(Hoshi's)
Napahawak ako saglit sa may bandang dibdib ko dahil bigla bigla na lang itong nanikip.
Tangina.
Naiiyak ako ngayon pero ayokong umiyak kasi bakit ko siya iiyakan? Nagawa niya akong iwan dati para sa ibang tao.
Bakit ko siya iiyakan kung natiis niyang hindi ako makita sa loob ng napakahabang panahon?
Bakit ko siya iiyakan kung hindi niya nagawang magpakatatay sakin?
At bakit ako iiyak kung walang rason para magsayang ako ng luha.
Don't wanna cry.
(ULGO SHIPJI ANHA~!)
"HOSHI!" Sigaw ni Coups na nasa harapan ko lang pala.
Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil nakatingin lang siya sa mukha ko habang nakakunot ang noo niya.
"May problema ka ba, Hosh? Kanina pa kasi kita tinatawag pero nakatulala ka lang dyan." Sabi niya kaya napayuko na lang ako.
Gusto ko kasing tapusin 'tong camping pero wala e, kailangan ko nang umuwi.
"Ano kasi hyung, uh, kailangan ko nang umuwi..." Sabi ko pagkatapos ay inangat ko na yung ulo ko para makita ko yung reaksyon niya. "...namatay kasi yung tatay ko."
Nanlaki bigla yung mga mata niya kasabay ng pagtahimik niya sandali.
"Condolence." Sabi niya pagkatapos ay tinapik niya ako sa may balikat kaya nginitian ko lang siya.
"Salamat hyung at pasensya na kung mauuna akong uuwi sainyo."
"Hindi."
"Hindi? E akala ko ba pinapayagan mo na akong umuwi dahil---"
"Hindi ka mauunang uuwi kasi uuwi tayong lahat bukas."
"Tayo? Kasama kayo?"
"Oo, makukuha pa ba naming magsaya dito sa camping kung nagluluksa na pala ang isa naming kaibigan? Syempre dadamayan ka namin, Hosh."
"Salamat hyung pero hindi na kailangan."
"Wag ka nang kumontra dyan basta uuwi tayong lahat bukas, okay?"
Wala na akong nagawa dahil binatukan na niya ako at punyeta siya dahil masakit yun.
Pero sa kabilang banda, napangiti na lang din ako.
"Tara na sa bonfire."
Tumango lang ako pagkatapos ay umakbay siya sakin habang kinakaladkad ako palabas nang tent na para bang hindi ako sasama sakanya.
Psh.
Hanggang sa nakarating kami sa bonfire, andun na rin naman lahat ng mga members at kami na lang ang kulang kaya sinama na ako ni Coups sa gitna na malapit sa apoy.
"Okay guys, makinig kayo dahil may sasabihin akong importante sainyo ngayon."
At dahil dun ay wala nang nagsalita at nagsitahimik na silang lahat habang nakatuon ang atensyon nila saming dalawa.
"Last day na kasi natin ngayon dito sa camping." Sabi ni Coups kaya bigla umingay ang paligid at nagtataka na sila sa mga nangyayari.
"Bakit naman tayo uuwi hyung? Akala ko ba limang araw tayo dito?"
"Oo nga, e nakakatatlong araw pa lang tayo ah."
"Hala! Baka naubusan na tayo ng pagkain kaya tayo uuwi."
BINABASA MO ANG
rule #5 • soonhoon au
Historia CortaIn which Hoshi joined an organization under the management of his ultimate crush, Lee Jihoon. Date Started: January 17, 2017 Date Ended: October 18, 2017 Languange: Filipino and English