77

1.5K 70 28
                                    

(Woozi's)

Bonfire na.

Pagkatapos kong hiramin yung cellphone ko kay Jeonghan para i-chat yung napakawalang kwentang Kwon Soonyoung na yun ay pumunta na rin ako sa bonfire.

Nandun na ang lahat kaya naman tumabi ako kay Mingyu at pumagitna ako sakanila ni Wonwoo. Tangina gabing-gabi na, naglalandian pa rin.

"Ang bitter mo talaga hyung!" Inis na bulong sakin ni Mingyu kaya binatukan ko nga.

"Heh! Tigilan niyo ako sa kalandian niyo ah." Sabi ko sakanya kaya nginusuan niya ako.

"Luh! Nag-uusap lang kami anong malandi dun?"

Hindi ko nalang siya pinansin at tinuon ko nalang ang atensyon ko kay Coups na kasalukuyang nakatayo na sa gitna, sa may malapit sa apoy.

"Okay, since nandito na tayong lahat, pwede na tayong mag-umpisa. Kung may gustong magsalita at maglabas ng saloobin pakitaas lang ang kamay niyo."

Walang nagtaas ng kamay nila nung una at parang nagpapakiramdaman pa sila kung sinong unang magsasalita.

Maya-maya ay dahan-dahang itinaas ni Seungkwan ang kamay niya.

"O sige! Mauna na, Kwan."

Huminga muna si Seungkwan pagkatapos ay nilibot niya muna ang tingin niya saming lahat.

"Unang-una sa lahat, masaya ako dahil kasama ko kayong lahat dito sa camping na 'to pero sayang lang dahil kulang tayo ng isa."

Napayuko na lang ako dahil sa sinabi niya kasi kung hindi naman dahil sakin siguro buo kami ngayon dito sa camping.

"Jihoon hyung."

Agad kong inangat ang ulo ko nang marinig kong tawagin ni Seungkwan ang pangalan ko at halos lahat sila ay nakatingin na sakin.

"Alam kong hindi naging madali ang mga nangyari sayo nung mga nakaraan pero baka nakakalimutan mo na may SVT na hindi mo lang basta-bastang members kundi kaibigan mo rin na pwede mong hingan ng tulong kapag nahihirapan ka."

"Hindi ko alam kung bakit mo laging binabalewala yung existance namin -credits kay Vernon yung existance hehe- pero yun nga! Bakit ganun hyung? Sinosolo mo yung mga problema na pwede nating pagtulungan ng sama-sama."

"Kitang-kita namin kung gano ka nahihiharapan at kapag nilalapitan ka naman namin para tulungan lagi mo na lang kaming itinataboy!"

"Hyung ano ba? Tanggapin mo naman sa sarili mo na may mga taong totoong nagmamahal sayo at kami yun!"

Tumango lang ako sa lahat ng sinabi niya kahit ang totoo ay gusto ko nang umiyak dahil sa sakit na bumabalot sa kalooban ko.

Truth hurts nga diba?

Hanggang sa isa-isa na rin silang nagtaas ng kamay at halos lahat sila, sakin may sama ng loob.

At paulit-ulit nilang inuungkat yung nangyari samin ni Hoshi at kahit hindi nila sabihin ng diretso sakin, alam kong ako ang sinisisi nila kung bakit ang tagal namin siyang hindi nakasama.

Well, maski ako din naman. Wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko at ang maling desisyon na ginawa ko nung araw na yun.

I should've ask for him to stay.

Nung matapos na silang magsalitang lahat ay pagkakataon ko na rin para magsalita at maglabas ng kung ano mang mabigat sa damdamin ko.

I wanted to start with a smile but suddenly my tears started to fall down from my eyes.

Guilty? Yeah, maybe.

Siguro nga nagi-guilty na ako ngayon dahil wala akong ibang pinakita sakanila kundi yung strong personality ko, wala akong ibang ginawa kundi solohin lahat ng problema, wala akong ibang ginawa kundi magtaboy ng mga taong gusto akong mahalin.

I don't even know what the heck is my problem!

"Sorry..."

The only thing that I can do now is to apologize.

Hindi ko na nga alam kung pano ko sila titignan isa-isa dahil nakita ko na kung gano sila nasasaktan sa mga ginagawa ko.

Maya-maya ay may naramdaman na akong mga yumayakap sakin.

"Okay lang hyung, alam naming sobra kang nasasaktan ngayon, ramdam namin yun pero sana alam mo din na hindi lang ikaw ang pwedeng lumaban dahil handa ka naman naming samahan e."

"Oo nga, Ji. Natakot kami nung tinangka mo na namang magpakamatay pero mas natakot kami nung itinaboy mo si Hoshi palayo, siguro alam mo namang kawalan siya diba?"

Natigilan ako sa sinabi nila at lalo akong nasaktan dahil dito.

Dahil oo, kawalan ko talaga siya at ngayon hindi ko na alam kung babalik pa ba siya.

Hanggang sa lumapit na si Coups sakin at umupo siya sa harapan ko para punusan ang mukha kong basang-basa na ng luha.

Nakakatawang isipin na si Hoshi ang nagpupunas ng luha ko dati nang dahil kay Coups pero parang nabaliktan na ata ngayon.

"Alam kong ako ang pinagmulan ng lahat ng 'to pero wag kang mag-alala, maitatama ko rin ang lahat. Soon!"

Nakangiti lang siya habang nakatingin siya sa mga mata ko at ramdam ko yung pagiging sincere niya kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na hindi mapangiti.

Ang dami kong sakit na naramdaman kay Coups pero ngayon ko lang na-realize na hindi man nagwork ang relationship namin as a couple atleast nagwork ang relationship namin as a bestfriend at masaya na ako dun.

"Tama na nga yan! Masyado na tayong ma-drama."

"Oo nga, maghappy-happy naman tayo."

"Kanta ka nalang, Jihoon hyung!"

"Oo nga kanta ka nalang, Jihoon may gitara ka naman e."

Ayoko sanang kumanta dahil kagagaling ko lang sa iyak at hindi din stable ang boses ko pero dahil makulit sila, pumayag na lang din ako.

Kinuha ko muna yung gitara na galing kay Coups pagkatapos ay lumabas agad ako at bumalik sa upuan ko.

"Anong kakantahin mo hyung?"

Napatingin ako kay Dino pagkatapos ay ngitian ko na lang din siya.

"Without you."

Binalik ko ang tingin ko sa gitara habang nakangiti pa rin ako habang naiisip ko yung lyrics ng kakantahin ko.

Para sayo 'to, Hoshi.

---

*Note: I'll update ulit later~ ;)

rule #5 • soonhoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon