42

1.5K 63 9
                                    

(Hoshi's)

"Attention!" Sigaw ni Woozi saming lahat habang iika-ika pa siyang maglakad habang naka-alalay pa si Coups sakanya. Puta! Ako dapat yan e.

Nagsalita lang ng nagsalita si Woozi tungkol sa rehearsal pero hindi yun nagsi-sink in sa utak ko. Naiinis pa rin ako sa nakikita ko! Kung makaasta kasi si Coups akala mo boyfriend siya ni Woozi, bwisit! Kahapon pa yan sa ospital e.

Psh!

"Tara na, Hosh!" At para akong naalimpungatan nang tapikin ako ni DK sa balikat.

"Huh? San tayo pupunta?" Tanong ko kaya napakamot nalang siya ng ulo.

"Magbihis na daw tayo ng working clothes dahil magu-umpisa na ang rehearsal. Nakikinig ka ba?" Tanong niya kaya tumango lang ako.

"Naku hindi nakikinig yan! Kanina pa yan nakatingin ng masama kay Coups e." Biglang singit ni Mingyu kaya siya naman ang tinignan ko ng masama.

"Selos ka no?" Singit din The8 habang nakangiti pa ng mapang-asar. Kingina nalang talaga!

Napailing nalang ako pagkatapos ay tumayo na ako para magbihis ng working clothes. Simpleng t-shirt lang naman siya at jogging pants.

"Ang hot naman po pala dis boi!" Sigaw ni DK kaya nagtinginan tuloy yung iba samin--sakin lang pala. Parang gago kasi tong kabayong to e.

Napansin kong parang tumingin sakin si Woozi ng nakangiti o baka naga-assume lang ako? Hays. Kaya ako nasasaktan e.

"Okay! Bale ngayon palang natin magagawa yung by teams na rehearsal. So, kung sino man yung nasa team 1 pumunta na sa dance studio at team 2 naman sa music room." Utos ni Woozi kaya nagsipuntahan na kami sa mga kanya-kanya naming area.

Inumpisahan ko na agad ang pagtuturo ng steps para wala nang masayang na oras dahil malapit na rin yung event.

At exactly 9 o'clock ay natapos na kami sa pagpa-practice ng sayaw. Bumalik kami agad ng office at nadatnan na namin dun ang team 2 na nakaupo at nagpapahinga.

Umupo lang ako sa isang tabi kung saan natatanaw ko lang si Woozi. Kanina pa talaga ako hindi lumalapit sakanya dahil sobrang naasar pa rin ako kay Coups na lagi nalang nakadikit sakanya.

"Jihoon." Ayan! Lumapit nanaman si Coups kay Woozi habang may inaabot pa siyang banana milk pero tinignan lang yon ni Woozi.

Wag mong tatanggapin please!

"Anong gagawin ko dyan?" Tanong ni Woozi.

Oo wala kang gagawin dyan kaya wag mong tatanggapin!

"Try mong ipaligo." Sagot ni Coups kaya hinawakan tuloy ni Woozi yung gitarang nasa gilid niya. "Joke! Eto naman. Para sayo kasi yan."

Hampasin mo na nga gitara yan my loves para lubayan ka na! Sinisira niya yung love story natin.

"Oh, bakit hindi mo ibigay kay Jeonghan yan?" Tanong ni Woozi kaya napatingin tuloy ako kay Jeonghan na kasalukuyang nakikipagharutan kay Jisoo.

Aba! Bakit parang okay lang sakanya na dikit ng dikit si Seungcheolie niya kay Jihoonie ko?!

"Favorite mo kasi 'to."

Inirapan lang siya ni Woozi si Coups pero kinuha niya rin naman yung banana milk.

"Salamat."

Alam mo yung masakit? Yung makita mo yung taong mahal mo na nagbigay ng isang napakagandang ngiti sa taong mahal niya, sa taong sinaktan siya!

"Oy hindi libre yan ha. May bayad yan!"

"Ano?!"

"Ihahatid kita pauwi."

"Wag na, kaya ko nang umuwi mag-isa."

"Wag ka na ngang makulit! 9 na ng gabi at hindi pa magaling yang paa mo. Pano kung mapagtripan ka dyan sa daan?"

Hindi na nagsalita si Woozi at parang pumayag na yata siyang ihatid siya ni Coups.

"Masakit?" At nagulat nalang ako nang makakita nanaman ako ng kabayo sa tabi ko. "Tagalan mo pa pag-amin mo ha." Sarcastic na sabi niya kaya umiling nalang ako pagkatapos ay binitbit ko na yung bag ko.

Lalabas na sana ako ng bigla akong tawagin ni Woozi

"Hoshi!" Nilingon ko naman siya at pinagsisihan ko pa tuloy kung bakit ko ginawa yun. Shit! Ang lapit lapit na nila sa isa't-isa ni Coups. "San ka pupunta?"

"Uuwi." Sagot ko ng walang gana.

"Sabay ka na samin ni Coups." Sabi niya pero umiling lang ako pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas ng office.

Ang sakit sakit na talaga.

Tumulo nalang bigla ang luha ko sa hindi ko matukoy na dahilan. Siguro dahil parang nakikita ko na yung kinakatakutan ko.

Ang magkabalikan sila.

---

rule #5 • soonhoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon