56

1.5K 66 9
                                    

(Woozi's)

"Prez! Meeting daw po with head ng culture and arts mamayang 5:00."

"Pres, nafollow up ko na po yung mga instrument na hihiramin natin sa music department."

"Jihoon, may time ka ba mamaya? Check mo muna yung venue natin."

"Ji, check mo muna yung in-email ko sayo kagabi. Listahan yun ng nga outsiders na pupunta."

"Prez, pinatanong po ng music department kung kelan ka daw po ba available para makipag-meeting sakanila?"

Isinandal ko muna saglit ang ulo ko sa pader na nasa likod ko at tsaka ko ipinikit ang mga mata ko pansamantala.

Punyeta nai-stress na talaga ako sa event na yan. Tatlong araw na lang kasi ang meron kami para sa peraparation pero andami pa naming kelangan tapusin.

Cancel ko na kaya tong event na to? Dejoke! Baka patayin naman ako ng presidente ng school na to kapag ginawa ko yun. Malaki rin kasi ang ambag ng org na to para makilala tong kinginang eskwelahan nila.

"Okay ka lang?"

Idinilat ko agad ang mga mata ko nang may marinig akong magsalita at nakita ko si Coups na nakatayo sa harapan ko.

"Hindi e." Sagot ko sakanya pagkatapos ay umayos na ako ng pagkakaupo. "Natapos mo na ba yung mga ginagawa mo?"

"Malapit na, e ikaw?"

"Malapit na, malapit na akong mabaliw." Sagot ko.

Natawa na lang siya sa sinabi ko pagkatapos ay may nilapag nanaman siyang banana milk sa lamesa ko na halos araw-araw na niyang ginagawa.

"Salamat." Sabi ko pagkatapos ay binuksan ko na yung banana milk na bigay niya at uminom ako ng konti.

Sarap!

"Oo nga pala, bago ka pumunta ng meeting mamaya, dumaan ka muna daw ng music department." Sabi niya kaya tumango lang ako.

Umalis na rin siya agad pagkatapos nun dahil pareho kaming tambak ng trabaho at kailangan naming tapusin lahat yun ngayon din.

Inubos ko muna yung banana milk na bigay ni Coups at tsaka ko ulit hinarap yung laptop ko para ituloy ang aking mga gawain.

5:00 na nang matapos ako at kelangan ko pang humabol sa meeting kaya nagmadali na akong lumabas ng office para puntahan ang mga dapat kong puntahan.

Hindi naman nagtagal ang meeting dahil nai-present ko naman na lahat ng kailangan kong i-present para sa event.

Naglakad na ako pabalik ng office at tsaka ko lang naalala na wala pa pala akong kain simula kaninang umaga.

Kaya pala tunog ng tunog yung tiyan ko kanina pa.

Pagkarating ko ng office, may nakita agad akong pagkain sa ibabaw ng table ko pero wala namang tao dun kasi nasa practice pa yung ibang members.

Kinuha ko yung note na nakadikit dito:

Jihoonie my loves,

Di ka nanaman kumain :( Wag ka namang magpagutom please? Nag-aalala ako sayo.

P.S. Kainin mo lahat yan ha! Kung hindi ikaw kakainin ko ;*

-Hosh ♡.

Punyetang singkit yun pati sa note naglalagay ng mga kagaguhang emoticon. Naalala ko nanaman tuloy yung ginawa niya sakin 2 weeks ago.

Bwisit.

At dahil wala na akong choice dahil kanina pa ako gutom na gutom ay kinain ko nalang din yung bigay niya.

Nung matapos na akong kumain ay tumayo na ako para sana ligpitin yung pinagkainan ko pero laking gulat ko nang makita si Hoshi sa may pintuan na nakangiti habang pinapanood ako sa mga ginagawa ko.

"K-kanina ka pa dyan?" Tanong ko pero ngumiti lang siya pagkatapos ay kinuha niya sa kamay ko yung itatapon ko na sanang pinagkainan ko.

Lumabas siya saglit para itapon yun at pagbalik niya yung mga gamit ko naman ang niligpit niya.

Hindi ko alam kung anong sumapi nanaman sakanya at kung ano-ano pinaggagagawa niya pero pinabayaan ko nalang.

Maya-maya lang ay nagdatingan yung ibang members na as usual, nagsisigawan nanaman.

"ANO BA SEUNGKWAN WAG KA NGANG DUMIKIT SAKIN AMBAHO MO!"

"MAS MABAHO KA GAGO AMOY KABAYO!"

"MAS MABAHO HININGA MO!"

"MAS MABAHONG-MABAHO KILI-KILI MO!"

"Tumigil na nga kayong dalawa pareho naman kayong mabaho e."

"Wag na nga kayong magsalita! Polluted na tong office dahil sa mga hininga niyo." Sabi ko kaya nagsitahimik na sila.

"Mag-ayos na nga kayo para makauwi na tayong lahat." Sabi naman ni Coups kaya nagsikilos na rin sila.

After 10 minutes ay nakapag-ayos na sila at ready na kaming magsi-uwi.

"LET'S GO HOME!"

"Tara na, Jihoon." Sabi nila Coups at Hoshi ng sabay kaya natahimik tuloy kaming lahat na nasa loob.

Hays! Eto nanaman sila.

"KRU~KRU~KRU~"

Naglipat-lipat lang sila ng tingin kila saming tatlo hanggang sa binitbit ko na lang yung bag ko at naglakad papuntang pintuan.

"Uuwi na lang akong mag-isa." Sabi ko sakanila.

"JIHOON!"

Lalabas na sana ako ng bigla-bigla nalang sumigaw si Hoshi kaya nilingon ko ulit sila.

"Sige na, sumabay ka na kay Coups hyung, wag ka lang umuwing mag-isa baka mapahamak pa dyan sa daan e." Sabi niya pagkatapos ay kinuha niya na yung bag niya at nauna nanaman siyang lumabas.

Di ko maintindihan kung bakit hindi kami pwedeng magsabay-sabay na umuwing tatlo!

Parang gago kasi yung dalawa. Psh!

---

rule #5 • soonhoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon