MAKAKANOOD!"
"AY GUSTO KO YAN TAPOS MAGIGING VIRAL YAN FOR SURE!"
"OO TAPOS MADI-DISCOVER SILA NG GMA TAPOS MAJE-JESSIC SOHO SILA TAPOS SUSUBAYBAYAN YUNG LABSTURI NILANG DALAWA TAPOS SASABIHIN NATIN SA LAHAT NA HIMALANG GUMALING SI HOSHI HYUNG SA SAKIT NIYA TAPOS KUKUNIN NA SILA NG VIVA TAPOS GAGAWA NA SILA NG MOVIE TAPOS MAGIGING BLOCKBUSTER YUN TAPOS SISIKAT SILA AT SILA NA ANG MAGPAPATAOB SA KATHNIEL, JADINE AT LIZQUEN TAPOS---"
"Tapos ibuburol kita para happy ending na." Sabi ko pagkatapos ay nilabas ko yung gitara ko kaya nagsitahimik na silang lahat.
Ayos e, tindi din ng imagination!
Maya-maya ay isa-isa na kaming nagsipasukan sa loob ng van at hindi rin naman nagtagal ay umalis na din kami.
At sa huling pagkakataon ay sumilip ako bintana para pagmasdan ang unti-unti naming pag-alis sa lugar na yun, andami ko ring naging magandang memories dito. Hays!
"Balik tayo dito ha, mami-miss ko rin kasi 'tong lugar na 'to kung san naging tayo." Sabi ko kay Hoshi kaya napatingin din siya sa tinitignan ko at tsaka siya ngumiti.
"Kelan?"
"Sa 10th anniversary natin."
"Bakit, sa tingin mo ba tatagal tayo ng 10 years?"
"Hindi lang 10 years dahil papatunayan ko talaga sayong may forever."
Natawa na lang siya sagot ko pagkatapos ay isinandal niya sa balikat ko ang ulo niya habang hawak niya ang isang kamay ko.
Ilang oras na din ang nakalipas sa byahe at nakaramdam na kami ng gutom kaya naman nag-stop over muna kami sa isang convenient store para bumili ng mga pagkain.
BINABASA MO ANG
rule #5 • soonhoon au
Short StoryIn which Hoshi joined an organization under the management of his ultimate crush, Lee Jihoon. Date Started: January 17, 2017 Date Ended: October 18, 2017 Languange: Filipino and English