(Woozi's)
Putangina.
Ang sakit ng ulo ko shit! Naparami na naman yata ang inom ko kagabi. Kung bakit pa kasi sila nagyayang uminom! Kakalbuhin ko talaga tong si Minghao e, promotor kasi.
Bumangon muna ako bago ko imulat ang aking mga mata at laking gulat ko ng makita kong nasa ibang kwarto ako at wala sa sarili kong kwarto.
"Punyeta! Nasan ako?" Tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ko ang paligid.
Kaninong bahay to?!
Maya-maya ay unti-unting bumukas ang pinto at nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko si Hoshi.
Nandito lang naman pala ako sa bahay ng kumag na to! Akala ko kung sino nang nag-uwi sakin e.
"Oh! Gising ka na pala e." Sabi niya nang nakangiti habang pinupunasan niya yung buhok niya ng twalya, bagong ligo ata.
"Obviously." Sagot ko sakanya kaya natawa nalang siya ng bahagya.
"Bumaba ka na nga dun, kain ka na." Sabi niya pero umiling lang ako.
"Uuwi na ako. Bakit ba kasi di mo nalang ako inuwi kagabi?" Tanong ko sakanya.
"Inuwi kita! Kaso nakalock yung bahay mo, malay ko ba kung nasan yung susi mo." Sagot niya pagkatapos ay hinawakan na naman niya yung kamay ko at hinila papunta sa may kusina nila sa baba.
At naabutan namin dun ang mama niya na naghahanda ng almusal.
"Ano ba? Sabi ko uuwi na ako e." Inis na bulong ko sakanya pero di niya lang ako pinansin at sapilitang pinaupo sa dining.
"Good morning mga anak!" Bati nung mama niya nung makita na niya kami.
MGA ANAK?! KELAN KO PA NAGING KAPATID TONG WALANG MATA NA TO?
Napabuntong-hininga nalang ako dahil wala na din naman akong magagawa kundi kumain, pero kapag ako talaga na-late mamaya sa klase, tatanggalan ko ng mata tong si Hoshi.
"Woozi oh," Napatingin naman ako sa mama ni Hoshi na may inaabot sakin na isang basong may kung anong laman sa loob. "Pampatanggal ng hangover yan, nabanggit kasi sakin ni Hoshi na lasing ka daw kagabi kaya naisip kong gawan ka ng ganito."
"Hala salamat po, nag-abala pa po kayo." Sabi ko habang napakamot nalang ako sa batok dahil sa hiya.
Kinuha ko rin naman agad yon at tsaka ko ininom. Masarap siya pero lasang dahon!
"Kain na." Sabi naman ni Hoshi pagkatapos niyang maglagay ng pagkain sa plato ko.
Habang kumakain kami ay panay ang tingin ng mama ni Hoshi sakin, actually, sa may body part ko habang nakakunot pa ang noo niya.
"Problema mo, ma?" Tanong bigla ni Hoshi habang nakatingin din siya sa mama niya nagtataka.
Napatingin naman samin at tsaka biglang ngumiti.
"Ah wala, pamilyar kasi sakin yung damit ni Woozi." Sabi niya kaya agad akong na napatingin sa damit ko---wtf! E hindi ko naman damit to e.
Bakit ngayon ko lang napansin na ibang damit na pala ang suot ko?
At putangina dahil kulay pink pa!
"Damit ko kasi yan, binihisan ko siya kagabi."
Napatingin agad ako kay Hoshi ng masama at sa totoo lang, hinahampas ko na siya ng gitara sa utak ko!
"Ganun ba? Sige, panagutan mo nalang yung ginawa mo kay Woozi." Sabi ng nanay niya kaya kaya halos mabulunan pa tuloy ako.
"Sira ulo ka ma."
![](https://img.wattpad.com/cover/85113276-288-k563920.jpg)
BINABASA MO ANG
rule #5 • soonhoon au
Short StoryIn which Hoshi joined an organization under the management of his ultimate crush, Lee Jihoon. Date Started: January 17, 2017 Date Ended: October 18, 2017 Languange: Filipino and English