Woozi
active nowWoozi: HOSHI PLEASE
Woozi: LET ME EXPLAIN
Woozi: BUMALIK KA DITO MAG-USAP TAYO!
seen
Woozi: HOSHI NAMAN
Woozi: KAUSAPIN MO MUNA KASI AKO MAGPAPALIWANAG AKO
seen
Hoshi is typing...
Hoshi: Wala akong panahong makipag-usap sa sinungaling at manloloko.
Woozi: HINDI NAMAN KITA NILOLOKO DAHIL MALI NAMAN TALAGA YUNG MGA NARINIG MO KANINA E
Hoshi: Ako pa ngayon ang mali?!
Hoshi: Bistado ka nga, nakukuha mo pang magsinungaling!
Hoshi: Ang gagaling niyo.
Hoshi: ANG GAGALING NIYONG MAGPLANO!
Hoshi: Ayos yung plano niyo nila Wonwoo, napaniwala niyo ako!
Hoshi: Kunwaring maaaksidente ka para mapapunta niyo ako dito sa Busan para balikan kita? Congrats, nagtagumpay kayo.
Hoshi: Ang gagaling niyo din kasing umarte puta bat di na lang kayo mag-artista? Ayos talaga e.
Woozi: HOSHI HINDI NGA 'TO YUNG PLANO NAMIN!!!
seen
Woozi: OO AAMININ KO, MAY PLANO TALAGA KAMI NUNG UNA NA PANIWALAIN KANG NAAKSIDENTE AKO PERO HINDI NGA NATULOY YUN DAHIL PINABUGBOG NGA AKO NG NANAY KO!
Woozi: TOTOO YUN HOSHI KAHIT ITANONG MO PA KAY JIYOUNG
seen
Hoshi is typing...
Hoshi: At talagang idadamay mo pa si Jiyoung dito ah, ibang klase ka din.
Woozi: Totoo nga yun, Hoshi.
Woozi: Si Jiyoung ang kasabay kong nakarating dito sa Busan at si Jiyoung din ang tumulong sakin kaninang binubugbog ako.
Woozi: Kaya siya wala dito kaninang dumating ka e dahil nagpa-blotter siya.
Hoshi: Sa tingin mo maniniwala pa ako sayo?
Woozi: BAKIT HINDI MO MUNA KASI TANUNGIN SI JIYOUNG?!
Hoshi: Anong kasiguraduhan kong hindi magsisinungaling sakin si Jiyoung?
Hoshi: Ikaw nga nagawa mo akong lokohin at nagawa mong magsinungaling sakin, yun pa kayang taong hindi ko naman masyadong kilala.
Woozi: BAKIT BA KASI AYAW MONG MANIWALA SAKIN?! LAGI KA NA LANG GANYAN E!
Hoshi: Nagsinungaling ka sakin at niloko mo ako tapos ngayon nagtataka ka kung bakit di ko magawang maniwala sayo?
Woozi: BAKIT, SA TINGIN MO GAGAWIN KO YUN KUNG SA UMPISA PA LANG NANIWALA KA NA SAKIN NA HINDI NAMAN TALAGA TAYO MAGKAPATID?
Woozi: Hindi sana tayo aabot sa ganito kung naniwala ka lang, Hoshi.
Woozi: Hindi ko sana ginawa 'to sayo kung di mo pinaniwalaan yung nanay ko.
seen
Hoshi is typing...
Hoshi: Alam mo, ngayon ko lang na-realize na tama lahat ng sinabi ng nanay mo, na gagawin mo ang lahat para hindi kita hiwalayan.
Hoshi: Siguro nga totoong magkapatid talaga tayo e dahil mukhang mas nagsasabi pa ng totoo yung nanay mo kesa sayo!
Hoshi: Ang tanga tanga ko.
Hoshi: Bakit pa kasi ako naniwala sa mga sinabi mo at bakit pa ako nagpadala sa nararamdaman ko sayo?
Hoshi: Ito ba yung gusto mong mangyari, ang makita akong nasasaktan ng paulit-ulit?
Hoshi: Mahal mo ba talaga ako?
Woozi: Mahal na mahal...
Hoshi: Pwes, palayain mo na ako!
Hoshi: Ayoko na, ang hirap na ng sitwasyon natin.
Hoshi: Ke magkapatid tayo o hindi, mas pipiliin ko pa ring maghiwalay tayo dahil yun yung mas makakabuti pa rin sating dalawa.
Hoshi: Alam mo kung gano kita kamahal pero mas lalo lang kasi tayong masasaktan kapag pinilit pa natin ang hindi na talaga pwede.
Hoshi: Sorry Jihoon, alam kong binago mo yung rule #5 para sakin pero hanggang dito na lang talaga tayo, wakasan na natin yung kwento natin.
seen
Woozi is typing...
Woozi: Don't feel sorry, Hoshi. Wala akong pinagsisihan na binago ko yung rule #5 para sayo dahil naging masaya ako nung binago ko yun, dahil naging masaya ako sayo.
Woozi: Wala na akong magagawa kung hindi mo kayang maniwala sakin pero sana tatandaan mo laging mahal na mahal kita.
Woozi: Mahal na mahal kita kaya palalayain na kita.
Woozi: Mahal na mahal kita kaya hindi na ako lalaban pa.
Woozi: Mahal na mahal kita pero paalam na.
Woozi: Mahal na mahal kita kaya hahayaan kong isarado mo ang pahina ng kwento nating dalawa.
Woozi: I love you, Hoshi my loves.
seen
You cannot reply to this conversation.
---

BINABASA MO ANG
rule #5 • soonhoon au
القصة القصيرةIn which Hoshi joined an organization under the management of his ultimate crush, Lee Jihoon. Date Started: January 17, 2017 Date Ended: October 18, 2017 Languange: Filipino and English