(3rd person's)
Event day.
Ito na yung araw na pinakahihintay ng SVT Club. Ang araw na pinaghirapan at pinaghandaan nila ng matagal.
Nakastandby na ang SVT members sa backstage dahil ilang minuto nalang ay mag-uumpisa na ang show nila.
Pinapasok na rin ng mga staff na galing sa music department ang mga magiging audience nila. Punong-puno ang venue at nagmistulan na tuloy itong concert.
"Asan na ba yung SVT? Bakit antagal nilang lumabas?" Inip na sabi nung isang audience na galing pa sa ibang school.
"Chill ka lang girl! Ilang minutes na lang at magsisimula na yung show at balita ko may bago daw member." Sabi naman nung isang kasama niya habang nagtitilian pa sila.
"Sayang kasi sana dito na lang tayo nag-aaral para everyday natin silang makita."
"Gaga! Bakit lalaki ka ba? Kitang boys school 'to e."
"Kaya nga sana e. SA-NA!"
Nanahimik naman yung dalawang babae nang mapansin nilang patay na ang house lights at tanging ilaw na lang sa stage ang nakikita nila.
Ibig sabihin, magsisimula na ang show.
"This is it guys!" Sigaw naman ni Woozi sa mga co-members niya.
Huminga muna sila ng malalim pagkatapos ay pinagdikit-dikit nila ang mga hinliliit na daliri nila.
"Okay, pagbilang ko ng tatlo..." Sabi naman ni Coups habang tinitignan isa-isa ang mga nakababatang members nya.
"One..."
"Two..."
"Three..."
"SVT FIGHTING!" Sigaw nila ng sabay sabay pagkatapos ay nagmadali na silang umakyat ng stage kaya naman umingay na lalo ang buong venue dahil sa tilian.
Say the name!
"Hello we are SVT!" Bati nilang lahat sa mga audience at isa-isa na silang nagpakilala gaya ng nakagawian nila.
"Hello! I'm SVT's vice president and hiphop team leader, S.Coups."
"Hi. I'm SVT's angel, Jeonghan."
"I'm SVT's gentleman, Joshua."
"Hello! I'm SVT's handsome boy, Jun."
"Hello. I'm the newest member and the performance team leader, Hoshi."
"Hello. I'm SVT's funniest member, Wonwoo."
"Hello! I'm SVT's president and vocal team leader, Woozi."
"Hi. I'm SVT's cutest member, The8."
"Hello. I'm SVT's aspiring visual, Mingyu."
"Hello! I'm SVT's happy virus and main vocal, DK."
"Helloooooo! I'm SVT's aspiring MC and main vocal, Seungkwan."
"Hi. I'm SVT's rapper, Vernon."
"Hello! I'm SVT's giant maknae, Dino."
Matapos nilang magpakilala ay agad nang sinimulan ang una nilang ipe-perform, and Adore U.
*playing Adore U
Habang nakapwesto na sila sa kanya-kanya nilang formation ay di naman maiwasang mapatingin ni Hoshi kay Woozi pagkatapos ay mapapangiti nalang siya dahil ang cute talaga ni Woozi sa suot niya.
BINABASA MO ANG
rule #5 • soonhoon au
Short StoryIn which Hoshi joined an organization under the management of his ultimate crush, Lee Jihoon. Date Started: January 17, 2017 Date Ended: October 18, 2017 Languange: Filipino and English
