October 3, Monday
10:10pm
Just you
active nowKwon Hoshi: Hi Woozi :)
Kwon Hoshi: Siguro sa mga oras na 'to nabasa mo na 'tong mga chat ko dito.
Kwon Hoshi: Wala na kasi akong choice kundi ipabasa ko sayo 'tong mga nandito para malaman mo yung nararamdaman ko since hindi natuloy yung pag-amin ko.
Kwon Hoshi: Gusto ko lang malaman mo na hindi kita iniiwasan.
Kwon Hoshi: Walang problema sayo, okay?
Kwon Hoshi: Natatakot lang talaga ako na malaman mo.
Kwon Hoshi: Pero ngayon baka alam mo na.
Kwon Hoshi: Hays.
-
Today, Monday
10:10pm
Just you
active nowKwon Hoshi: Hi Woozi :)
Kwon Hoshi: Antagal ko na din pa lang hindi nagc-chat sa sarili ko, huling chat ko pa nung umamin ako sayo. Hahaha.
Kwon Hoshi: Sabagay hindi ko na rin naman kasi ginagamit 'tong account na 'to e.
Kwon Hoshi: Ewan ko ba kung bakit ako gumawa ng bagong account e halos lahat ng memories natin andito.
Kwon Hoshi: Dito kita nilandi, dito kita hinarot, dito kita pinatawa, dito kita pinangarap
Kwon Hoshi: At dito rin kita minahal ng palihim kahit na dito rin ako nasaktan dahil sa inyo ni Coups.
Kwon Hoshi: Gusto kong balikan lahat ng memories na yun gaya ng gusto kong pagbalik sayo.
Kwon Hoshi: Kaso ang kapal naman ng mukha ko para makipagbalikan sayo pagkatapos ng lahat ng sakit na naidulot ko.
Kwon Hoshi: Hindi mo deserve ang katulad ko, Ji.
Kwon Hoshi: Mas deserve mo ng taong maniniwala sayo kahit na anong mangyari hindi katulad ko na kung kani-kanino naniniwala.
Kwon Hoshi: Ji, sorry.
Kwon Hoshi: Sorry kung hindi agad kita pinaniwalaan.
Kwon Hoshi: Sorry sa lahat ng pananakit na ginawa ko sayo.
Kwon Hoshi: Gustong-gusto kitang balikan pero nahihiya ako sayo.
Kwon Hoshi: Gustong-gusto kitang balikan pero anong karapatan ko?
Kwon Hoshi: Gustong-gusto kitang balikan pero pano?
Kwon Hoshi: Sobrang sising-sisi na ako sa mga naging desisyon ko, dapat ikaw yung pinaniwalaan ko e.
Kwon Hoshi: Kasi sabi mo nga, dapat mas paniwalaan ko yung pagmamahal mo sakin.
Kwon Hoshi: Ang tanga tanga ko talaga!
Kwon Hoshi: Sorry ha, ang tanga kasi ng taong mahal mo e.
Kwon Hoshi: Pero kahit tanga ako, mahal na mahal kita.
Kwon Hoshi: Ikaw lang ang minahal ko ng ganito at ikaw lang ang mamahalin ko ng ganito.
Kwon Hoshi: Kahit na hindi tayo magkabalikan, mamahalin pa rin kita.
Kwon Hoshi: Kahit na hindi mo na ako mahal, mamahalin pa rin kita.
Kwon Hoshi: Kahit na magmahal ka pa ng iba, mamahalin pa rin kita.
Kwon Hoshi: Kasi ikaw lang ang nagi-isang Lee Jihoon sa buhay ni Kwon Soonyoung.
Kwon Hoshi: Mahal na mahal kita, Jihoonie my loves.
Kwon Hoshi: Sana wag mong kakalimutan yun.
Kwon Hoshi: Pasensya na sa lahat ng sakit na naidulot ko sayo :((
---
BINABASA MO ANG
rule #5 • soonhoon au
Short StoryIn which Hoshi joined an organization under the management of his ultimate crush, Lee Jihoon. Date Started: January 17, 2017 Date Ended: October 18, 2017 Languange: Filipino and English