45

1.5K 67 38
                                        

(Jihoon's)

"Puta! Ang tagal naman ni Mam." Reklamo ni Coups na nasa tabi ko na hindi na alam ang gagawin dahil buryong-buryo na siya. Kahit kelan talaga 'tong gilagid na 'to!

Isa pa kasi 'tong teacher namin na halos magi-isang oras na naming hinihintay pero wala pa rin! Akala mo naman ikinaganda niya yung pagiging late niyang pumasok.

Napailing nalang din tuloy ako bigla pagkatapos ay nagsulat-sulat muna ako sa likod ng notebook ko.

Hanggang sa may pumunta sa harapan ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya.

"Hoshi?"

Hindi siya makatingin ng diretso sakin pero nasa harapan ko pa rin siya. Tinitigan ko lang siya habang palinga-linga siya sa paligid niya na para bang balisang balisa siya.

"May sasabihin ka ba?" Tanong ko kaya tumingin na din siya sakin this time. Kitang-kita ko sa mga mata niya--kahit wala siyang mata--na may bumabagabag sa kalooban niya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya kaya tumayo naman agad ako. Gusto ko rin talagang malaman kung ano yung problema niya.

Aalis na sana kami pero biglang hinatak ni Coups yung kamay ko kaya napatingin kami ni Hoshi sakanya.

"Balik ka agad ha." Sabi niya nang nakangiti kaya tinanguan ko nalang siya.

Pumunta kami ng SVT Office kasi dun niya daw gustong makipag-usap. Well, pagbigyan.

"Ano ba kasing problema mo? Pati ako iniiwasan mo." Napayuko siya bigla sa sinabi ko.

"Hindi kita iniiwasan." Mahinang sabi niya pagkatapos ay bumuntong hininga pa siya.

"Akala mo ba hindi ko mahahalata yung mga simpleng layo mo? Di mo ako maloloko uy! Nagawa ko na yan." Sabi ko habang umiikot na yung eyeballs ko.

Don't me, Hoshi.

"Hindi nga sabi kita iniiwasan!" Inis na sabi niya pagkatapos ay lumayo nanaman siya. Says what?

"E kung ganon, bakit ka lumalayo tuwing lumalapit ako?" Tanong ko.

Nanahimik siya saglit hanggang sa unti-unti na siyang tumingin sakin. Ng diretso!

"Kasi natatakot ako." Sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"At ngayon ka pa talaga natakot sakin, Hoshi?! Ang tagal tagal mo na sa org na 'to tapos ngayon ka lang matatakot!"

"Hindi yun!"

"E ano nga?!?!"

"Natatakot ako na malaman mo!"

At dahil dun ay ako naman ang natigilan. Nagsimula nang tumibok ng mabilis ang puso ko sa hindi ko malaman na dahilan, para akong kinakabahan na ewan!

"H-ha?" Tanong ko habang pinipilit kong pakalmahin yung sarili ko.

"Natatakot ako na malaman mo yung totoo..."

Ano ba 'to? Bakit ganito? Pakiramdam ko nag-iinit na ang buong katawan ko sa mga sinasabi niya.

"Diretsuhin mo na ako, Hoshi." Sabi ko sakanya dahil gusto ko nang marinig kung ano man yang punyetang sasabihin niya.

"Yung totoo na..."

Hindi na ako nagsalita at patuloy lang na nakinig sa sasabihin niya kahit na may mga suspetcha na pumapasok sa isip ko. Sinusubukan kong 'wag pansinin dahil ayokong mag-assume pero tangina ko talaga dahil napaka-assuming ko pa rin.

"na..."

Unti-unti na siyang lumapit sakin habang nakatitig pa. Putangina, Hoshi.

Hindi naman siguro totoo yung mga iniisip ko sayo diba?

"na ma---"

"JIHOON, ANDYAN NA SI MAM!!" At nagulat kami pareho ni Hoshi nang bigla bigla nalang pumasok si Coups na hingal na hingal.

Bumuntong hininga muna ako pagkatapos ay lumapit na ako kay Coups na naghihintay sa may pintuan.

Aalis na sana kami ng bigla niya akong tinawag ulit.

"Saglit lang! May ibibigay ako sayo." Sabi niya pagkatapos ay may inabot siyang papel sakin at tsaka siya naunang umalis.

Tinignan ko yung papel na binigay niya.

Facebook email at password niya at may nakasulat pa sa may gilid na:

'Basahin mo yung chat ko sa sarili ko'

---

rule #5 • soonhoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon